Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Prince Allival Mar 2023
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊

Maaari bang mahagkan ko
ang mahigpit na yakap
mula sayo,
maaari ko bang sabihin na
nasasaktan ako dahil
ang hirap tanggapin ang
hirap pilitin yung sarili na
kalimutan ka dahil ang
sinasabi ng puso ay ilaban pa

Kung maaari ko lang sanang
ibalik ang nakaraan
nakaraan na tayong dalawa
ay magkasama at masaya pa
nakaraan na sabay nating
pinaplano ang pangarap ng bawat isa
sabay nating tinatapos ang ating
takdang aralin
ang sarap ibalik pero malabong
mangyare ulit

Ang sarap umasa pero nakaka-sakit
na, ang sarap balikan pero ang hirap
kalimutan, ang daming pwedeng balikan
pero pano kung ako nalang ang na pag-
iwanan paano kung ako nalang pala
ang lumuluha
paano kung masaya kana sa iba
na pupuno ng tanong ang isipan
na pupuno ng tanong, tanong na
paano, paano na ako
paano ako sasaya ng wala ka

At kahit alam kong may iba kana
kahit alam kong ang sakit na
kahit alam kong pagod kana
patuloy ko parin nilalaban ang lahat
pinipilit kong sumaya sa iba
pero hindi ko magawa dahil ang
saya na gusto ko ay wala sakanila
kundi nasa taong gusto ko ngunit
iba na yung gusto at iba na yung
pinapasaya

Sabi saking sarili na kaya ko nang
wala kana, kaya ko nang mag-isa
kaya ko nang titigan ka na
kaya ko na, pero lahat pala nang
yun ay kaya kong bigkasin ngunit
hindi ko kayang gawin dahil patuloy
parin akong nahihirapan, patuloy
parin akong lumuluha

Sana maaari mo parin akong mahalin
Sana maaari parin kitang pasayahin
dahil alam kong darating yung araw na
makakaya ko nang wala ka at kaya ko
ng sumaya nang hindi ikaw ang
kasama.
Louise Oct 2024
Ang awitin ng mga armas,
ang katahimikan ng kampana,
ang tinig ng mga bala,
ang kawalan ng himno ng misa.

Balikan mo ang kwento ng nayon,
bilhin mo ang bawat minuto at oras,
mag-baliktanaw sa kahapon at ngayon
nang ‘di ma-balewala ang bukas at wakas.

Ang himig ng mga nagliliparang pana,
bulong ng mga dasal at adhikain,
ang ungol ng mga sundalong sugatan,
bitbit ko sa aking kasal sa kanluranin.

Balikan mo ang kwento ng nayon,
bilhin mo ang bawat minuto at oras,
mag-baliktanaw sa kahapon at ngayon
nang ‘di ma-balewala ang bukas at wakas.
"Baler" series, part four
Joe Feb 2020
Hanggang dito nalang.
Dito ko na tatapusin ang lahat
Ngunit ito palang ang aking panimula
Wala nang paligoy ligoy pa.

Ito na ang pagkakataon
Para masabi kong
Tapos na
Wala na
Suko na
Ayawan na

Hanggang dito nalang
Yung saya na meron tayo
Yung lungkot na siyang nagbunga kung bakit hanggang dito nalang
Yung sakit na pilit pinagagaling
Yung pusong durog, wasak at nanghihina, ngunit pilit pinalalakas

Hanggang dito nalang
Wala nang atrasan pa
Ito na ang huli
Wala nang balikan pa

Hanggang dito nalang
Lahat ng karanasan
Maganda man o hindi
Dito na magtatapos ang lahat

Hanggang dito nalang
Hindi na magpapaawat pa
Wala nang bawian
Wala na.

Hanggang dito nalang
Lahat ng sakit
Lahat ng poot
Lahat ng sugat
Sa puso
Tapos na.
Wala na
Suko na
Ayawan na
Dahil hanggang dito nalang.
Ace Fernandez Nov 2019
Alas-tres na gyud tawon sa kadlawon
Pero akong mata gasiga ra gihapon
Bisan onsaon og limot sa kagahapon
Lisud man pud diay ni siya buhaton.

Katung naa pa ka dire sa akong tapad
Husay kaayo akong pamati, way pagkalabad
Karon bisan aha akong huna-huna galupad
Mahuwasan ra ko ani kadugayan, makaalimadmad.

Gaampo ko nga onta akong kasing-kasing lig-unon
Kay wa naman koy balikan, wala nay dapat ayuhon
Ana sila salig lang nga mubali ang panahon
Kung karon naas kaguol, muabot ra pud na ako mamalipayon...
11/13/2019
Wrote this poem because I could't sleep and I'm listening to a Studio Ghibli playlist which generally sets my mood . Hope you like it. This is written in my native language, Cebuano.
Sa Agri. ko lang naranasan ang makumbidahan
Sa piging ng isang dating mag-aaral dahil kanyang napasahan
Ang Board Exam na pinaghandaan

Sa Vet. Med. ko lang naranasan na balikan
Ang UPV Miagao na dati kong pinag-aralan
Nang ako’y sumama sa field trip nila sa pook na naturan

Sa mga taga-Computer ko lang naranasan pamalagian
Ang isang silid na dati nilang pinagkaklasehan
Parang Etheria na nasa gitna at ako ay isang Heran.

-10/24/2017
(Dumarao)
*a tribute to Agri., Vet. Med. & Computer of CapSU-Dumarao
My Poem No. 559
G Oct 2020
• • •
Sabi ko hindi ako bibigay
Ngunit nauwi nanaman sa hanggang sabi lang
Anong magagawa ko?
Eh kinukulit mo isipan ko

Pero ayun na nga
Wala na akong nagawa
Hindi mapakali't hindi malaman ang gagawin
Pumikit nalang ako't sabay hinga nang malalim

Eto na,
Naisend ko na
Wala nang balikan pa
Nabasa mo na
Alam mo na

Wala ka namang kasalanan
Wala ka din namang ginawa
Hindi ko rin alam bakit humantong sa ganito
Sabi ko usap lang pero natangay ako

T a n g i n a, bakit?
Anong meron sayo?
Tignan mo pati ako nagtatanong
Kasi kahit sayo "hindi ko alam" ang sagot

Sa sandaling panahon,
Napasulat ako nang ganito
Aba, mukhang kakaiba ka nga talaga, ano?
Ano kaya talagang meron?

Baka sakaling tugmang Susi
O dala lang siguro nang mga Kathang Isip?
Pero kahit Masyado Pang Maaga,
(Salamat)

Dahil kahit sandali, napili pala ako Araw-Araw
Kahit hindi pang-Lifetime
Hiling ko lang,
Sana nga'y Pagtingin mo'y di magbago
• • •
Hindi ako ang taong hinahanap mo, at siguro, hindi rin ikaw ang taong akala ko noon na kailangan ko.

Oo, nagbago ako— at alam kong iyon ang hindi mo matanggap. Pero kailan ba naging kasalanan ang pagbabago? Bakit kailangang may masisi? Bakit kailangang isa sa atin ang may sala?

Ang "tayo" noon ay tila isang kwento na sinimulan natin nang may galak, ngunit natapos nang walang malinaw na wakas. At kahit gusto **** isipin na isa lamang itong kwento ng paglimot, alam **** hindi lang iyon ang nangyari.

Alam **** may mga sandali na kahit magkasama tayo, ang isip ko ay lumulutang, naghahanap ng ibang daan, ibang kapiling. At alam **** kahit anong sakit ang maramdaman mo ngayon, walang balikan, walang paliwanag na sapat para burahin ang katotohanang iyon.

Kung ang paglayo ko ang naging dahilan ng pagguho mo, hindi ko na iyon mababawi. Pero huwag **** isipin na ginawa ko ito upang sirain ka. Dahil hindi ko kailanman hinangad ang bumitaw sa bagay na minsan kong pinahalagahan.

Pero minsan, ang isang tao ay hindi talaga itinadhana upang manatili. At minsan, ang pagmamahal ay hindi sapat upang hindi hanapin ang iba.

Hindi kita pinagkaisahan, hindi kita ginamit, hindi kita iniwan nang walang dahilan. Nagbago ako, nagbago rin ang nararamdaman ko. At hindi kita ginawang laruan— pero hindi ko rin kayang ipilit ang isang bagay na nawala na.

Ikaw ang naglingon pabalik, habang ako naman, tuluyan nang lumakad palayo. Hindi dahil gusto kong makalimutan, kundi dahil alam kong wala nang dapat pang balikan.

Hindi ko na hihilingin na intindihin mo ako. Hindi ko na pipilitin ang sarili kong magpaliwanag pa sa iyo, dahil sa dulo, hindi naman kailangang lahat ng bagay ay may paliwanag.

Matagal ko nang alam ang nararamdaman mo, matagal ko nang alam ang hinanakit na hindi mo kayang bitawan. Pero kung ako ang nagpasyang lumayo, ikaw rin naman ang matagal nang hindi nagawang manatili.

Kung ang huli nating usapan ay isang paghuhusga, isang pagsisi, isang hanapan ng dahilan— siguro, ito na ang huling sagot ko sa iyo.

Hindi ko na kailangang lumingon pa. Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa kung paano ako nakahanap ng iba, kung paano ako tuluyang nawala kahit sa harapan mo pa lang.

Wala na rin naman kahit na balikan, wala na ang tamis nung ika’y nahagkan, at sa huling paalam, naintindihan na sa ating dalawa, may ibang nakalaan.

Wala na tayong “tayo.” At kung iyon ang katotohanan, matagal ko nang natanggap iyon.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na kailangang lumingon pa. Paalam.
XIII Nov 2019
Tinanong ako ng palubog na araw,
"Bakit narito kang muli?
Sa sampung beses mo akong dinalaw,
isa lamang doon ang may dala kang ngiti."

Natawa ako sa katotohanan
Oo nga, hindi ko maikakaila
"Ika'y aking tinititigan,
kaya lamang mukhang may luha ang aking mga mata."

Tila nanginig ito sa halakhak
Alam n'ya ang kasinungalingan
Na kinumpirma ng isang patak,
dalawa, tatlo... hanggang 'di na mapigilan

Binigyan n'ya ako ng maraming kulay bilang sagot
Pilit pinapakita ang ganda sa kabila ng lungkot
Ngunit ang tanging nakikita ay ang lungkot sa likod ng ganda
Ganoon nga siguro talaga kapag nasasaktan ka

Lumisan ako nung lumubog na s'ya
Ngunit iniwan n'ya ang kasiguraduhan
Na naroon lamang s'ya
Upang aking balikan

Umaasang sa aking muling pagbabalik
Ang isa sa sampung beses ay maging dalawa
At madagdagan pang hitik
"Oh haring araw, nawa'y magdilang anghel ka."
© Cepheus June 4, 2019
Sa bawat patak ng ulan
ay mga dalita ng nakaraan
at mga alaalang ayaw balikan.

Ang lamig ng panahon,
pilit pinapaalala ang kahapon
tila ayaw akong makaahon.

Sobrang dilim ng kalangitan,
animo'y walang hanggan
itong aking kalungkutan.
Katryna May 2020
ika limang taon mula nung nakahalukay ang facebook ng isang litratong may tatlong taong nakangiti.
ikaw
ako
at ang isa pa.

ang sarap balikan,
ang sarap ramdamin,
ang sarap na din limutin.

o baka limot ko na ang
nagdaang ala-ala
o baka limot ko na eksaktong pangyayari
at ngayon,
ang tangi ko na lang nararamdaman ay ang kailangan kong ngumiti
dahil may camerang nakatapat sa aking mukha.

at kung bakit andun ka, katabi at pareho tayong nakangiti,

ay un dahil may camera sa atin na nag aabang upang gawin ang tama at yun ay ang ngumiti.

hindi ko na maalala,
ang eksaktong estado nating dalawa
nung panahong iyon
pero base sa caption ay last day na ng isa nating katrabaho.

pero bakit nung biglang bumungad ito sa aking social media,

lungkot ang nadama?
ang tagal na nating magsama,

may sarili ka ng buhay kasama sya.
at ako kasama pa din kita,

sa aking memorya
masaya man o malungkot,
nanghihinayang man o lumuluha.

at pangako,
na balang araw
pagkatapos ng lahat ito.

makakangiti ulit tayo,
magkasalubungan man tayong may kanya-kanyang kasama
o baka ako wala,

asahan **** ngingiti ulit ako tulad ng nangyari at nakita ko sa ating litrato.
#memories #alaala
Di ko alam kung bakit
Ikaw parin ang nasa isip
Pilit kalimutan
Nakaraan ay hayaan

Gusto ko nang gumising
Sa katotohanang ikaw ay hindi na akin
Tinig ko'y iyong dinggin
Sana ako'y iyong mahalin

Ikaw lang ang gustong balikan
Nakaraan kahit masakit
Mahagkan ka lang
O kahit huling halik

Mahal kita at wala ng iba
Hindi kita ipagpapalit kahit bukas makalawa
Ako ang papalit ng tuwa sa iyong mga luha
Ngunit ang lahat ng yon ay mananatili nalang sa ating mapait na kahapon.
Kev Catsi Aug 2019
ang sugat ng nakaraan
ay huwag mo ng balikan
dahil kusa mo nalang sinasaktan
ang iyong sarili ng walang kalaban-laban

sa halip ito'y gawing sandata
sa iyong bagong kabanata
dahil ngayo'y ika'y isang  banta
para sa mga taong walang kwenta
Claudee Jul 2017
pluma, pluma
sinaid ka man ng sandaang mga trahedya
iluha **** lahat upang ang susunod na marka
pangungusap na ng ibang istorya

paglagas man ng bawat pahina'y
kalaban sa pagtakbo ng oras,
huwag matatakot sa muling pagsayaw
ng mga gamit nang letra

babalik-balikan kita upang lumikha ng
mas magagandang musika
ngunit bibitawan muna para gumuhit sa
literatura ng ating katotohanan

tinta ma'y maubos, bubuhos muli
papel ma'y mapunit, mapagkakabit pa rin
Julianne Jul 2020
Umiiyak ka nanaman.
Nilulunod ang sarili sa alaala ng nakaraan.
Nakaraang winasak ka hanggang sa wala ka ng maramdaman.
Nakaraang sinumpa mo ngunit gusto mo pa ring balikan.

Sa sarili'y tinatanong ang mga katanungang wala namang sagot.
Umiinom ka nanaman ng lason na kalauna'y ginawa mo ng gamot.
Anong nangyayari sayo?
'Di ka pa ba napapagod?

Luha mo ay patuloy parin sa pagdaloy,
Habang nilalango ang alak na sa lalamunan ay umaapoy.
Nagluluksa ka dahil puso mo'y siya parin ang tinitibok.
Tangina, kailan ka babangon sa pagkakalugmok?

Madilim na langit ay unti-unti nang lumiliwanag,
Liwanag sa iyong ngiti kailan ko kaya ulit maaaninag?
Umaga na, di ka parin tapos sa pagtangis.
Hanggang kailan ka ba magtitiis?

Mahal ko, tama na.
Ako ang mas nasasaktan sa iyong ginagawa.
Tahan na, mahal ko, parang awa mo na.
Baka ikamatay ko na kung bukas iiyak ka nanaman dahil sa kanya.
Perihal perasaanku yang mulai mati rasa..

berhentinya aku untuk menulis tentang luka ini,
bukan aku mulai melupakan mu.

hanya saja aku sedang menjadi pembohong besar,
yang berpura-pura bahagia untuk mendapat perhatian mu kembali..

lantas sekarang aku sudah tahu,
kita hanya memutar balikan cerita,
yang ternyata faktanya kita masih saling berharap.
fallacies Oct 2018
gusto kong tumakbo,
papunta sa direksyon mo;
at yakapin ka nang mahigpit,
yakapin ka ng pagkatodo-todo

gusto kong lumayo,
sa lahat nang ito;
at tumungo sa iyo
kung saan presko,
ang hanging hininga ko;
pagka't nasa piling mo

gusto kitang makita,
kung alam mo lang sana,
kung gano kalungkot ang buhay;
nang sa piling ko'y wala ka

gusto kitang puntahan;
gusto kitang kantahan;
gusto kitang halikan;
gusto kitang balikan

ayoko nang umalis;
ayoko nang saktan ka;
ayoko nang mainis;
ayoko nang iwan ka

kung alam mo lang kung gaano ko,
gustong tumakbo papalayo dito;
tumakbo papunta sa iyo,
mararamdaman mo ng todo-todo,
ang pagmamahal na bumubugso,
sa aking tumitibok na puso

gusto kong tumakbo
at sabihin sayo,
Liane, mahal kita
walang halong biro;
pawang lahat ng sinabi ko
sila ay totoo

— The End —