Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Palutang-lutang sa gitna ng dagat
Gawa ng luha kong
sinubukang saluhin sa tasa
ngunit hindi nagkasya
Sinong sasagip
sa pusong takot malunod?
Hahayaan na lamang bang magpaanod
sa tulirong mga alon
Wari'y sila ring nalilito
Saan nga ba patutungo?
Ngunit ang damdamin,
Sa iyo pa rin gustong dumaong
Umaasang sa dalampasigan,
Sa mga bisig mo, ako sisilong



Parola, Margaret Austin Go
Hindi ko inakalang magiging ganito ang takbo ng mundo
Nakita kita ng walang dahilan, mabilisan ang pagtatagpo
Ni pangalan, ni salita, walang palitan na nangyari
Kaya nga’t nagtatanong, paano ba ito?
Ito ba’y maari?

Unang pagtatagpo, ni hindi kita namalayan
Nagpakilala ka, hindi ko matandaan
Sa isang silid, marami tayong kakilala
Ngunit bakit hindi tayo nagkakilala?  

Ikalawang tagpo natin, sa lugar na mahangin
Magkatabi na tayo pero walang usapang nangyayari
Tinatanong sa sarili kung uunahan ko ba ang storya
O hahayaan na lang kita kahit na tayo’y magkasama

Lumipas ang oras ng hindi natin namalayan
Lumipas ang oras iniisip ko’y walang katapusan
Tinatananong sa sarili kung ikaw na ba
Ikaw na ba ang sasagip sa pusong kong umaasa?
by:I.J.***
kingjay Dec 2018
Sa kubo na giba-giba ay nagbuntong-hininga
Nakatigil ang tanaw sa museo ng damdamin
Sinasaliwan ang kaganapan
Umuugnay ang mga pangyayari

Mabini dumaan sa bangkete
Dali-dali na binigyan ng upuan
Lahing kayumanggi ay di-palatandaan
Tanyag sa bansag na "Pamilya ng Perlas ng Silangan"

Isalin ang buhay sa ibang anyo ngunit di ang nararamdaman
Diyosa ng kagandahan ang kahawig ng minamahal
Maigsi ang oras ng pag-ibig
Natutuliro nang walang hanggan

Nang una malapitan, pisngi ay naging krimson
Naasiwa tumingin sa mga mata
Kailan nagsimula ang pag-ibig?
Nais sana ito'y sambitlain

Gaya ng mayuming baro't saya,
Ang alindog ay mahirap iwasan
Hinibo ang isip pati kaluluwa
Nang wala na sasagip sa pagkaalipin ng kanyang kamunduhan

— The End —