Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jo Organiza Sep 2019
Malipayon man ko na pagka-taw

Sige ug katawa ug lingaw lingaw,

apan sa tinuoray lang na pagkasulti,

akong mga kakulangan sa usa ka tao,

mga kasakit, wala pa nalimti.
Mga panumduman sa mga niaging mga panahon kay dili nako kalimtan.
BALAK SA GUGMA
Mga kasubo sa akong kabogo.
Twitter: @JoRaika
danie Oct 2017
Mahal na kilala kita sa simpleng haha
Minisage kita kahit di kita kilala
Sabi ko sayo hi ganda
Di ko inakalang mag rereply ka
Sabi mo salamat huh.
Sa simpleng batian tayo nag simula
Humaba ng humaba mga salita
Hanggang sa nakita ko
Ay hala mag kabirthday tayong dalawa
Mapag biro ang tadhana
Mas lalo akong naligaw sa bitag nya
Pero sa pag kaligaw ko nahanap kita
Sabay tayong na ligaw sa tamis ng tadhana
Tapos sabi mo mahal may sekreto ka
Mapag biro nga ang tadhana
Kasi kng gaanu katamis ang pag mamahal mo
Ganun din kasaklap ang katotohanang d pueding maging tayo
Di pueding maging tayo kasi may nakatali na sayo
Pero kinain ko ang lahat ng pait na to
At oo kasalanan ko
Ang dating maliit na biro ng tadhana
Naging libingan ko
Pero ayaw kong bumangon mula dito
Pinilit ko,pinilit mo at naging tayo
Kahit mapait pinilit natin na patamisin ito
At naging okay tayo
Ang saya nga ng birthday natin pareho
Sinupresa mo ako
At sa unang pag kakataon
Napag tanto ko na mahal mo nga ako
May pa cake kpa mahal at palobo
Tumulo ang luha ko
Kasi di ko inakala sa magiging masaya ako
Magiging masaya ang kaarawan ko
Kaya salamat sayo mahal ko
Pero habang tumatagal mahal
Mawawala na tayo
Halos di ko na maaninag ang iyong anino
Nalungkot ako
Pero bumalik ka mahal
At sinabi mo pabalik na siya
Ang nakatali sayo
Gumuho ang mundo ko
Ang dating hukay ngayon ang naging bangin
Wala ng takas sa sakit
Ang sabi mo aayusin mo mahal
Tataposin na ang dapat taposin
Pero paanu kng sa istoryang to
Ako ang pangalawa
Ako ang kirido
Ako ang maninira ng pamilya
At siya,sya ang una at ang pinakasalan mo sa harap ng dambana.
Mahal anu ang laban ko
Nasasaktan ako
At oo di ko pueding isisi sayo to
Kasi ginusto ko din naman.
Namalibing sa bangin na ito
Pinaglaruan tayo ng tadhana
Yung akala kong magiging masaya
Nasa binggit na ng kataposan nya
Ayaw ko man sana ipilit
Pero sa bawat hagupit ng sakit
Pangalan mo aking sinasambit
Mahal naririnig mo pa ba ako
Pag dumating siya panu na tayo
Maaalala mo pa kaya ang mga pangako mo
Na magiging masaya tayo
Kasi kung ganun kakainin ko na din ang pait na ito
Ou ako na bahala sa lahat ng pait
Basta mahal mangako ka
Di tayo aabot sa dulo
Pero paanu sakanya ka kasado
Ako,pangalawa lang ako
Nadudurog na ako
Gusto ko na sana taposin ito
Pero paanu kng mahal kita
Minamahal kita ng todo
Ngayon gusto mo palain ako...
Pero paanu kng sa bawat paalam mo
Sinasambit **** mahal mo ako
Mahal mo nga ba talaga ako
O mahal mo lng ako kasi binubou ko ang kulang niya sayo
Please kng aalis ka umalis ka lng
Kasi di applicable sa atin ang kng mag mahal ka ng dalawa piliin mo ang pangalawa kasi sa una pa lng nakatali kana.
Jo Organiza Sep 2019
Malipayon man ko na pagka-taw

Sige ug katawa ug lingaw lingaw,

apan sa tinuoray lang na pagkasulti,

akong mga kakulangan sa usa ka tao,

mga kasakit, wala pa nalimti.
Bisayang Balak Mahitungod Sa Gugma
Vergel Aug 26
Kinamumuhian kita.

Hindi dahil nagsisisi ako, dahil sa mga alaalang binuo mo.

Kasalanan ko din naman ako yung sumuko. Kinabukasang walang itutungo.

Ba’t ba napakaperpekto mo? Sa aking buhay tila ikaw ang bubuo.

Pero anong ginawa ko? Sinayang ko. Mga luhang sayang ang pagtulo.

Masaya ka naman ba? Meron na bang iba?

Ako, ito, naghahanap. Pero sa huli nag-iisa.
Mga oras na napupunta sa ‘di ko kilala.

Kinaiinisan kita. Mga sekreto **** di ko nasagot, naaalala sa oras na ako’y nababagot.

Bakit ba napakadami **** lihim? Mga bagay na iyong kinikimkim.

Nakakamangha kasi pinipilit kitang magtiwala. Pero sa tanong ko’y sagot mo’y “Wala”.

Mahal mo ko pero ba’t tiwala mo hindi buo? Mga sagot mo tila may lihim, hindi totoo.

Nakakabadtrip ka. Gustong gusto ko malaman nasa isip mo. Sana nagtiwala ka ng buo.

Ito na sana ang huling liham ko sayo. Lumigaya ka sana at matupad mga pangarap mo.

Mga planong napako ‘di na magbabago.
Mga buhay nating nagkasalubong pero magkaiba ang dulo.

Salamat, patawad. Ngayon malaya ka nang lumipad.

Tahanan.
For someone I hope to forget.

— The End —