Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Tayo lang Dalawa

Dati ang alam ko lang na kwento ay ang Biag ni Lam-ang. Pero nung nakilala kita at nagkaroon tayo ng sariling kwento, Dalawa na ang alam ko. At ang isa doon ay "bahagi na lamang". Bahagi na lang ng "ikaw at ako". Nang wala nang "tayo". Bahagi na lang ng dating "dalawa" ngunit ngayon, "mag isa na lang ako". Bahagi tayo ng "isat-isa" ngunit ngayon, Bahagi na lang tayo nang nakaraang "tapos na". Mga masasayang araw na biglang nabago Tawanang biglang naging iyakan. Dating di mapaglayo pero ngayon mas piniling magpakalayo layo. Oo naging bahagi tayo ng pag kakaibigang nauwi sa pagkaka-ibigan. Mga dating sabay lang sa hapag kainang nauwi na sa sabay sa pagtulog at sa pag gising sa umaga. Oo naging bahagi tayo ng mga masasayang umaga, gabi at mga dapithapong magkasama. Maririnig satin ang tawanang akala mo isang buong tropa un pala tayo lang dalawa. Naging bahagi tayo ng lungkot ng bawat isa. Problema at mga alitang walang kwenta. Natuto tayong huwag sumabay sa galit ng bawat isa. Pero nasaan na? Tila ang pag babago ay nauwi na sa wala. Bagay na hindi mo man lang nakita. Mga problema na kahit marinig mo ng paulit ulit ay tila isang kantang masarap pa sa tenga. Mga bagay na gustong gusto mong ipinagwalang bahala. Oo mahal natin ang isat isa pero hindi na ng kasing mahal natin ang bawat isa. Mahal na lang natin ang mga sarili natin. Nandito na lang tayo kasi takot tayong makasakit ng damdamin. Pero ang hindi natin alam mas higit na masakit ang "hindi natin alam" at kilala ang "sino ako sayo" at "sino ka sa akin. "Ano tayo noon" "Ano na tayo ngayon". Huhupa din ang sakuna, pasasaan at mahahanap din natin ang "tayo" sa piling ng iba. kung kelan, hindi ngayon baka sa ibang panahon.
Request permission to use this poem
Written by
khat_R
34 / F / Philippines
For You?
Written by
khat_R
34 / F / Philippines
Published
Jul 22, 2019
Lines·Words
68·303
Notes

song inspired from Malaya kana by Maimai Cantillano

Tags
#song#inspiration#relationship#broken#love#fate#faith#mnl#tagalogpoem#makhata
Permission

Request to use this poem

Tell khat_R how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write