Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sinilip" poems
Walang salitang “sayang” Hindi tayo sayang, Dahil may mga panahon na tayo lang ang nakakaintindi sa isat-isa. Hindi alintana ang alingawngaw na dala ng lipunan, Mga bibig na hindi magkamayan sa pagtutol. Hindi sayang ang mga panahong sabay nating tinahak ang mundo imbes pakanan ang ikot ay mas pinili natin ang pakaliwa. Hindi natin nasayang ang mga oras ng katahimikan, dahil sabay natin itong sinalin sa musika at sabay nating sinayaw ang tugtog ng ating mga puso. Sabay nating niyakap ang kahinaan ng bawat isa, nagsilbi tayong lakas na kayang pumawi ng panghihinang hatid ng mga mapangahas na hamon. Walang lakad na nasayang, dahil sabay nating hinakbang ang ating mga paa patungo sa di malamang dito, doon, d’yan at kung saan man. Walang takot na naramdaman dahil sabay nating sinilip ang kung anong merong hatid ang kabilang daigdig. Walang sayang, Kahit sabay nating kinumpas ang ating mga kamay upang magpaalam. Walang sayang. Dahil sa mga oras na iyon alam natin, ang kabilang mundo ay pansamantala lamang. Alam natin na ang mundo ay iikot muli sa atin, at sa pangalawang pagkakataon. Magtatagpo tayong muli, Hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam. ­­­­
0
Mar 28, 2018
Mar 28, 2018 at 3:05 AM UTC
Hanggang sa muli nating pagkikita
sa pagbukas ng aking mga mata ikaw agad ang gusto kong makita sa umaga na gustong lunurin ng saya lunurin ng ikaw hinahanap ang nawalang "ikaw" nasaan ang "ikaw" nasaan kaba? kagabi lang katabi ka pero ngayon wala kana anung kalokohan to'? umupo ako at iniisip na ikaw ay umalis ng hindi nagpapaalam ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM? gumawa ako ng mainit na tsokolate na paborito natin inumin parati walang emosyon ang aking nararamdaman ang maliit na butas sa aking puso, na tinutusok ng kalungkutan ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM? sa pagbukas ng pinto ng ating aparador naisip ko na baka nagtago kalang para ako'y iyong gulatin handa sa kaba ng iyong hindi pag-alis sa aking pagbukas hinahanp kita hindi moko ginulat bakit hindi mo ako ginulat? hindi ka nagtago nasaan kaba? sinara ko ulit ang pintuan ng aparador niloloko ang sarili na ako'y gugulatin ulit sa pagbukas ko wala kapadin don hindi kapa din nagpapakita nakita kong nakasabit ang damit mo ang iyong amoy ang mahalimuyak na amoy ng paborito **** pabango na sana malanghap ko pa na sana malanghap ko pa ang amoy ng iyong pagdating nakita na kita sa letrato nating dalawa tinitignan ang ating mga imahe tinitignan ang ating mga ala-ala binabalikan kung anung meron pa takot bumitaw sa tadhanang biglang umayaw mga letratong tayo ay masaya tayo ay magkasama tayo na punong puno ng tawa nakita ko ang letrato na paborito nating dlawa pero ikaw hindi parin kita makita makikita pa kaya kita? hinanap kita nilibot ko ang bawat sulok pinuntahan ang dating tagpuan sinilip ang dilim ng kalungkutan binukas ang posibleng pinagtaguan hinahanap ka saan-saan tinanong ang mga tao sa lansangan hindi parin kita makita saan kaba tama na ang taguan magpakita kana lumabas kana sige na labas na ayoko nang magisa tinanggap ang katotohanang ikaw ay wala na na iniwan mokong walang ideya kung nasan ka saan kaba nagpunta? kung alam kolang na akoy iiwan mo edi sana ikinulong kita kung alam kolang na ikaw ay aalis edi sana ikinandado nalang kita sana sumulat ka manlang o kaya nagiwan ng ideya kung nasaan ka man habang ako nandito parin hinihintay ang iyong pagbabalik nakahiga sa kama nagpapahinga katabi ang mga unan mga basang unan na nilunod ng luha at iniisip ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:30 PM UTC
tula ni VJ: "umalis ng hindi nagpapaalam"

Continue reading...
82
sa huling buwan ng taon, nilingon kita, kahit wala ka sa lugar ng ating tagpuan sinilip ko ang natitirang emosyon at pinalaya ito, kasama ang mga alaala mo.
0
Dec 16, 2020
Dec 16, 2020 at 8:47 PM UTC
2020