Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"babasagin" poems
In tagalog… Nagmahal ka na ng ilang katawan? Sa lipunang ating ginagalawan  naranasan mo na bang matitigan  na para kang hinuhubaran?  Naranasan mo na bang maging barya?  Na gagamitin kang panukli  sa mga kasalanan nila.  Masarap pa bang mabuhay sa labas,  kung ang tingin sayo ay  labasan ng sarap ng loob.  Nagmahal ka na ba ng ilang katawan? na ang tingin mo lang sa kanya  ay panandaliang pulutan.  na kapag nabulatlat mo na't lahat   ay pssst waiter isa pa ngang ganyan,   ung malaman para  kumukulo kong kalamnan.   ung makinis,   masarap titigan,   ung masarap hawakan, nagsuot lang ng maikli  ay pinasok mo na agad  sa makitid **** utak,  napakabilis ng kamay mo,  sing bilis ng kabayo.  Nagmahal ka na bang ilang katawan?  dahil lang sa ika'y tigang  dahil lang sa hindi mo mapigilang maglibang.  Naputokan ka na ba?  ng mga sumasabog na alispusta?  dahil lang sa nagsuot ka ng maganda,  pokpok ka na?  Lumaki ako na ang tingin sa ari ng babae  ay parang laro sa perya,  iyong may itatapon kang matalim  para ang lobo'y pasabogin kung ilan ang naputok **** lobo  ay yun din ang estado mo,  syempre mas marami  mas malaki ang premyo.  Tinuruan ako ng lipunan  na tratohin silang parang salamin,  alagaan at mahalin,  pero pag sawa ka na't nauumay ay babasagin, na kapag ginawa mo ito  ay isa ka ng ganap na lalake.  Na para mapitas mo ang mansanas ni eba  ay dapat magbalat kayo ka.  ahas ika nga,  magbabalat ang katawan  para sa iba naman.  para makarami naman.  Na kapag napaikot mo na't  sumangayon na sayo  ay dahan dahan **** ipasok  ang pagkalalake mo. Ito ay para humingi ng tawag I  sa mga babaeng nagawan ko ng masama.  Sa lipunang ating kinatatayoan,  sa lipunang ating unti unting binubuo  para sa darating pang henerasyon  Magmamahal ka pa ba ilang katawan? Hanggang ngayon  maski ang ating lipunan  ay hindi alam depinisyonwas one  ng pagiging lalake.  Pero siguro panahon na  para tanongin natin ang ating sarili Kung tama pa ba ang ginagawa natin?  ito ba ang gusto nating gayahin ng mga susunod sa atin?
0
May 21, 2018
May 21, 2018 at 10:20 PM UTC
Have You Ever Love Some Body (Spoken Word PoetryPiece)

Continue reading...
71
Minsan kahit anong ingat mo na hindi matisod at magalusan Darating ka sa puntong babasagin ka ng mundo Hindi mo man malugod na matanggap Kalaunan magpapasalamat ka nalang sa pagkabasag Sa pira-pirasong sariling kelangang pagtyagaang pulutin para mabuo ulit May mga parteng hindi mo na mahahanap dahil hindi mo na makita Iba na kasi ang hugis Hindi ka na tulad ng dati Paniguradong iiyakan mo ang pagkamatay ng sarili **** may makulay na pananaw sa mundong akala mo'y hindi ka kayang saktan Na tila ba'y nakatira ka sa isang palasyong may masugid na taga-silbi At may isang magiting na prinsipe o prinsesang kukumpleto sa kwento mo Sino ba naman ang hindi tatangis kung ang ganitong pangarap ay mawawasak lamang sa isang pitik ng mapanlinlang na pagkakataon o ng isang maling sirkumstansya? May iyak na pisikal May iyak na hindi kayang ihayag ng luha Isang tapang na paimbabaw Pero sa totoo lang, isang kaduwagan Kailangan **** ilabas yan Isigaw mo kung kinakailangan Maglupasay kang parang bata Suntukin mo ang unan Magtapon ka Magbasag ka ng pinggan Ilabas mo Ubusin mo ang lakas mo hanggang ang tanging kaya mo na lang ay umiyak Hanggang ang kaya mo na lang ay ang isang tahimik na pag-iyak Ang pisikal na pagkapagod ang tutulong sayo na magpahinga ng panandalian Ipikit ang pagal na isip Kailangan mo ng katahimikan o ng karamay na may nakatikom na bibig Hindi gagana ang mga pinakamatamis na salita sapagkat manhid ka Bagkus, kailangan mo ng kamay na mag-aampat ng umaalwak na dugo mula sa pagkabasag Banayad na haplos ng pagpapayapa na ang sakit ay lilipas din ngunit sa totoo lang, matagal pa Malayo pa ang tatahakin mo upang makaalpas ka sa sitwasyong ito Ngunit kailangan **** maniwala at dayain ang sarili Para makaligtas sa delubyo ng kalungkutang may kakayahang pumatay ng paunti-unti kung hahayaan mo lang Sa huli, pagkatapos **** malampasan ang mga sandamakmak na sagabal Ang mga dating sugat ay magiging pilat at kalimitan ay nagiging kalyo na lamang Mas titibay ang sikmura **** magtiis at mas tataas ang sukatan mo ng tapang Magtataka ka kung bakit ang mga bagay na dati **** ihinihikbi ay mawawalan na ng epekto sayo Hindi ka naman naging manhid, naging mas matatag ka lang sa pagkabasag na iyon Hindi ka magiging ganap kung hindi mo ito mararanasan Ang katotohanan ay walang taong hindi nabasag ng mundo Dalawa nga lang ang hantungan niyan Ang mabasag ka't itapon o ang mabasag ka't buuin muli?
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 11:01 AM UTC
80

41
Parang isang babasagin napakarupok ko sa iyong mga mata at sa iyong mga ngiti na bilang sa daliri. Marupok ako sa mga pasimpleng lambing na dumudurog sa malamig na puso. Sa balikat **** sinasandalan, sa yakap at amoy ng iyong anit kahit maghapong pawisan, napakahina ko. Natutuwa sa simpleng kwentuhan at kahit di mo pa subukan, dalang dala ako sa agos mo. Kahit wala ka pang gawin para ako'y suyuin nanlalambot ang Marupok na ako sa Marupok na ikaw Marupok pati ang isip ko na laging lumalakbay papunta sayo, lumilipad sa kalawakan mo, ramdam ang grabidad na lalong humihila sa pusong tila nalalaglag na. Kaya ba? Kaya bang saluhin ng marupok na ikaw ang marupok na ako?
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 10:14 PM UTC
Mahina ako sa isang Mahinang ikaw
Di ako umiiyak sa away o sigawan. Umiiyak ako sa labis na katahimikan. Sa mga panahong kailangan ko ng kasama Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na. Mga kumukuliglig na huni at bulong. Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong. Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan. Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan. Bumibilis na tibok ng puso, Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo Mga hiningang hinahabol ang takbo, Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto. At unti-unti Hihimasin ang isip Mula labas palalim sa loob Unti-unti Pipigain ang puso Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na. Hahalungkatin ang nakaraan, Nang dumilim ang kasalukuyan. Babasagin ang kasalukuyan, Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan. "Huwag kang mag-isip." Ang abiso nila. Ngunit diba nila naisip Na tila ka na ring sinabihan na: "Huwag kang huminga kung ayaw mo na." "Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka." "Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka." Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya." Oo, ayaw ko na. Lahat kinatatamaran pati paghinga. Bawat gabing inilaan sa iyak. Tila ang isip, pinipilit na mabiyak. Oo, nahihirapan na. Di maiwasang tumingin sa mga mata Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento. Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na mga anino. Oo, nasasaktan na. Mula sakit, gusto ko nang kumawala Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal. Oo, di ko na kaya. Sana nga tumigil na. Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na. Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak. Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak. Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama. Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na. Ito. Ganito. Ganito kahirap, ganito kasakit. Ganito kasimple ang isang atake.
0
Apr 29, 2018
Apr 29, 2018 at 8:24 AM UTC
Atake

54