Alila syang sakal Tila nasa hawlang nasa labas ng sinapupunan Naghihikahos sya Humihingi ng tulong.
Tinawag ko si Tatay Pagkat ako'y manikin Wala sa ulirat Habang sya'y nasa piit ni Kamatayan.
Pilit syang pumipiglas Sa pira-pirasong tabla Nakaririndi ang tinig Hindi marunong kumalma.
Tayo'y nilalang na may isip May katinuan Hindi kailangang pumiglas At panay ang laban.
Minsan, kahinaa'y malalasap Ba't hindi huminto? Hindi ito pagsuko, kaibigan Ito'y paghihintay Paghihithit ng lakas Na kahit saglit Ang buhay ay mahingahang muli.
Naiinis ako kay Teddy (ang Tuta naming mukhang Teddy Bear, malaki ang mata na parang si Keropi), pilit na papasok sa bahay at kaawa-awang maiipit. Buti na lang andyan si Papa, buhay pa siya haha.