Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kabaitan" poems
Kaibig-ibig ka, katangi-tangi, at hinahangaan, Alindog mo at kagandaha'y hindi matatanggihan, Ng sino mang taong handing-handa kang ligawan. Kinahuhumalingan ka ng mga lalaki sa ating pamayanan. Kinaiinggitan ng mga babae sa iyong kaseksihan, Bakit hindi kita magawang magustuhan? Ilang lalaki na ang umakyat ng ligaw sa iyo, Ni isa ay hindi mo sinipot, hindi ka kumibo o nakihalubilo. Ang sabi ng nakararami? 'Ako' ang gusto mo. Nang ako'y iyong lapitan sa aming tahanan, Ang mga ngiti mo'y nag-uumapaw sa kasayahan, Nang masilayan ka, mukha ko'y walang bakas na kaligayahan. Ako'y iyong sinisinta, higit pa sa kaibigan. Ika'y tahasang nagsabing, ako ang iyong napupusuan. Sinabi **** ako'y liligawan at iyon ay iyong paninindigan. Subalit, ayoko kong ikaw ay masaktan. Kaibigan lang ang aking masusuklian, Sa kaaya-aya **** ngiti at kabaitan. Hindi ako karapat-dapat na iyong ligawan, Hindi kita mahal, 'yan ang aking nararamdaman. Hindi na hihigit pa ang iyong pagkakaibigan. Kaya, pakiusap, pawiin mo ang iyong kalungkutan. Ibaling mo sa iba ang iyong isip at damdamin, Ako'y magpapaalam, mahal kong kaibigan.
0
Jan 10, 2016
Jan 10, 2016 at 10:43 AM UTC
Mahal Kong Kaibigan
Naalala mo ba tayoy magkaibigan? Masaya ang ating samahan Nagaasaran ,kulitan hanggang sa magkakapikunan Masaya akong ikay aking kaibigan Dahil akoy iyong naiintindihan Lalo na ang aking kaabnormalan Di nagtagal loob natiy nagkagaanan Hanggang sa dumating yung araw na ikay umamin Di sinasadya na akoy iyong gustuhin Noong una'y natatakot ka pang umamin . Hindi ko inaasahang akoy iyong magugustuhan Dahil sa taglay kong kamalditahan Pero sabi moy ikay nahulog sa aking kabaitan At hiling mo'y wag Sana kitang layuan Hanggang sa sinabi **** ikay manliligaw at akoy pumayag naman Hanggang sa di nagtagal ikay akin ding nagustuhan pero bakit parang gusto na kong sukuan sa aki'y ika'y ba'y wala ng nararamdaman kung ganun sabihin mo naman Hindi yung babaliwalain mo ko ng ganyan Sa dami ng ating pinagsamahan Ang masayang pagkakaibigan bay mauuwi na lang sa SALAMAT AT PAALAM
0
Aug 9, 2018
Aug 9, 2018 at 2:08 AM UTC
To my beloved friend
Ngayong araw ako'y siyang naatasan Na ipakilala ang ating kaybigan Mahirap sabihin, ang inyo nang alam Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan Sikat sadya itong ating kaibigan Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan" Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan Talino at t’yaga ang kanyang puhunan Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan Sya'y taong tunay ang angking kabaitan Na dama ng tao, hayop at halaman Sa dami ng kanyang lathalaing-agham Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan Palaka, butiki, ahas at butaan Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan Lumaki't lumawak ating kaalaman Kung kaya't umani laksang karangalan Alam kong sa bawat uri ng palaka O ibang buhay na sa mundo'y mawala Kasama natin s’yang lungkot na luluha Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa Dedikasyon niya ay dapat tularan Ipakilala s’ya'y isang karangalan Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
0
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
Pagpapakilala Kay Doc Arvin
Mayroon akong kwento, Sana ay mabasa ninyo. Tungkol sa isang bobo, Na minahal ang matalino. Makurba ang katawan ni Matalino. Mapungay naman ang mata ni Bobo. Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo. Kamalditahan naman ang kay Matalino. Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa. Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino. Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao. Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya. Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo. Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw. Gusto niyang mahalin siya ni Matalino. Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw. Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon, Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit. Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon, Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit. Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan. Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan. Abot na niya ang langit sa kanyang harapan, Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:34 AM UTC
Si Bobo at Matalino
Malamig ka na... Araw-araw nag pag iisip umaga, hapon, gabi di ko masabi dilim saaking isip at sa puso. Abuso sa kabaitan pag lapastangan sa aking kabaitan, di ko maisip kung bakit isang araw di kana lumapit... saakin mahal. bigyan mo ako ng oras para mailabas ang aking saloobin ng ikaw maliwanagan narin. Aking ipapaliwanag biglang **** pag lamig na tila isang malaking sahig na walang hanggan na pag aaway at pag tatampo, di ko maihabilin sakit sa aking damdamin. sasayad sa aking isip na di kana masaya saakin. na na na na maaaring sawa kana sa saya, sakit at pagkalumbay sa aking piling, mahal aking hiling kung mayroong problema sa pagitan natin ay iyong sabihin. hindi yung bigla kang lalamig na para bang sahig.. bigla kang lalamig. at sa oras ng iyong pag lamig para bang pati puso ko'y namanhid, di ko maintindihan napuno ito ng tampo... sayo! kaya mahal ipaliwanag mo ngayon ang iyong sarili kung bakit ka lumalamig.
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 8:54 AM UTC
Malamig ka na.
May mga oras sa aking buhay Na aking hinihiling na sana'y ika'y hindi nakilala Sapagkat kung ika'y hindi nakilala Aking puso'y nananahimik ngayon Ngunit ika'y nilapit sa akin Hindi ko napigilan ang aking sarili Na mahulog sa iyong kabaitan at pagiging iyong sarili Alam kong kasalanan ko ito Kung kaya'y ika'y hindi sinisisi Masaya ako sa piling mo At sa araw-araw na tayo'y magkasama Minsan ang sakit Dahil alam kong sa araw-araw Ika'y mas lalong hinahanap At mas ginugusto na makasama Kahit hindi ko gusto na ika'y maisip Bakit nga ba ika'y pilit tumatakbo? Mga katanungan na biglaang papasok Sa aking isipan ay bumabagabag Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod sa pag antay sa akin na ako'y makasakay? Hindi ka ba napapagod sa pag protekta sa akin? Hindi ka ba napapagod sa pakikinig sa akin sa araw-araw? Bakit? Bakit mo nga ba ito ginagawa? Hindi mo ba alam na ako'y nahuhulog na sa'yo? Ang hirap, alam mo ba? Pero alam mo ba Ang saya ko kapag kasama kita Makita lang kita Aking araw ay buo na Hindi ko man alam ano ang karugtong ng kasalukuyan Pero sana ikaw ay parte ng aking kinabukasan
0
Oct 29, 2016
Oct 29, 2016 at 1:51 PM UTC
Bakit nga ba?
Nagsisimula nang humakbang ang aking mga paa, Ilang sandali na lamang ay masasaksihan ko na, Na mararamdaman ko na ang pakiramdam na tayong dalawa ay magiging isa, At habambuhay na itatatak sa puso na tayong dalawa ay magkasama. Sa suot kong kulay puting kasuotan ako ay nakangiti, Habang dahan-dahang naglalakad patungo sa iyong tabi. Hindi ko mapigilang mga luha ay umagos mula sa aking pisngi, Ito na nga ang pinakakahihintay kong pinakamasayang sandali. Parang kailan lang nang una kitang masilayan, Dito sa dalampasigan ay mag-isa kang nag-aabang habang ang mga mata ay nasa karagatan. Naka-upo sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalangitan, Malalim ang iniisip at hindi ko maarok ang kailalaliman. Nang ika'y lapitan, sa mga mata mo'y pansin ko ang kalungkutan, Ako ay natigilan pagka't hindi ko alam kong nararapat bang tuklasin ang iyong pagkakakilanlan, O hahayaan na lamang kitang pagmasdan o basta na lamang kitang iwanan. Ngunit nang ika'y magsalita, nangyari ang kabaligtaran at doon nagsimula ang ating mahahabang kuwentuhan. Sinong mag-aakalang sa isang tulad ko ikaw ay pakakasal? Konserbatibo at mahiyain na ang tanging alam ay mula sa kabihasnan? Hindi katulad **** Inglesero, palabiro, at hindi mabilang ang kapintasan? Pero kinalaunan, lumabas din ang natatago **** kabaitan at kasipagan. Ilang hakbang na lamang ang lapit ko sa iyo, Pero humahagulgol ka na, inuunahan mo na naman ako! Magkagayunpaman, mahal ko ang isang tulad mo, Dahil sa iyo, nabuo ang isang tulad **** ikaw at ako!
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 10:06 PM UTC
Ikaw at Ako
Nagsisimula nang humakbang ang aking mga paa, Ilang sandali na lamang ay masasaksihan ko na, Na mararamdaman ko na ang pakiramdam na tayong dalawa ay magiging isa, At habambuhay na itatatak sa puso na tayong dalawa ay magkasama. Sa suot kong kulay puting kasuotan ako ay nakangiti, Habang dahan-dahang naglalakad patungo sa iyong tabi. Hindi ko mapigilang mga luha ay umagos mula sa aking pisngi, Ito na nga ang pinakakahihintay kong pinakamasayang sandali. Parang kailan lang nang una kitang masilayan, Dito sa dalampasigan ay mag-isa kang nag-aabang habang ang mga mata ay nasa karagatan. Naka-upo sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalangitan, Malalim ang iniisip at hindi ko maarok ang kailalaliman. Nang ika'y lapitan, sa mga mata mo'y pansin ko ang kalungkutan, Ako ay natigilan pagka't hindi ko alam kong nararapat bang tuklasin ang iyong pagkakakilanlan, O hahayaan na lamang kitang pagmasdan o basta na lamang kitang iwanan. Ngunit nang ika'y magsalita, nangyari ang kabaligtaran at doon nagsimula ang ating mahahabang kuwentuhan. Sinong mag-aakalang sa isang tulad ko ikaw ay pakakasal? Konserbatibo at mahiyain na ang tanging alam ay mula sa kabihasnan? Hindi katulad **** Inglesero, palabiro, at hindi mabilang ang kapintasan? Pero kinalaunan, lumabas din ang natatago **** kabaitan at kasipagan. Ilang hakbang na lamang ang lapit ko sa iyo, Pero humahagulgol ka na, inuunahan mo na naman ako! Magkagayunpaman, mahal ko ang isang tulad mo, Dahil sa iyo, nabuo ang isang tulad **** ikaw at ako!
Continue reading...
24
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin? Simula't sapul hanga ako sa iyong angking Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing Napukaw mo ang aking damdamin Noo'y di lingid sa aking kaalaman Ikaw pala ay aking magiging kaibigan Usap nang konti, tawanan sandali Marupok na puso'y pilit winawaglit Mali bang ika'y aking pangarapin? Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin Konting asaran na lang at ako'y matatangay Sa iyong mga matang laging nagpupugay Ngunit sabihin man nating gusto kita Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa Takot masira kung anong meron tayo Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 5:38 PM UTC
Mga Hindi ko Masabing Salita
Una kang makita ang puso ko'y mayroong ibang naramdaman. Naramdaman kung tumibok muli ang puso kong ito sa isang taong Hindi ko lubusang Kilala. Hindi ko aakalain tatamaan sayo dahil isa ako sa mga taong Hindi naniniwala sa " love at first sight " Ngunit ng Ika'y nasisilayan sa pang araw-araw hindi ko namalayang nahuhulog na pala sayo ng lubusan sa mga Matatamis **** ngiti sa maaliwalas **** mukha di nakakapag takang nabihag mo ang puso ko. Unay nahihiyang lumapit sayo nakuntento sa palihim na pag sulyap .Hanggang sa nag ka lakas ng loob na ika'y kausapin at doon na nga nag umpisa sa wakas ikaw at ako'y mag kaibigan na lalo akong Humanga sa taglay **** kabaitan kaya't di napigilan sabihin sayo ang aking nararamdaman Labis ang kaba sa pagkat ako'y natatakot aminin sayo ang aking pagtingin sapagkat baka ako'y iyong iwasan. Pero nanaig pa din ang kagustohang aminin sayo ang nararamdaman Ika nga "Mas mabuti ng sinubukan kisa sa hindi " Salamat at dika lumayo salamat at di ka nag bago salamat sa mga panahong masaya ako kausap ka sa mga biruang halos umiyak na sa kakatawa itong mga ala-alang binuo nating dalawa akin dadalhin salamat hanggang sa muli nating pag kikita Mahal kong kaibigan.
0
Mar 20, 2019
Mar 20, 2019 at 5:36 AM UTC
Hanggan sa Muli
Lumipas ang Mga Taon, Sa sulyap ng isang mata, Mga sandali ng kalungkutan, At ang kagalakan ay lumipad. Mga taong mahal ko, Dumating na at wala na, Ngunit hindi tumigil ang mundo, At nagpatuloy kaming lahat. Hindi madali ang buhay, At ang mga pakikibaka ay naroon, Napuno ng mga oras na mahalaga ito, Mga panahong hindi ko lang pinansin. Nakatayo ako sa sarili ko, At natagpuan ko pa rin ang aking daan, Sa ilang gabi na napuno ng luha, At ang bukang-liwayway ng mga bagong araw. At ngayon sa katandaan, Ito ay naging napakalinaw, Mga bagay na nalaman ko na mahalaga, Hindi kaya kung bakit ako narito. At kung gaano karaming mga bagay, Na pinamamahalaang kong bumili, Hindi kailanman kung ano ang gumawa sa akin, Mas mabuti ang pakiramdam sa loob. At ang mga pagkabahala at takot, Ang araw na iyon ay sinaktan ako, Sa katapusan ng lahat, Gusto lang mawala. Ngunit kung gaano ako nakaabot, Sa iba kung kinakailangan, Ay ang tunay na panukala, Sa kung paano ako nagtagumpay. At kung gaano ko ibinahagi, Sa aking kaluluwa at puso, Sa huli ay, Ano ang naghiwalay sa akin. At kung ano ang talagang mahalaga, Ang aking opinyon ba sa akin, At kung o hindi, Ako ang pinakamahusay na maaari kong maging. At gaano pa karaming kabaitan, At mahal na maipakita ko, Bago sabihin sa akin ng Panginoon, Ito na ang oras ko.
0
Jun 13, 2020
Jun 13, 2020 at 2:04 PM UTC
The True Meaning of Life