Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nahanap ko na!
Nahanap ko na ang pagibig!
Ako'y sabik na sabik nung una.
Ako'y parang nakahanap ng ginto sa kalsada.

Gumawa ng mga pangako.
Para sa atin ay hindi susuko!
Nagplano para sa kinabukasan.
Lahat ng pinto sa puso'y binuksan!

Lumipas ang bawat oras, araw, at taon.
Tinanong ang sarili kung bakit naging ganon.
Mga pangako'y nasira,
Kinabukasan ay naging basura.

Nagiba ang ihip ng hangin.
Mistula ang taginit ay naging taglamig.
Liyab ng puso'y nawala.
Ako'y giniginaw na.

Mga pintuan ay sarado
Mga ilaw ay patay.
Nagdilim ang paningin.
At ako'y nahulog sa bangin.

Huling sabi sa sarili.
Ang puso ko'y sira na.
Ako'y nagsisi.
Ito pala ang pagibig.
Likha ni: Paul Joshua B. Santiago
JOJO C PINCA Nov 2017
Kaninang umaga
Habang hithit ko
Ang nagbabagang yosi
Ay naalala ko
Ang lumipas na tag-araw.
Kalagitnaan ng Abril 2017
Maalinsangan ang umaga
Nang ako’y magising
Matapos ang isang gabing
walang pagkahimbing.
Sa sala at maging sa lamesa
Namagitan ang isang
Mahabang katahimikan
Walang usapan, Walang kibuan
Isang nakakainis na pakiramdaman.
Nung sumapit na ang tanghali
Mas mainit pa sa nakasalang na kawali
Ang init ng nakakapugnaw
na putang-inang araw.
Pero kakaiba ang tag-araw na ito
Sa gitna ng matinding init
Akoy giniginaw
May Malaria? Wala s’yempre
Pero ako’y giniginaw.
Giniginaw ako sa tindi
ng panlalamig mo sa akin.
Kaninang umaga habang nagyoyosi
Sa pagitan ng usok at buntong-hininga
Naalala ko ang lumipas na tag-araw.
Krad Le Strange Aug 2017
Halika na, tara na
Hayan at giniginaw ka na
Nanginginig ang katawan
Habang ang mata'y pilit pinupunasan

Halika na, tara na
Hindi mo na kailangang itago pa
Pait na nadarama
Kay tagal nang binaon sa alaala
'Di na rin kasi kayang itago ng ulan
Bawat luhang naglalaglagan

Kaya't halika na, tara na
Sa aking payong, ikaw ay sumilong na
Hayaan mo na ang nakaraan
Sabay na lang nating bagtasin ang kasalukuyan.
Lecius Jan 2021
Yapos parin ako ng ala-ala ng isang madilim na hapon; tulala sa durungawan ng paborito nating kainan, at namamangha sa rumaragasang ulan.

Lubhang napakalamig ng hangin. Katawan ko na'y giniginaw subalit ayaw pa lisanin kan'yang upuan. Na para bang may hinihintay na biglang lumitaw mula sa kawalan.

Nag-babakasakali na ika'y mapadaan, huminto sa aking harapan. Mapakinggan muli mula sa bigat ng pag-patak ng ulan ang iyong tinig-- nais muling boses mo aking marinig.

Ngunit sa mga sandaling ito, habang lumalakas ang buhos ng ulan, malabo na nga kitang tuluyang mahagkan; sumilong kana sa panibagong kainan, na kung saan bago mo na paboritong puntahan-- kasama mo yong kasintahan.
ika-4 ng Agosto – umiiyak na naman ang langit kasabay ang paghampas ng malakas na simoy ng hangin at bumubulong ng mga kalungkutang hindi alam kung kailan o saan nga ba isinilang.

at dinadala ka nang paulit-ulit sa rumaragasang alaalang pilit **** kinakalimutan habang giniginaw sa mga luhang dulot ng mga hinanakit na patuloy lang na nag-iiwan ng mga marka sa iyong dibdib.

ika-4 ng Agosto nang umiyak na naman ang langit.
*kailan kaya darating ang mga gabing hindi na basa ang mga unan sa paghikbi?

— The End —