"awayan" poems
Nang ako'y masaktan nang walang dahilan,
Nandyan sa tabi ko, 'di mo 'ko iniwan
Palagi mo akong tinutulungan at
Sinusuportahan mo ako sa lahat
Ang tunay na pag-ibig ay ganyan dapat
Parang aso't pusa kung tayo'y mag-away
Natapos natin ang ganyang mga bagay
Kasi sa totoo lang, ganyan ang buhay
Sa dami-daming pinag-awayan natin
Nandoon parin ang pagmamahal natin
Ang buhay ko ay punong-puno ng gulo
Sobrang nakakasakit ng ulo
Pero pagka nandito ko sa tabi ko
Nawawala ang buhay kong gumuguho
At parang umiilaw ang aking mundo
At dahil diyan, huwag mo 'kong iiwan
Kasi hindi lang ako ang masasaktan
Tayong dalawa rin ang magdudurusa
Kasi naman pagka ako ay lumuha
Suguradong-sigurado na babaha
Nawala ka at hindi ko alam bakit
Ang puso ko ay punong-puno ng galit
Nang ikaw ay umalis ng isang saglit
At nang dumating ka sa iyong pagbalik
Binigyan mo ako ng isang munting halik
Pero isang panaginip lamang ito
Nagising ako't sumapit ang ulo ko
Pag-ibig ko'y itinapon sa basurahan
At hinding-hindi ko na babalikan
Hindi na ako makikipagbiruan...
Dahil ayaw na ayaw ko nang masaktan
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 1:40 AM UTC
Gumising ng maaga para sa pagsusulit
sinumpa ang pagpupuyat at hindi na uulit
sa tabi ng kalye ako'y nagaabang ng jeep na masasakyan
isang istudyante lang po, bicutan bababa kaya sais lang yan
sa pagbagtas ng hari ng kalsada sa daan
papalapit sa simbahan at huminto ng marahan
isang babaeng grasa sa jeep ay sumampa
sa sobrang payat daig pa ang isang batang lampa
mata'y nanlilisik at nagsusumiksik sa gilid
sa utak ay may pitik ng takot at kwentong nakakaantig
dumi sa katawan hindi mawari kung sinong nagpahid
o babaeng grasa sa akin ngayon siya'y nakatitig
hindi natuwa ang piloto ng sasakyan
minura ang babae sabay dampot ng kawayan
sa tanranta ng babae, di alam ang kalalagyan
isang mabilis na habulan!, isang matinding awayan!
sinambit ng maruming labi ang bawal na salita
mapanghamon ang babaeng grasa, tila nagbanta
walang laban sa piloto parang gulay na lanta
may pagmura sa pagbaba, sabay banat ng isang kanta
ang istorya sa jeep para sa akin ay tapos na
kalbaryo ng babaeng grasa patuloy na naguumpisa
wala sa katinuan, di nawawalan ng gana
pagtahak sa magulong buhay siya ay nagiisa
babaeng grasa
Oct 2, 2010
Oct 2, 2010 at 8:35 AM UTC
#012116 #Genesis25
Nang buhay pa si Itay,
May tubig pa ang balon.
Kanilang tinabunan ng lupa
Ang tubig sanang bukal.
Lumisan ako’t yan ang utos Niya,
Pagbalik pala’y
Siyang tubig ang pagpapantingan ng tainga.
Inangkin nyo, sa inyo na.
Una’t pangalawa’y pinag-awayan pa natin,
Bagkus sa pangatlo’y doon pala ang biyaya.
At doon Siya nagpakita sakin,
Nilatag Niya ang pangako Niya
Na minsang para kay Itay lamang –
Ngayo’y buhay na rin ang pangako
Sa aking henerasyon.
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 9:59 PM UTC
Paano ba nagsimula ang ating kwento?
Yung dating magkabila nating mundo
Yung biruang ikaw at ako
Akalain **** ngayon ay nagkaron ng tayo
Teka, pano nga ba nauwi sa tawagang jowa?
Eh ilang taon nating di pansin ang isa’t isa
Malayo, malabo at talagang di naman uubra
Kahit siguro magbakasali, iisipin pa ring malabo at di gagana
Bakasali... tama, isang araw na nag baka sakali
Baka sakaling mapansin o baka sakaling pansinin
Baka naman maumpisahan o kaya naman ay masubukan
Kung gagana nga ba talaga o hanggang tanong na lang
Isang araw na di sinasadya, di rin naman pinagplanuhan
Inumpisahan natin sa simpleng batian
Na nauwi sa magdamagang kwentuhan
Hanggang sa aminan ng nararamdaman
Araw araw, palagian at halos kadalasan
Kwentuhan, asaran, lalo na ang mga awayan
Hindi pa nga tayo nun mag jowa kung titignan
Pero yung bangayan, parang aso’t pusang nagka sabayan
At dumating na nga yung punto
Na yung dating hindi sigurado, nabuo
Yung dating malabo, naging klaro
Yung dating ikaw at ako.....
Ngayon ay tayo.
May 3, 2019
May 3, 2019 at 8:00 AM UTC