Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ysa Pa May 2015
Mali pala ang nasa isip
Ito pala'y isang panaginip
Buhat mula sa maling akala
Na sakin ika'y tinadhana

My thoughts were not what they seemed
Turns out all this was just a dream
Brought upon by false convictions
That for us a red string was drawn

Ginising mo ako sa katotohanan
Na lahat ng bagay ay may hangganan
Pero kailanman ay hindi ako nagsisisi
Dahil totoo ang ating pagmamahal kahit sandali

You opened my eyes to reality
That things can't last for eternity
I have no regrets what so ever
Because we had a short but real happy ever after

Hindi ko lubos na pinahahalagahan
Ang walang hanggan
Dahil ang importante ay
Ang pagmamahal na buo at tunay

For me, the existence of forever
Doesn't really matter
What's important is
The realness of love amidst the adversities

Wala akong galit na ipadarama
O ganti na sana ikaw ay magdusa
Walang hinanakit na dinadaing
Kundi salamat sa pagmamahal habang ika'y nasa aking piling

For you, I have no rage to release
No vengeance to accomplish
No sorrow to let go
*But  for the love while you were mine, I only have gratitude to bestow
*~So I made this poem using my native language (Tagalog) and the italicized text is the english translation. I just realized that it has been a while since I last wrote a poem in tagalog.
kingjay Feb 2019
Unang pagtingin ay hindi lang paghanga
Sa nag-uumpisang ganda ni Dessa
Nangingimi pa na ngumiti
Kapag maglalakad ay kailangan akayin

Diwata sa katauhan ng dalagang-bukid
Karaagan na nais iguhit
Ipagdasal sa mga patron at santo nang hapit
Sana'y makarating ang dinadaing

Tanglaw ng bituin sa umaga
Nakasisilaw na silab
Nang nag-aalinlangan na sa nadarama
bakit inaalala pa ang larawan niya

Pakawalan ang salarin
nang nadakip ng tinatakasang damdamin
Aniban sana ng Reyna-
Abogado na magdedepensa

Kung mangyari na masiil
at wala na makapagtataguan
ipagtatapat sa hukuman-
sa pusong hukom
na nagkasala sa pag-iibigan
Bakit wala? Oo, wala.
Bakit wala ako? At sila’y mayroon.
Wala akong ikaw, ikaw na aligagang alagaan ako tuwing ako’y may dinadaing na sakit.
Wala akong ikaw na nariyan palagi sa pagsikat at paglubog ko.
Wala ako. Sila mayroon.
Mayroon silang nasa kanilang tabi at hindi sila iniiwan.
Mayroon silang gumagabay sa kanila at walang humpay na tinutulungan sila sa lahat ng ginagawa nila, mahirap man o madali.
Mayroon sila na sa tuwing buka ng bibig ay may nakasunod na kutsara na isusubo na lang at ngunguyain na lang nila.
Mayroon sila. Ako? Wala. Walang-wala.
kingjay Aug 2019
Binilang ang mga araw
Na wala si Dessa
Ang bahagharing  bumabalantok sa langit
Ay nakakasuyang larawan sa daigdig
Malamlam kahit sagana ang kakulayan

Umiibayo ang hinagpis
sa namumutlang pisngi
Nangungulila nang lagaslaw
sa dikit na hindi kumukupas

Kung maaaring mapanaginipan
Ay yayapusin
Hindi dahil sabik sa yakap
Ito 'y upang maipadama
ang pamimintuhong dumadarang

Sa gaslaw ng mga dahon
Himig ng mga ibon
May kailaliman ang gabi
Mangunguyapit sa liwanag ng buwan,
Gigiliwin ang dinadaing ng kalooban

Di makaalpas sa anino ng liwayway
Pinahiran ang kaluluwa
Ng pabangong di pumaparam
Ginustong gumanap bilang martir sa pag ibig
Ferllen Dungo Feb 2021
Ikaw ang isa sa pinaka makabuluhan kong sinasambit t'wing nananalangin.
Nawa'y dumating ang araw na makita kang nakangiti ng walang dinadaing na anumang hapdi.
Nawa'y mahanap mo ang lugar at panahon kung saan at kailan matatagpuan ang kaligayahan ng iyong puso.
Gusto kong manatili ka kung nasaan ka man ngayon, at ng hindi mo matanaw ang kalagayan at hindi mo marinig ang mga paghikbi tuwing gabi.
Baunin mo sa iyong paglipad at paglaya ang mga salitang ...


Minahal ka sa paraang alam ko.
kahit hindi na ko sigurado ngayon kung marunong pa ako no'n.

— The End —