Bakit ba Ganito sa pinas Kung saan masyado tayong tutok sa tamang landas
Landas na di naman natatahak Pagkat lahat ng pangako ng mga naging pangulo ay puro palpak
Ano nga ba ang tamang landas Palagi na lamang itong bukambibig ng mga taong malalaki ang bibig ngunit maliliit at malalamig naman ang mga puso.
Wagas kung makapagsabi ng tamang landas Kailan ba magwawakas ang pagpapatag sa tamang landas Tila masyado nang nabigyang importansya ang paghahanda sa tamang landas Na naaaksya na ang pera ng ating mga probinsya
Ang mga pangakong napako Ang mga pulitkong napako na sa pagtahak sa landas na ito Na tila nakakalimutan na nilang isama ang sambayanan sa pagtahak nito Ang mga mamamayang pilipino na naubusan na ng lakas Pagkat wala na halos mailagay sa hapagkainan na bigas Sa walang katapusang pag taas ng tax upang mabuo at mapatag lang ang sinasabing tamang landas
Mga pukitikong Masyado nang naging overly attached sa tamang landas Na tila konting lubak lang kuha agad sa kaban ng bayan... Sa pera ng mga mamamayan.. Upang magpagawa ng bagong daan. Mas matuwid na daan. Wow. Gusto nyo ba ng sapak?
Bakit hindi nalang hayaan ang malubak na daan? Bakit hindi nalang hayaan ang konting baluktot sa daan?
Basta siguraduhin lang natin na tama ang ating pupuntahan. Na pagdating natin sa ating paroroonan, paglingon natin ay wala na tayong babalikan dahil wala na tayong naiwan. Magkaroon man ng galos sa paglalakbay, ang sakit ay kayang pawiin ng haplos ng kapwa pilipinong naging kasama mo sa pagtahak ng daan na tnahak ng bawat pilipino.
Ang kailangan namin ay isang pinuno Hindi pangulo na ituturo lamang ang tamang daan habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan at hindi na namamalayan na kanya na palang naiwan ang mga mamamayan.
Ewan ko ba kung bakit ganito sa pinas. Sana sa darating na eleksyon ay makapili na tayo ng isang pinuno hindi lang basta pangulo