ang Pag-ibig daw ay maikukumpara sa napakaraming bagay may mga pagkakataon kalakip ito sa iba't-ibang larangan meron maikli,may katamtaman o napakahabang paglalakbay iyon bang tipong pagdaraanan yung mga hindi inaasahan
Sabi nga ng isang Kilalang pinoy na makata " O! Pag-ibig kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.. " kaya bakit ako papapipigil sa aking nadarama
Madalas nilang sabihin... para ka lang nagwawalis kaalinsabay ang malakas na hangin walis ka nang walis,pero kalat di nalilinis!
Minsan tulad sa isang sugal maihahambing daw ang Pag-ibig hindi ka tataya kung wala kang pag-asang manalo. kaya ba nauso yung - nagmahal nasaktan hindi umuwing bigo!
at heto pa ang kakaiba medyo magandang salita hango kasi sa di pangkaraniwang talata pero angkop ito pangmasa...
Gaano man daw kadalasΒ Β ang minsan Bihira talaga lagi ang kasagotan dahil ang Pag-ibig daw ay tila ba isang " half baked cookies " ayon po iyan sa isang novelist,,parang yun sa kanta rin na- " more than a kiss "
sa layo ng kinapuntahan,di ko mawari kung ako ba'y napag-iwanan! sa lalim ng kahulugan,halos hindi ko agad natumbok aking napag-alaman! Kaya Pala... Sabi Nila : Pag-ibig Ang Siyang Tugon! mataas man o mababa ang Temperatura ng Pugon!
Driving a vehicle or being a driver is my livelihood and my passion. But my Drive to Write is where my Heart is !!!