Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hintayan" poems
Sa tili ay nagulat Oras na bumangon Tumatagistis ang pawis Nagsusumikap sa ilalim ng buwan Nang sa taggutom ang sikmura'y di magtiis Ilang linggo na ang lumipas at muli'y pasukan Di pagbabalik-skwela ang kinapapanabikan kundi ang hirang Ang makita na ngumiti, nagsisilundagan ang saya sa luksong-lubid Sa kumikinang na dilaw - ginto Sa pinto ng silid-aralan Ang pangalan ay sa talaan Sumambulat sa harapan, magiliw na klase at kaibigan Alas singko ng  hapon, bumuhos ang ulan Sa hintayan ay sumilong at doon din ang paraluman Ang tatlong estudyante sa likod niya ay di alam Nang isa ay hinipo ang makapal niyang buhok Tinawag na ang pangalan Sa tabi ay lumapit Ang winika ay baka mabasa ka ng mahalumigmig na  habyog ng hangin Inaabangan pa rin ang mga binata sa kung ano pang balak na gawin
0
Jan 9, 2019
Jan 9, 2019 at 5:30 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #46
Nagtagpo ang ating mga salita Higit sa isang sandali Yung isang sandaling hindi panandalian At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan Ang sinasabi nilang heto na Heto na pala ang pangmatagalan. Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin. Kasama ang bawat agam-agam, Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap. Nagtagpo ang ating mga damdaming Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin. Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang. Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap Ang mga pangakong hinayaan nating Matunaw sa likido ng galit at pait. Nagtagpo ang ating mga paningin Sa hindi inaasahang tambayan Sa tambayan ng damdaming Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita, Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon. Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na" Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala. Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan Doon tayo sa magkasalungat na landas Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa Na ang aking umaga ay di mo na gabi At ang aking gabi ay di mo na umaga. Kung saan ni isa'y di na aalis At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis. Baka doon -- Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa. --- Minsan, napadpad ako sa karagatan Kung saan ang bawat hampas ng alon Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan Na ang dating puting buhangin Ay unti-unti nang nanumbalik Akala ko'y isang panaginip Pero doon ay may subalit -- Subalit na napakaganda. Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan Ay unti-unting inanod At akala ko'y di na makababalik.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 8:06 AM UTC
Tagpuan

Continue reading...
50
012717 Uso raw ang pilahan sa dilaw na hintayan. Aalis ako -- aalis nang panandalian. Hindi ako mamamahinga at oo, babalik at babalik ako sayo. Ayokong maniwalang ito na ang huling sandali sa pinakasandaling pagkakataon ng una't huling pagpili. Kalilimutan ko muna ang kahapon at kasalukuyan at magsasabit ng bandila patungong kinabukasan -- paaalabin ang puso na may panalanging walang paghinto hanggang sa dulo ng pinakadulo'y pananampalataya'y di mabibigo. Ikaw ang piyesang paulit-ulit na babasahin, ang tulang kakabisaduhin at kahit pa lumiko patungong Timog ang hanging mula Norte, sana'y sa pagbalik di'y ako'y iyong salubungin -- salubungin pagkat kakaiba ka -- iba ka sa kanila; oo, ibang-iba talaga. Pansamantala -- ika'y di masisilayan ngunit mananatili sa bawat piyesa -- sa bawat piyesa kung saan tayo'y iisa. Tinig mo'y sapat na; tila nalalangoy na maging himpapawid; tila nalilipad na ang karagatan -- oo, parang hindi angkop, pero ganoon ang pag-ibig, minsa'y di mo wari kanyang pagsakop. At oo, hindi kita bibitawan pagkat ang tayo'y nakatali -- nakatali sa sinulid ng ating pagmamahalan. Itago natin ang kanya-kanyang gunting pagkat ang ating antaya'y bukas na -- bukas at sa susunod na paggising. (Agwat lang, antay lang -- hindi pa panahon)
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:37 AM UTC
Hintayan
Nasa gitna ka ng daan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Walang dalang payong o pangtalukbong. Alam mo ng darating pero iyo lamang hinayaan. Kaya naman hindi ka na nagdalawang-isip at ako'y ginawang hintayan. Dahil alam **** ako yung pinakamalapit. Sa bigat ng mga pasanin mo na aking binitbit. Ang tatanggap at yayakap sayo ng napakahigpit. Ikaw ay ginaw na ginaw kaya sumilong at nagpainit. Wala ka nang iba pa na pwedeng puntahan kundi sa akin. Sarili mo lang ang inisip mo na wag sanang mabasa. Binalewala mo ang weather forecast ni kuya kim. Inaakalang aabot ka sa bahay ng ligtas at hindi nababasa. Ganon lang naman ka-simple yung ideya diba? Ako yung boring na kwento at ikaw yung pinakamagandang bida. Nilimot na parang posporo na pagkatapos sindihan ay naging abo. Isa lang naman akong waiting shet sayo... Shet, mali! Waiting shed sa buhay **** parang bagyo sa sobrang labo.
0
Oct 1, 2016
Oct 1, 2016 at 8:20 PM UTC
low pressure ar―ay
Ano 'tong haluan? Bigla rin ako napasuka Akala ko ako na ang utak Pwede ako magbawi, pero ikaw hindi Yan ang batas, di ba? Patas ang batas Ng patintero Lamunin ang mga numero Parang wala silang **** 'Pag nag-iisa daw, masama kaagad Ang bilis umakyat ng ministro pero walang dalang impormasyon Lagyan ng sablay ang tibok Sakit na dala ng kinalalamnan ng araw Sa sunod ng sunod sa malarong pisngi at ang kulay nito Pinapasa-pasa nila Wala daw sabaw Kaya ko iniba ang presyo Kahit hindi mahanap ang totoo Nilalayo ang inspeksyon Ingay ng "Happy Birthday" Siyamnapung beses sa kabilang bahay Paikot-ikot sa steering wheel Ng milyong dolyar, walang down payment na sasakyan komersyal Iyon ang benepisyo ng mga itik  sa latik Wala naman talagang may gugusto na lumabas sa parisukat Kasi iyon lang ang tirahan nila Kahit ang halaman ay tigok Ano ba talaga gustong mangyari? Hindi iisa ang kasiyahan Nasaan ba siya? Kamatayan ang hintayan Hindi pa rin matulungan ang nahihirapan Hindi na ako komportable sa ilawan
0
Jan 14, 2021
Jan 14, 2021 at 8:06 AM UTC
Bilisan
Kung hintayan ng langit ang huling saglit Huwag mo sana ipag-kait Na ika’y umakyat na sa langit Dahil ang pagmamahal sa lupa’y nakamit Kung ako man ay hintayin sa gitna Asahan mo na habang ako’y nasa mundo Ang pag-ibig ko’y buong-buo At hind kailanman nanghina Kung lahat ng bagahe’y iwan Sakaling ika’y aakyat na Huwag kang mag-alala Dahil ito’y sagot sa aking dinasalan Humantong ang buhay sa huling saglit Isa lamang ang aking dinggin Sa langit ako’y salubungin Mahal ko’y hindi ka na maghihintay muli
0
Jul 26, 2019
Jul 26, 2019 at 3:37 AM UTC
Hintayan ng Langit