Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tambak" poems
Kahanay niya ang tambak Ng basura ng lansangan At sanlaksang mga matang Naguudyok upang ihanay Niya ang kanyang sarili sa Naaagnas na pag-asa ng lipunan. Siya ay puta. Sa dambana ng Mga banal, kasabay niyang Umuusal ng dasal ang mga Paham ng pamantasa't Pamantayan ng pagiging tao. Siya ay tao sa paningin ng mga Hayop. Siya ay hayop sa paningin Ng mga tao. Siya ay puta. Ano mang Anyo't samyo ang paulit-ulit niyang Ipalit at ipilit sa nakapinid na Pangunawa't awa ng mga nagsasabing Sila ay hindi mga puta, ang katotohanan Nga ay katotohanan. Siya ay sumasaatin. Nasa simbahan. Nasa Pamahalaan. Nasa paaralan. Nasa pamilihan. Nasa ng laman. Siya nga ay sumasaatin, Sumasalamin sa kalipunan ng mga Kabulukan ng ating lipunan. Mga puta.
0
Dec 10, 2013
Dec 10, 2013 at 6:48 AM UTC
Ang Puta
Sana makapaghabi ka ng magarang tula gamit ang tira-tirang retaso ng puso ko Maiibsan ang kirot sa pagkakaalam na muling mapakikinabangan damdaming nagmistulang basahan Heto pa ang mga luma kong luha Tambak, nagkalat, 'di na alam saan nagmula Kiluhin mo na't gawing sining Nang may malugaran, sariwang luhang nagbabadya pang dumating
0
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 11:26 AM UTC
Sa Pambansang Alagad ng Sining, Mula sa Pambansang Alipin ng Feelings
Kahit hindi na ako yung maging una o yung huli mo Kahit ako na lang yung na sa gitna niyo Yung pwedeng sumagot ng oo o hindi Yung madalas mang-aya gumala o mangtokis Ituring bilang isang kaibigan, ka-ibigan o pareho, wala naman itong kaibahan Ako na lang yung taga-salo ng mabibigat **** luha kapag hindi mo na kaya pigilan 'to Ako na lang yung magpapaalala sayo kung gaano ka na kalayo mula sa pinanggalingan mo Ako na lang yung magsisilbing checkpoint mo kung sakaling hindi mo pa kaya papuntang dulo Ako na lang yung magiging gabay kapag hindi mo na alam kung saang daan tutungo Ako na lang yung magbibigay liwanag pagkatapos ng gerang pinasok mo Ako na lang yung taga-sabi sayo ng "tiwala lang, kaya yan" kapag tambak ka sa dami ng trabaho Ako na lang yung magpupulot ng bawat piraso ng pagkatao mo na nadurog sa nagdaang mga bagyo Ako na lang yung susuporta sayo sa laban kapag malapit ka ng matalo Ako na lang yung mag-aabang sayo kapag malapit ka na sa may kanto Ako na lang yung magpapayo kapag naguguluhan ka na sa pag-ikot ng mundo Ako na lang yung mapagkakatiwalaan mo na pwedeng sabihan ng mga pinakatatagong sikreto Ako na lang. Ako na lang yung gaganap sa parteng to Yung di ganon ka-importante, hindi din kawalan Laging maaasahan kaya ayun, laging umaasa Ang magbabalanse sa daloy ng kwento Kahit yun na lang tayo; sayo.
0
Oct 29, 2016
Oct 29, 2016 at 10:00 AM UTC
Kahit 'Yun Lang
Mudtū nanaman akong nagisəng Kwasa lawod na sige panaŋgad Piripildit kadtong kompyuter Tambak a gigibohon pauno Malang sakit pag naədâan ikang trabawo Dāwâ unong mag-ābot tinitira Magka-income sanā nguwan na pandemya Masakit a pagbuɣay nguwan Bana niloloko kita ka kanatəng gobyerno "Urāsâ ayy!" Sabi ni inay Kwasa kaya nakakape ika malaka mudtū Pano ka diri iinitan ka tramuya **** iton Nalingawan ko, paborito palan niya a kape Ay ta dawa malang ŋisnitan na malaka-pwerte paghigop niya. Siguro tinutuod kita sa pasakit na tinatao kanatə arog kading gibo ko, nagkakape naman ako dāwâ malaka-mudtū, diretso sa lalawgə̄n ko a sulô galin sa langit, pinipirit na indahon a kulog tas pait, ŋata ta kaipuhan kitang pasakitan kin pwede man sanang ayoson a nasasakupan, ay inda maray pa magkape na sanā.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 12:17 PM UTC
Urāsâ