Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umuusad" poems
Pilipinas, Pilipinas kong Mahal ni Norfhel V. Ramirez Pilipinas, Pilipinas kong mahal... Baki hindi kana umuusad bayan kong mahal... Kahirapan ang daing ng karamihan... Bayan ko kaya ay makaahon pa... Bayang walang pagmamahal sa sariling pinaggalingan... puro daing ang binibitiwan... Walang ginagawa kundi paunlarin ang mga sarili kapakanan... pero paano ang ating bayan... Politikang sing sangsang pa ng malansang isda Korupsiyon ang gawi ng iba... Oh Para magpabango laman tuwing araw nang election Tanging pakitang gilas, mga buwaya ng lipunan Bayan koy inaankin na nang mga dayuhan... Animoy alipin sa sarili nating bayan... Mga banyaga lumulustay ng ating likas yaman... para lang yumaman ang iilan... Bakit nagkagayon aking tanong sa sarili Rizal, nasaan na ang pinaglaban? Animoy nalimot na ng karamihan... Animoy binura nabura naba sa kasaysayan... Mga sakripisyo nang ating mga bayani Nag buwis ng buhay para sa ating bayan... Nasayang lang ba ang buhay nilang naging tapat sa ating bayan... Sana ating pagnilay nilayan... Pilipinas, Pilipinas kong mahal Ngayoy nasaan na... Naghihingalo sa kamay ng bayan... Bayang nakalimot na... Bayang nagsilisan na... Bayang sarili lang ang inuna... Bayang tinalikdan na ang perlas ng sinilangan silangan...
0
Apr 21, 2012
Apr 21, 2012 at 7:24 AM UTC
Pilipinas, Pilipinas kong Mahal
Nakatawid na ang gabi sa umaga, Umuusad ang magdamag ng digma. Tahimik ang silahis na nakikiramdam Sa paghulagpos ng salimbayan Ng mga kulay na nagluwal ng dilim. Hudyat ang kindat ng kislap ng talim, Pagtitilad-tilarin sa pakikipagtalad Naglalagablab naming mga balak. Talampaka'y mangangahas sumampa, Sa binakuran **** pagsasamantala. Kabisado ng mga bisig kahit pa nakapikit, Imbay ng sandata naming karit. Matipid sa kilos, mabilis ang hagip Dinambong sa aming libong ektaryang langit, Babawiin, handa sa anumang kapalit, Karapatan, aming muli’t muling igigiit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:59 PM UTC
Pagbawi
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala.. Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha, Walang wala na kong malapitan, Walang wala na kong makapitan, Wala nang gustong makinig, Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili. Ikaw lang ang natatangi. Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan. Ganoon din ako.. Binitawan kita kapalit ng kasiyahan. Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan. Baligtad na ang mesa. Nandito na ko.... muli. Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan. Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan. Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan Mapagbiro. Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom Hindi ako naniniwala sa swerte. Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo. Buti na lang mayroon akong babalikan. Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan. Matagal ang isang taon, Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo Binuo ko sila na parang mga bahagi ko Akala ko ay tapos na... Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala? O mali.. baka wala talagang paglaya Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa? Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada, Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian, Nanaisin **** isara ang pahina.. Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata... Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela. Teka.. teka.. Buburahin ang ilang metapora. Masyadong madrama. Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat, Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay... Puno ng emosyon. Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula. Hindi bale. Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula, Hindi importante ang sukat at tugma, Sa susunod na babasa ka ng tula, Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda. Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita, Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
0
Jan 5, 2020
Jan 5, 2020 at 6:20 AM UTC
Malaya

Continue reading...
55
habang lahat ng bagay ay umuusad, ikaw lang ang naging tanging pahinga, tuwing ang mundo ay bumibilis, banayad nating dalawa sinubukan ang tadhana. ikaw ang panaginip na pilit ko tulugan muli, na kung saan ang kwento ay naroon ka sa aking tabi, ikaw ay alon at ako ang dalampasigan, kahit anong baybay habang buhay kitang sasamahan. nakasulat na sa mga bituin at ulap, kahit ilipat sa kahit anong pahina, at punit punitin ang papel natin tayo, tayo parin ang matutuklasan. ang sarap pagmasdan ng iyong palad, nakatupi sa aking mga kamay, tingin mo na walang ibang dinala 'kundi kapayapaan. ikaw ang panaginip na pilit ko tulugan muli, na kung saan ang kwento ay nariyan ako sa iyong tabi, ikaw ang buwan na sumisilip bago gisingin muli ang aking araw.
0
Jan 8, 2017
Jan 8, 2017 at 8:57 AM UTC
panaginip
#05222021 Hindi ko mapigilan ang himig na humihele kasabay ng Iyong tinig. Kumakatok ang Iyong presensya sa puso kong walang laman kundi ang pagkauhaw -- Nauuhaw buhat sa mundong mapagbalatkayo. Sa mundong sapat na ang musika ng mga palamuting may hangganan. Sa aking pagpikit ay umuusad ang Iyong mga pangungusap, Bagamat walang tinig sa paligid Ay namumuo pa rin ang habilin **** tangay ng hangin. Maging mga kulisap ay walang naggawa't nanahimik na lamang. Batid ko ang Iyong alok na ako'y tuluyang lumapit sa Iyong paanan, Ang trono **** ni minsa'y hindi pa nasilayan Bagkus hanap-hanap ng puso kong pagal sa paghihintay. At kung ito ma'y panaginip, hayaan **** ako'y manatili. Kinabig ko nang saglit ang parteng kaliwa ng aking dibdib, Baka sakaling ang sarili'y natuluyan nang mahiwalay sa aking katawan. At baka ako'y hinagip na rin kung saanmang lupalop -- Kung saan sa Iyong presensya'y mananatili akong akap. Nais ko pa ring abutin ang pangarap **** inilaan Ang sinasabi nilang imposible Bagkus Sayo'y natagpuan ko ang katuturan. Ang hiwaga na hindi maipaliwanag, Ang hiwaga na tanging Sayo lamang nahanap. Sa bawat pahinang hindi ko kayang tapusing maisulat Ay nais kong habiin ang aking nararamdaman, Itong pakiramdam na hindi ko masukat; Pagkat Ikaw ang aking Pahinga, Sayo ang paghinga.
0
May 24, 2021
May 24, 2021 at 11:49 PM UTC
Handa, Tula, Awit
May kung paparating habang tumatakbo ako papalayo Mabilis ang kilos ko ngunit siya, dahan-dahan lang na papalapit sa akin Inabutan niya ako pero hindi siya tumigil Sinamahan niya akong tumakbo Mas bumibilis ang mga paa ko Na tila papalayo sa kanya Nahahabol niya kada tapak ko sa sahig Parang hindi naman kami lumalayo Ni hindi kami umuusad Pero pagod na pagod kami sa pagtakbo Nanghina ang paa ko Umalalay siya Nanghina ang paa niya Umalalay din ako Sa hinaba haba ng pagtakbo namin Hindi ko nalaman ang pangalan niya Sa hinaba haba ng pagtakbo niya Hindi niya alam bakit niya ako sinusundan Nanghina ang paa ko Umalalay siya Nanghina ang paa niya Umiyak lang ako Nakikita ko na ang dulo Tinignan ko siya kung sabay pa rin kami Sabay pa rin kaming nakarating Sa dulo ng kanya-kanyang paroroonan.
0
Sep 25, 2020
Sep 25, 2020 at 3:56 AM UTC
Prologue