Kalakip ng bawat “oo” Ang mapapait na “hindi” ng Tadhana. Kung sa’yong palad ko ikakahon ang sarili’y Mauubos ako sa sarili kong lakas Habang sumusuntok ako sa buwan.
Mananatili akong aliping Nakagapos sa sarılı kong mga pangarap At marahil ito ang maging mista Ng tuluyan kong pagkabulag Pagkat sarili ang aking naging Lupang Hinirang.
Ni hindi masasaklawan ninuman Ang bawat sumisirit na imahe sa aking balintataw. At walang sinuman ang makapag-papahele Sa akin hanggang makaidlip Pagkat iba ang ritmo ng Pagsintang aking kinapapanabikan.
Kung sarili ang magiging lason Ng aking pagkalimot sa aking unang sinumpaan… Ay mas nais ko nang tuldukan Ang bawat silakbo ng damdaming Hanggang lupa lamang ang kasarinlan.