Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
G A Lopez Apr 2020
Noong ako'y nasa elementarya,
Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga.
Hindi ko maintindihan
Kung ano nga ba ang kahulugan.

Marahil hindi ko pa nararanasan
Ang umibig at ibigin ng lubusan
Ngunit mayroong dalawang tao
Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento.

Maganda at payapa
Ganiyan ilarawan ng dalaga
Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata
Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala.

Wala pa sa isipan ng dalaga
Ang pag-aasawa
Hanggang sa dumating ang binata
Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa

Hindi niya alam ang kaniyang motibo
Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo
Basta't ang alam niya siya ay masaya
Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa.

Ang babae ay nalinlang
Sa mukha ng isang lalakeng nilalang
Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita
Ang lalake ay labis na natutuwa

Nagtagumpay ang plano
Sa likod ng kaniyang mukhang maamo
Dala nito'y tukso
Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo.

Kaniyang ibinigay ang lahat
Pati ang mga bagay na hindi dapat
Hindi inisip ang bukas
Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas

Sa tagal ng kanilang pinagsamahan
Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan
Nagdaan ang mga araw
Ang lalake ay hindi na muling tumanaw.

Umalis na ng tuluyan
Mag-isa na lamang siyang nagduduyan.
Ang nasa kaniyang isipan,
Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina
Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama
Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban
Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan.

Ako ang naging bunga
Ng kanilang pagsasama
Sa katunayan
Ako ay bunga ng kasalanan.
I WAS RAISED IN A FAMILY WHERE WOMEN MADE IT HAPPEN WITHOUT MAN.
Pakibasa po ang kasunod ng aking tula'ng ito na pinamagatang "Tunay Na Pag-ibig"
Support natin ang isa't isa HAHAHAHA
Andrei Corre Aug 2021
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman
'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin
Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'?
Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na
Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin
Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang
Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang,
Sabay ang galaw ng ating katawan
Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan

Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo:
Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo
At sa mapupula **** labi ko narinig ang
Sinabi ****: ganiyan din ang nararamdaman ko
Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi
Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi
Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa
Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba
O kahit pareho pa tayong nakapalda
Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y
Maputulan ng hiniga

Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala
Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa
At mas maingay pa ang bulungan
Kaysa awit ng banda
O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa
Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo
Mapapagod din sila

Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga
Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko
Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa
Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga

Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal
Pero huwag ka sanang mabibigla
Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit
Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat
Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula
Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad
Ng agos na pilit kong nilabanan
At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang
Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan
Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan
Sa walang hanggan nating habulan
Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang
Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa

Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam?
May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha
Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang
Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw
Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw
Ang dalaga noong una't huli kong sayaw
Na alam kong imposible nang balikan
Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na
Lahat ng 'yon ay tunay
At mahal kita, maniwala ka
Kahit ako pa ang unang bumitaw

#
2017 spoken poetry piece
Carl Oct 2018
Mahilig ako sa laruan noong ako'y bata
Iiyak ako, maibili lang yung kotse-kotsehang kahanga-hanga
Pero ngayon sawa na ako sa mga ganiyan
Mismo kasing ako ginawa mo nang laruan.
cmps
Lecius Dec 2020
Pahinga ka muna
Mukhang pagod kana
Ilang milya na ba nalakad
Bago ka tuluyang dito mapadpad

Hindi mo kailangan parating mag-madali
Tipong bawat araw na lamang ay nag-aatubili
Sapagkat hindi ganiyan ang turo ng buhay
Ika'y parati nasa unahan sa karamihan nakahiwalay

Kung minsan dapat mo ring maranasan sa hulihan
Nang malaman mo ang tunay na kahulugan
Nang kasiyahan matapos ang tagumpay
Kahit sugat-sugat ang katawan at ang paa'y pilay

Pahinga ka muna
Mukhang pagod kana
Sa karera ng buhay
Na 'di mo dapat itunuring na ganoong bagay

Ayos lang mag-kamali
Makailang beses mang maulit muli
Dahil kung minsan kailangan mo matuto
Mula sa pagkakamali na kung saan ka nalito

Huminto ka ng sandali
H'wag kang mag-madali
Pakinggan ang pusong sumasambit
Hindi mo kailangan lahat ng bagay ipilit

Tandaan mo walang tunay na katagumpayan
Sa isang tao na napipilitan
Kaya ikaw na ay tuluyang huminto
Nang dahil 'di talaga 'yan ang gusto
Euphrosyne Feb 2020
Bawat sulyap na nagaganap
Bawat ngiti **** napapangiti rin
Nagpapanggap na walang nakita
Subalit puso ko'y puputok na

Mga pisngi **** mala siopao
Napapangiti mga labi ko
Pinapakabog puso ko
Wag kang ganiyan
Ayaw kong mapunta ng ospital

Wala ka bang nahahalata
Hindi mo ba napupuna
Mukha ko'y namumula
Kapag tinutukso nila ako sayo

Ikaw lang at wala nang hahanapin pa
Kapag kasama ka, kasabay ka,
makapiling ka
Araw ko'y kumpleto na

Sa bawat tingin mo'y
Nabibihag ako
Sa bawat sulyap ko
Nahuhulog lalo

Kaso

Hindi ka na malapitan
Hindi mo na rin ako pinagtutunan ng pansin
Pero gagawin parin sumulyap

Dahil

Nabihag mo ako sa simpleng ngiti at
Di ko maiwasan na ika'y titigan
Mahal kong siopao
Nakaw tingin nalamang sayo.

Itong mga nakaw tingin
Aking pagyayamanin
Dahil dito'y nakukumpleto
Na ang araw kong laging malungkot.
Diane mahal kong siopao para saiyo parin ito. Hindi ko tangka na magmukang stalker pero nakakakumpleto ang iyong ngiti at ikaw mismo, hindi ko rin tangka na laitin ka napaka marikit lamang tignan sa malayo mga pisngi mo.

— The End —