Mga ngiting tunay Mga salitang nagtulay Sa loob at sa iba
San naparoon
Ang malawak na ideya Imahinasyon o nobela
Nariyan lang sila Sa dulo ng daliri Sa gilid ng labi
Hanapin mo At iyong makikita
Nababagot, bagot sa buhay
Hindi na, parating na
May makikita ka Na wala sa iba
Hindi na, parating na
Damdamin Galak Halakhak
Nariyan na Sa loob, sa paanan Sa iyong mga mata
My first published poem in my native tongue -- tagalog. Filipino language is beautiful, syllabical. Hope another Filipino stumbles and feels with my first tagalog poem.