Palutang-lutang sa gitna ng dagat Gawa ng luha kong sinubukang saluhin sa tasa ngunit hindi nagkasya Sinong sasagip sa pusong takot malunod? Hahayaan na lamang bang magpaanod sa tulirong mga alon Wari'y sila ring nalilito Saan nga ba patutungo? Ngunit ang damdamin, Sa iyo pa rin gustong dumaong Umaasang sa dalampasigan, Sa mga bisig mo, ako sisilong