Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Kurtlopez Feb 2024
Ang hirap mabuhay
Sa mundong
Napapaligiran ka ng
Mga taong
'di totoo sayo. -
Kurtlopez Feb 2024
Sa iyak nalang
dinadaan yung mga damdaming
di mo maintindihan -
Kurtlopez Feb 2024
May mga tahimik na laban din ako.
Katulad mo, gusto ko rin ng totoo.
Hangad ko rin ang sigurado—
Kurtlopez Aug 2023
It really is.
To breakdown once in a while.
To let the world forget your mind.
To hear wrongs & feel trapped.
To love so much & lose yourself.
To cry when no one’s watching.
To have no clue of what’s happening.
To forget why you started IT.
To feel the pain and take it all in.
It’s okay.
To be vulnerable sometimes.
To lose people & to lose your mind.
To hide the hurt & pretend the smile.
To harden your heart , become arrogant with time.
To understand, life isn’t easy for all.
To give it time to turn back & crawl.
To have a heart but still using the brain.
To let it rain as humanity is strange.
To hold hands, just your own.
To be alone & trying to control.
To mourn the loss of who you use to be.
To be weak & accept our destiny.
To realise that everything happens for a reason.
It’s okay. You’ll be happy again.
It’s just another season…
Kurtlopez Aug 2023
Aaminin ko,
minsan hinihiling ko na sana
ako naman ang mahalin ng
totoo.

na sana ako naman ang
takot bitawan, ako naman
ang hanapin at ako naman
ang piliin nang walang
alinlangan.

Kahit isa lang,
kahit ngayon lang.
Nakakapagod ding kasing
magmahal na parang ako lang.
Kurtlopez Aug 2023
Kung madatnan mo man ako na umiiyak huwag mo sana akong tanungin kung ano'ng problema, bagkus ay hayaan mo lang ako at kung sa kagustuhan mo hindi ko rin mamasamain ang pagtabi mo sa‘kin. Hindi kasi ako marunong magkuwento, hindi ko pa nasubukang maging bukas para malaman ng iba ang mga pinagdaanan ko. Nakasanayan ko na kasing magkimkim kahit mabigat na sa damdamin.

Kaya kung makita mo man akong luhaan, hayaan mo 'ko, huwag ka sanang mangusisa dahil kung gusto ko nang magkuwento tatakbo agad ako sa‘yo.
Kurtlopez Aug 2023
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam".

Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala.

Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na.

Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas.

Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin.

Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito.

Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Kailan kaya ako magiging destinasyon?
Next page