Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Huwag ka nang magalala
Susubukan kong
Itali sa iyong pulso
Yaring munting tala
'Wari isang lobo
Upang ikaw ay tumahan na
Gaano ba kasakit ang iwanan?
Paano ba tatakpan ang mga lamat
ng puso **** nabasag?
Hayaan **** ihele ka
ng mga mumunting kuliglig sa parang
Sa pagtulog mo
Hangad ko rin
Mabura ang sakit
na iyong dinaranas



-Tula V, Margaret Austin Go
NadPoet Feb 2020
Hayaan ipikit ang mata at matulog kana
Ako ang magiging anghel dela gwardiya
Sa iyong pagtulog hayaan ipahinga ang isip sa pag-alala
Ako ang magiging bantay mo sa pagtulog habang tinititigan kita
Hayaang mata ay ipahinga at managinip ng masaya
Di man ako marunong kumanta upang ihele ka
Ako naman ang magbabantay upang ang pagtulog ang mahimbing
Habang tulog ka ako ang iyong mandirigmang ipaglalaban ang katahimikan
Katahimikan dito sa mundong puro away at sigawan
Matulog ka na...
Levin Antukin Jun 2020
kung ika'y nakatutulog nang mahimbing,
nawa'y ihele ka sa bisig
ng mga umuugong na hiyaw.
hindi nagmamaliw, hindi patitinag.

inaantok na.
dahan-dahang bumababa ang kurtina.

bakit nga ba?
bakit ba mas ibinubuka ang mata
tuwing kakapa sa dilim
kaysa liwanag ng bagong umaga?

sunugin yaong tela.
basagin ang bintana
hayaang pumiglas ang kaluluwang nagmamakaawa
na kahit isang saglit

matulog ka'ng mulat. kailan ma'y 'wag pumikit.

— The End —