Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"basagin" poems
I. Una palang pansin ko na, At kita sa iyong mga mata, Ang pag-iwas mo sa tuwing kakausapin kita. Binabaling sa iba ang tingin, Habang dinadama ang dampi ng malamyos na hangin. II. Rinig sa iyong labi, Ang tipid ng iyong huni. Mas naririnig ko pa-- Ang tibok ng puso mo, sinta, Kaysa sa mga sinasabing **** salita. III. *"Hindi ka ba kumportable Na ako'y makatabi?"* 'Yan ang tanong ko sa'king sarili. *"Oh, baka sa init ng panahon-- Kaya ka ganyan ngayon?"* Dugtong ko pa. IV. Gusto kong basagin ang katahimikan, Ngunit hindi ko alam ang sasabihin, At hindi ko rin alam kung paano sisimulan. Sapagkat, pareho tayong nag-aalinlangan. V. Ilangan at alinlangan, Iyan ang tila rehas na nagkukulong sa'ting dalawa. Balak ko sanang basagin at tibagin, Pero hindi ko kaya ng mag-isa, Kailangan tayong dalawa.
0
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 2:06 AM UTC
Ilangan at Alinlangan
may isang natutulog sa kalye walang sala, walang detalye walang makain, walang tirahan ngunit ikinulong tila'y makasalanan "mahirap maging mahirap" said ng mga matang nagpapaki-usap nang gayo'y makahanap ng pagkain sa pamilya'y maiharap at ang isa'y pinaiimbestigahan dahil umano sa ilegal na pamamaraan ng pagtulong sa kanyang nasasakupan kailan ba ito naging kasalanan? o, Pilipinas, ika'y binabantaan patagong tinatangay ang iyong kayamanan mga anak mo'y pinahihirapan sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas ika'y inaapi, inaabuso nang marahas waring pinaglalaruan ang batas ng isang nag-aanyong taong hudas halika't iyong ipaglaban ang bansang ating sinilangan basagin na ang iyong katahimikan at h'wag hayaang manaig ang kasakiman pakinggan, dam'hin, at tignan h'wag ka munang lumiban sapagkat kailangan ang iyong katapangan sa umuusbong na digmaan
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 9:10 AM UTC
Untitled
We aren't very different. Konkretong kahon ang tawag Ko sa eskwelahan ninyo, Na puro sikreto, Silaw—dahil sa napakaputi Ninyong mga balat, paa, Malambot, makinis, na halos Binasbasan Ng mga kayumangging kerubin— Ayaw basagin. Sila, ang taga-tayo ng mga Gusali ninyo, puro pawis. Puro naka-long sleeve, ang Init! Noo nila’y sunog, Kumikilabot, kumaladkad, Kilay itim sunggab ng Araw. Ngayon, Nakikita ko sila—puro trabaho, Balikat bumabagsak dahil sa Bigat ng mortar, laryo, Ulo baba-taas-yuko na parang Kumakadang sa luad, Tapak kasing bigat ng mga konkretong Tipak—taga-buhat ng mga Pintang maputla.
0
Aug 14, 2014
Aug 14, 2014 at 9:13 AM UTC
To the BSM Kids (and Xavier by Extension)
Basagin ang kokote, ilabas ang forte! Sabihin mo man na punong-puno ng samu’t saring kaalaman ang nilalaman ng utak mo, ....wala rin itong saysay kung naka-imbak lamang sa loob ng isipan mo.
0
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 2:45 AM UTC
Dunong
May oras na kailangang maninidigan Kailangang basagin ang katahimikan Dahil minsan, ang pananahimik ay walang buhay na naliligtas Parte ka ng pumaslang sa inosente Parte ka ng yumurak sa pagkatao n’ya Pero ang sabi mo, “wala ka naming ginawa” Pero nanahimik ka lang At binaling ang tingin sa kabila Tama ka Namatay sila, At marami pang ibang susunod pa pero Wala Kang Ginawa
0
Jun 8, 2022
Jun 8, 2022 at 11:14 PM UTC
Untitled
kung ika'y nakatutulog nang mahimbing, nawa'y ihele ka sa bisig ng mga umuugong na hiyaw. hindi nagmamaliw, hindi patitinag. inaantok na. dahan-dahang bumababa ang kurtina. bakit nga ba? bakit ba mas ibinubuka ang mata tuwing kakapa sa dilim kaysa liwanag ng bagong umaga? sunugin yaong tela. basagin ang bintana hayaang pumiglas ang kaluluwang nagmamakaawa na kahit isang saglit matulog ka'ng mulat. kailan ma'y 'wag pumikit.
0
Jun 12, 2020
Jun 12, 2020 at 2:17 PM UTC
talukap