Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Steph Dionisio Jul 2014
Ang totoo 'di tunay na alam,
sa kung paanong nito'y paraan, paano ipaparamdam,
itong pasasalamat na mula sa puso,
na ikaw rin mismo ang humubog at bumuo.

Sino ka nga ba sa aking buhay?
Anong katangian ang iyong itinataglay?
Bakit sa buhay, ika'y mahalaga?
Bakit kita kinakailangan sa tuwina?

Ako'y 'di mo lamang inilabas sa sinapupunan.
Sa akin ika'y nagmahal, nag-aruga, nagbigay ng aral.
Sa araw-araw na ika'y nakikita,
walang katumbas na saya ang tawagin kang "mama".

Kami'y walang kasing palad na mabiyayaan,
isang inang maganda, busilak ang kalooban.
Sa mga pagkakataon na ika'y nagalit,
Ni minsan sa ami'y 'di nagmalupit.

Pagod, hirap, sakripisyo, sa ami'y inilalaan,
walang pag-aalinlangang, ikaw ang ilaw ng tahanan.
O ano ang buhay kung wala ka?
Sa amin hatid mo ay labis na ligaya.

Di man masabi ang lahat sa munting tula,
'di man ito galing sa dalubhasa,
sa ikabuturan ng puso, ito'y nanggaling,
para sa isang dakilang inang wala ng niningning.
Taltoy May 2017
Ina
Kay tagal nating nakasama,
Sa katunayan, mula pa noong umpisa,
Hindi byo kami tinalikuran,
Magkagulo man, di nyo kami iiwan.

Kayo ang aming naging ilaw,
Upang ang daang ito'y matanglaw,
Aming sandigan at karamay,
Lalo na sa mga pagsubok nitong buhay.

Di kakayanin ng kahit anong kalatas,
Matumbasan ang sakit na inyong dinanas,
Kahit ilang beses pa magpasalamat,
Sa mga sakripisyo nyo'y di sasapat.

Ngunit ganyan nga naman talaga,
Sa kasalukuya'y wala pa kaming magagawa,
Ngunit sana, sa paglipas ng panahon,
Umiba ang direksyon ng mga alon.

Kasalukuya'y kami'y hanggang "salamat",
Upang bigyang halaga ang pinagdaanan n'yong maalamat,
Mga bagay na kayo at kayo lamang ang makapagbibigay,
Katulad nitong tinatamasa naming buhay.

Kaya sana tanggapin nyo itong aming handog,
Galing sa'ming mga pagkataong kayo ang humubog,
Ang aming pasasalamat na tunay,
Para sa inyo, mga inang walang kapantay.
Happy Mother's Day!!!!
Tuwing may unos sa buhay, sino ba ang ating sinasandalan?
Di ba ang ating pamilya na handa tayong tulungan?
Sila ang ating pinaghuhugutan ng lakas noon pa man.
Kaya dapat sila’y pahalagahan at pasalamatan.

Noong bata pa lang kami, kayo ang nandiyan para sa amin.
Humubog sa aming pagkatao at bumuo ng aming mithiin.
Upang makapagtapos ng pag-aaral at mga pangarap ay abutin.
Ngayon na kami ay mga matanda na, oras na suklian kayo na aming mga tungkulin.

Araw-araw namin kayo kasama sa puyatan dahil kami ay nag-aaral
At nandiyan rin na tuwang-tuwa tuwing kami ay may mga parangal.
Kaya maraming salamat sa aming pamilya na nandiyan magpakailanman
At oras at panahon sa amin ay pinag-alayan.

Ang salitang salamat ay walang katumbas sa inyong pagmamahal sa amin.
Kaya buong kasiyahan at pasasalamat an gaming mga panalanagin.
Dahil kayo ang munting mga regalo mula sa ating Panginoon.
Kaya kami ay suwerte at wala nang mahihiling mula noon.
ilan pang mga paalam
at mga luha pa
na kailangan ko nang
tanggapin
sa pait nitong katotohanan
na syang humubog bilang
bago kong sarili
upang ako'y makausad na
rito sa bagong yugto
na aking buhay na hindi ko na
matatakasan pa?

bakit kay kagyat kang lumisan?
buhat ba nang ika'y iniwan?
'lam kong 'di mo tanggap ang lahat
at 'yong tamo, lihim **** sugat
bubura sa tamis **** kulay
at syang kikitil sa 'yong buhay
tangi **** handog sa 'king diwa:
ang iyong pambihirang luha
a jamb-jitsu format

— The End —