Ganito ba dapat ang maramdaman ko? Para akong matutuluyan sa kahibangan ko. Isang pitik pa, isang kanta, isang malupit na alala. Kung matitimbang lang ang luha, siguro aabot na yung akin sa tonelada. Nakakatawa. Wala atang makakatapat sa narating nating dalawa.
Hindi ko gusto tong estado na to.
Ayokong kalimutan lahat ng masayang alaala.
Sa lahat ng pagkakataon na namuhay ako magisa. Para sa lahat ng sama ng loob na sumabog at di ko natantya. Sa lahat ng gawain mo na anlakas magpaasa. Yung ngiti **** tagilid pero nadadale pa din ako. Yung balbas mo na ambilis tumubo. Sa dalawang pusa na palagi **** alaga. Nung mga oras na kailangan ko ng kasama tapos di ka nawala. Sa katangahan at kababawan ko na naniniwala na nandyan ka pa. Para sa lahat ng sakit na kailangan ko daanan mag isa. Lahat ng dating tropa na di na nakakakilala. Nakataas ang kamao ko pero nakaangat yung daliri sa gitna.
Minsan ang sarap mawalan ng pakialam, ng pakiramdam. Yung mamuhay na parang dumaan ka lang. Ang sakit magmahal tapos sasaktan ka lang. Ang sakit magmahal tapos iiwan ka lang.
Di ako galit sayo. Di kita papa salvage sa kanto. Di ko ipagkakalat kung san kiliti mo. Gusto ko lang mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Kasi isang taon na, ikaw pa rin laman ng poetry page ko.
Sana isang beses makita ko na lang na masaya na tayo pareho. Yung tipong pag naalala kita, nakangiti ako nagkekwento. Ang hirap nga pala talagang kalimutan. Yung minsan may taong kumilala sayo bukod sa sarili **** magulang.
Ang hirap umasa na may dadating pang iba. Ang sakit na kasi nung minsang binigay mo yung puso mo sa kanya pero iniwan ka din nya. Kanya kanyang dahilan, kanya kanyang pinaglalaban. Kung di din naman tayo magkasama sa huli bakit kailangan pa natin pagusapan. Nalulungkot ako, di ko itatanggi. Pakiiwasan mo na lang mag post na masaya ka palagi. Matagal pa siguro to maghihilom. Nakakaawa yung susunod kasi naka kandado na yung puso kong mamon. Yun ay kung meron pang susunod.