Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2018 · 362
"Tired"
Angeli Verzosa Apr 2018
I want to yell
Outburst into tears like a hell
Until my throat gets dry
Until I could no longer start to cry

I'm so tired
Utterly ruined and cried a river

I just want to feel better now
and get over it

To be loved and cared
That's all I want
I want my heart gets what it deserves to be,
and it deserves to be happy
Apr 2018 · 1.8k
"Lubid"
Angeli Verzosa Apr 2018
Isang lubid na kung saan
nagsimula ang lahat
Naroon ang mga kamay nating nakahawak
Kasabay nito ang marahan **** paghatak.

Ramdam ko ang mariin nating pagkapit
Mula nung unti-unti tayong sa isa't-isa'y nagkalapit
Ngunit masyadong magaspang ang lubid
Nanaisin kong bumitaw na lang sa ngawit at manhid.

Nagkamali ata tayo nang kinuha
Tingin ko nakalaan ang lubid na ito para sa iba
Sapat na yung nakilala natin ang bawat isa
Bitawan na natin ang katagang "akala natin tayo na para sa isa't-isa"

Mas mabuti nang ganito
Mas mainam kung bibitaw na tayong pareho
Pasasaan pa't doon din naman tayo tutungo
Kung saan ang ikaw at ako ay nasa magkabilang dulo.

Bumitaw na tayo...

— The End —