Huli na nga ba ang lahat Kailan mo masasabing hindi sapat Ang bawat piraso ng mga durog na puso Ang bawat patak ng mga pulang dugo Umagos kasabay ng mga luha Sino ang totoong may sala Isinulat sa pahinang gawa sa tubig Ang makatotohanan ngunit huwad na pag-ibig Kailan nga ba naging tama ang mali Kapag ba wala nang makapitan ang pusong puno ng pighati Puno ng galit at pagkamuhi Bakit hinayaang maikubli Sinong nagbigay ng buong tiwala? Silang mga nabigo't nasaktan at umasa sa wala Pilit mang pagtakpan ang mailap na katotohanan Sarili lang ang dapat protektahan Wala nang direksyon ang bawat bukas Na mabuti na ring ito na ang wakas Ang dulo ang simula ng salitang sapat At ang simula ang dulo ng lahat.