Gaano kalaking karatula ang kailangan mo?
Para mabasa mo ang nakapaskil sa puso ko?
Ako ay isang siyudad kung saan kailangan
kong sabihin na wag akong apakan.
Ako ay isang babae lamang, kailangan
kong maging dagat para wag silaban.
Isang posteng tutumba sa isang kalabit,
patawad, βdi mo ko kaibigan o kapatid.
Isang pader na tulugan ng mga kalapati,
pangarapin ko man, βdi nila ako haligi parati.
Hindi ako ang pinangakong paraiso,
baka nga hindi rin ako naaalala ng Diyos.
Hindi ako ang magiging para saβyo,
baka hindi rin ako magiging parausan mo.
Gaano kalaking plakard ang gusto mo?
Para maintindihan **** bawal umibig dito?