Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"himlay" poems
PAG-IBIG, NAPA-KOMPLIKADO MO NAGBUBUHOL-BUHOL ANG UTAK KO MAPAGKUNWARI PA MINSA’Y SUSULPOT WARI’Y NAGPAPANGGAP NA SUOT MAPANGAHAS KA, AT WALANG PINIPILI MATAPOS UMASA, PUSO’Y NASAWI O MAPAGPANGGAP NA PAG-IBIG! KAILAN KA MAKAKATIKIM NG GALIT? TIWALA’Y NILAAN PAGKATAPOS AY IIWAN SUKDULANG HAPDI KATUMBAS AY PIGHATI HINDI MO BA NALALAMAN KUNG GAANO KASAKIT MASAKTAN? HINDI MO MANLANG BA TUTULUNGANG MAG-HILOM ANG PUSONG NASAKTAN? TATAWANAN MO NALANG BA ANG PUSONG NAPILAYAN? HABANG SA IYONG HIGAAN IKA’Y SARAP NA SARAP SA PAG-HIMLAY? O MAY AWA PA BANG NARARAMDAMAN? SA PUSONG MINSA’Y MINAHAL KAHIT HIBIK LAMANG NG BALIKAT AY HUWAG SANANG IPAGKAIT SA PUSONG MINSA’Y INIBIG
0
Mar 28, 2015
Mar 28, 2015 at 1:51 AM UTC
Pag-ibig ba't ang lupet mo? (TAGALOG)
alam ko na sa simula, dambulahang pasakit naghihintay sa akin sa unang araw ng sigwa kalakip ang pagpapagal s'yang hampas ng kalbaryo doo'y hihimlay na lamang ako sa mundo ng kabagalan dahil alam ko na ang kahihinatnan tatagal lamang, oras ng wakas isang mahabang pagbabagtas s'yang aking mararanasan dahil pilay ang pugad naming kawan gapang, gapang, gapang lamang... hangga't may lupang matatapakan hangga't may krudong susunugin tanggap ko na ang lahat aabutan ko din sa huli, pagkagat ng dilim huwag ko na lamang intindihin upang maging manhid ang diwa pagdapo man ng pagkabalisa sakyan ko na lamang ito bahala na sa kinabukasan ko
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 10:07 PM UTC
HIMLAY
022325 Papuri at Pagsamba — ‘Yan ang alay ko Sa’yo aking Ama. Dalisay ang ‘Yong Pagsinta, Balewala ang lahat ng mga nagniningning Sa kalangitan, maging sa buong kalawakan. Ikaw ang Hari at nag-iisa Ka, Wala Kang katulad, Walang kapantay — Ni walang kalaban Pagkat siya’y Iyong tinapakan na, Ginapi ng Iyong kapangyarihan. Ikaw ang nangingibabaw, Sa puso kong walang ibang hangad Kundi ang Iyong presensya, Ang Iyong kagandahang Balang araw ay masasaksihan ko rin. Kusa Mo akong binabago Maging ang bawat tibok ng puso ko. Damdamin ko’y higit na sa mundo, At wala akong ibang nasilayang Mas maliwanag pa Sa’yo. Ang linaw ng Iyong intensyon, Hindi Mo itinago ang Pag-ibig Mo. Na kahit saang lupalop ng mundo, Nahahanap Mo ang puso ko At nakikita Kita — Nang napakaganda. Kakaibang pakiramdam Na hindi ko naranasan sa iba. Sinasamahan Mo ako, Sinasabayan. Pero nauuna ang Iyong mga hakbang, Ang mga yapak **** Kapayapaan ang hain sa aking pagkauhaw. At Hindi Mo ako binibitawan. Ikaw ang Aking Ama, At ako ang Iyong anak dahil kay Kristo Hesus, Ang yakap Mo’y sapat sa bawat araw, Ang mga Salita Mo’y lakas ko sa maghapon. Akala ko nga noon, Sa’yo akong uuwi At Ikaw ang magiging pahinga ko. Pero kahit pala wala pa ako Sa Tahanang sinasabi Mo, Ay nandito Ka na sa akin. Ginawa **** Tahanan ang puso ko, Na dati ang mundo lamang ang laman. Hindi ka lang isang bisita, Nanirahan ka pa sa Akin Na noong una’y hindi ko maintindihan. At sobra-sobra ang binago Mo Sa loob kong inaanay at inaalikabukan. Wala na akong nagawa pa, Bumitaw na ako sa mundo, At sinalo Mo ako. Ikaw na ang bahala sa buhay ko. Sa’yo na ‘‘to at sa’yo na ako.
0
Feb 23, 2025
Feb 23, 2025 at 5:25 AM UTC
Himlay

Continue reading...
58