“Kami’y may balitang Banta ng kaimbihan Lipon nami’y Ni hindi ninyo matitiktikan!”
“Humihikbi kami’t di titikim sa pauso. Lisan ninyo ang bayang hindi pag-aari! Baya’y pangako, kayo’y hindi kasapi!”
“Nakatalaga ang bala Para sa hindi patitikom-bibig, Walang bantulot buhat sa grasya Kaya’t kami’y gawaran!”
“Langit ang uukil sa inyong pagtataksil! Hukom ay dalisay at may patas na tingin. Kung dugo ang kapalit, Kami’y hindi patitikom, Ni hindi yuyuko Sa nabinat nyong kariktan.”
“Patiyad kayo’t magmakaawa, Humiling na sa Hari nyong may dunong!”
Naghihilakbot sila bagkus di paaayon, Sa yungib ng kaluluwa’y Ginagagap ang pangako. Sila’y bayaning tigmak sa pakikibaka’t Bilang ang mga martir na Maharlika.
Naulinigan ang mga sumirit na armas, Kanilang patibong Na may nanlilisik na batas. Bagkus ang atungal ng lupon ng Liwanag, Espada’y tatangayin Hanggang sa huling paghinga.