Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ilayo" poems
Kung bibigyan ako ng pagkakataon, Magsusulat akong muli. Kung saan hindi ko pa ramdam ang sakit, Kung saan hindi ko pa ramdam ang pait, Kung saan masaya ang umpisa at masarap pa ang huli. Kung saan buo pa ang sarili at wala pang pilas ang pagkatao Kung saan ang lahat ay umiikot pa sa ating dalawa. Isusulat kita, Paulit ulit kong isusulat ang ilang berso ng ating kwento Dalhin man ako sa malayong pinagmulan nito, O dalhin man ako sa masakit na katotohanan nito. Isusulat ko pa rin ng paulit ulit ang mga kwento natin, At patuloy kong babaguhin hanggang ang lahat ay maging tama. Sa paraang gusto ko, Sa paraang maisasalba ko ang salitang "tayo". Kahit parusahan man ako ng mundo, Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Hindi man alam ng mga tao, Hindi man ako pagbigyan ng puso nyang mahalin ka. Ilayo ka man nya, Lumayo man kayo, Uulitin ko ang mga kwento ko, Hanggang mag tama muli ang mundo mo at mundo ko. Mamahalin kita ng paulit ulit. Hanggang ang salitang pagod na ako ay maging hindi na totoo Hanggang ang luha ko ay matuyo at di na muling tumulo. Mamahalin kita ng paulit ulit, Hanggang huling hininga ko, uulitin ko ang pagkakataong ito.
0
Mar 22, 2018
Mar 22, 2018 at 1:17 AM UTC
ikaw ang pahina, ang tinta at tula.
Mahal, kaya ko pa Kaya ko namang maghintay kahit sa huling sagot mo pa'y Ayaw mo na Mahal, kaya ko pa Ilang beses nang dumaan Yung mga pagkakataong bitawan ka Pero mahal, ayoko Iba ka sakanila Kung dati'y nahahayaan ko pa Mahal, pasensya Kung ikaw kasi ang pinaguusapan talagang di ko kaya ilang beses mo nang pinilit na lumayo ako sayo ngunit di gagalaw tong mga paa ko Kasi mahal, Alam ko namang ayaw mo rin Pinipilit mo lang naman sa sarili mo na masyado pang maaga na mali kaya mo ko inilalayo sayo Kaya magpapakatanga ako Pwede bang hayaan mo ko? Ikaw kasi yung unang pinaglaban ko Di pa ba sapat na hayaan mo ko? Sige, mahal Ayos lang Ipilit mo sa sarili mo Ilayo mo ko, Paghintayin ako Mahal, kaya ko pa Wag mo lang naman sanang ipilit na ginagago kita At kung naghihintay ka lang na sabihin kong Di kita mahal Pasensya, Ako na mismong nanloko sa sarili ko Kung ginawa ko man yon Mahal,  ipilit mo nang lahat Wag lang sa puntong umabot sa totoo kog nararamdaman, Kasi mahal, Tangina, Mahal talaga kita
0
Dec 3, 2016
Dec 3, 2016 at 1:15 AM UTC
Kaya pa
Malaya ang iyong kaluluwa na makasama ang mga naturing **** bahaghari ng iyong buhay, magpakasagana ka sa katuwaan, ngunit huwag palilinlang. Mga mata **** huwag sana paaalipin sa hindi makatarungang kanilang nakikita. Higit pa sa makikita mo sa salamin ng iyong pagkatao, ang unang hakbang ay iyong pagkilala sa iyong sarili. Ngunit huwag palilinlang. Kamay mo nawa ang siyang unang magaakay saiyo sa paggawa ng tama, magtatapon rin nawa ng lahat ng bakas ng kasamaan, at huwag kang palilinlang Ang iyong isip ay gawing mapanalig sa pawang makatarungan lamang, ilayo ang iyong sarili at bigyan ka nito ng kasarilan nang hindi ka malinlang. Kapwa, isa ka sa kaunting dahilan ng ating pagsibol. Magsisimula sa iyo ang pagbabago. Huwag nang hanapin pa ang katotohanan, sapagkat nariyan na sa iyong harapan. Huwag itapon ang biyaya at karapatang maka-kita ng tama, maka-tutol sa kamalian, maka-pigil sa nangaapi at maka-gawa ng mabuti.
0
Feb 22, 2019
Feb 22, 2019 at 8:06 AM UTC
Huwag Palilinlang
Alam ko namang ito ang magiging kamatayan ko. Alam ko namang may hangganan din itong mayroon tayo. Ang puso kong pasan-pasan ko, at hila hila ko rin pati na ang sa'yo. Ang pagkahulog ko ay akin lamang, ang pagkakadapa ko'y sariling pagkakasala. Ano ang sasabihin ng aking ina, ang luha pag nakita ang duguang mukha? Abutin mo ang aking kamay, at tulungan mo akong tumayo sa aking paa. At ang mukha ko'y punasan mo, ang labi ko'y dampihan mo ng labi mo. Ang aking ikalawang pagkakahulog, alam kong wala nang sasaklolo. At wag kang iiyak sa ngalan ko ang luha mo'y para lamang sa'yo. Ang ikatlong pagkakahulog, ang iyong kapatawaran ay ibigay mo. Aking kasuotan ay tanggalin mo, aking kabayaran ay tanggapin mo. Ang mga braso ko'y pigilan mo, ang mga binti ko ay isunod. Alisin mo ang paghihirap ko sinta, ang paghinga ko'y wakasan na. Alisin ang katawan ko't ilayo sa aking puso, ang isip ko'y isunod mo pagkatapos. At ipahinga mo ang bangkay ko sa tabi mo, hanggang kamatayan sa'yo lang gagapos. At hintayin mo aking muling pagbabalik, sapagkat ang aking ikalawang pagdating  ay ang paraisong di mo pa nararating.
0
Mar 27, 2024
Mar 27, 2024 at 7:04 AM UTC
Estaciones de la Cruz
ano nga ba ang salitang two timer para sau. Diba once na marinig mo ang salitang two timer,maiisip mo agad.. -ah sila ung mga taong di makuntento sa isa -ung meron na pero diparin sapat para sa knila -ung di parin sila fullfilled -ung gusto nla mas maging masaya pa sila Dba ansaya nila! -sobrang saya nilang makapanakit ng iba -sobrang galing humabi ng mga pekeng pangako. Ano asan na? -aun biglang napako -diba ang hrap nun pinako na -pinako nya dahil peke Peke -pekeng mga salita mula sa mapanlinlang niyang mga labi Salita -mga salitang tumino sa utak at tumatak sa puso mo -mga salitang ngbigay inspirasyon at pag-asa para mangarap Pangarap -mga pangarap nasa isang iglap mawawasak lng pla Alam mo kung bakit? Dahil ang dating pangarap na binuo niyo noon,ay tinutupad na niya. Dba ansaya? Pero alam mo bang masakit? Bakit? -oo tinupad niya un pero hindi na ikaw ang kasama -tinupad na niya sa piling ng iba Sa piling ng iba kung saan naging mas masaya xa Dahil bakit? -ang pag ibig nya sau ay parang bucket -isang bucket ng yelo -na tumunaw ng lahat ng pinangarap niyo mga pangarap na ngayo'y pangarap na nila Masakit! Pero lagi **** tatandaan,lahat ng sakit na dinadanas mo ngaun ay siyang maging tulay at ugat upang makarating ka sa liwanag liwanag ng Diyos Diyos na naging mitsa para ilayo ka sa maling tao Na di nararapat sa busilak **** puso Busilak na puso,na makakatagpo pa ng isang taong,magmamahal sau ng totoo na siyang tutupad ng mga pangakong Minsa'y napako dahil sa maling tao. maling na tao na siyang magiging para matagpuan mo ang siyang tamang nakalaan para sayo..
0
Oct 11, 2019
Oct 11, 2019 at 9:03 AM UTC
Two Timer

Continue reading...
49