Puno nanaman ang aking isipan, Hindi ko alam paano at saan ito sisimulan, Mga panahong kailangan ko ng kakapitan, Ikaw sana ang takbuhan ngunit para bang ang layo mo na para akin pang lapitan.
Mga panahong sinabi natin na walang iwanan, Subalit unti-unti nang napunta sa kawalan, Marami tanong; maraming kwento, Sa mga oras na ilalahad mukhang hindi intiresado,
Alam kong pag may umalis sa buhay mo, Tuluyan mo ng kakalimutan at ika'y lalayo, Ngunit pag ako'y kailangan, Wag kang mag-atubiling ako'y tawagan.
Mali bang mapagod? At magpahinga? Dahil kung mali iyon patawad ngunit kailan ko lang huminga, Sa mga tingin palang alam kong maraming nagbago. Kasalanan ko ba 'to? O sadyang hinayaan nalang maging ganito.
Patawad, ilang beses ko ba kailangan sabihin? Patawad, patawad, patawad. Ilang beses ko ba kailangan ulitin? **Patawad.