Nakakasawa na ang klima ng panahon sa aking utak Pabalik-balik na ala-ala sa nakaraan Nagmistulang Pawis ang Luha kong tumatagaktak Palihim sa ilalim ng kaulapan sa aking isipan,
Nagiisa na lamang madalas , Di masilayan ang sikat ng araw Katog na aking Dibdib , Uhaw parin sa pagmamahal Tag-ulan nga ba sa kagubatan o inulan ako ng kalungkutan sa Tahanan? Kinakalaban nga ba ako ng aking Isip , o Sadyang Hindi ko na kayang buksan ang Pinto ng kinabukasan?
Tahan na o Tara na sa Tahanang Katakataka ang Puhunan Kaibigan kong pinagkakatiwalaan , Di nila ako Maramdaman!At Madalas o Minsan ako'y nagiging sisa , Madalas din o Minsan ako'y Nagiisa,
Kapag ako'y nagiisa , nakakagawa ako ng Lubid sa aking isipan Paano kaya kapag iniwan ko na ang Mundong ito? Makikita ko na kaya ang Kulay ng "Buhay ko" O Magdidilim lang muli ang Kulay ng "Buhay ko".
Patawad sa mga Ginagabambala ko Tuwing Humihingi ako ng tulong sainyo Minsa'y inisip ko na aabala ko kayo, "Nilalason ako ng isip ko o sadya nga bang totoo"