Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"puwit" poems
• • • Bigo, yan ako labing-limang araw bago ka dumating Pinaasa sa mga susunod na araw na hindi naman pala makakamit Niloko sa hindi malamang kadahilanan kung bakit Panay ang tanong sa isipan kung bakit ako pa ang napili Na nananahimik at wala namang balak manakit Sabi ko tama na't huwag nang umasa pang muli Dahil sa henerasyon at ikot ng mundo ngayon, Ang makatagpo ng taong kayang suklian ang pag-ibig na meron ako Ay parang inaabot ang langit sa liit kong ito Pero mahirap nga naman talagang pigilan [minsan] ang nararamdaman Na kahit ilang araw pa lamang ang nagdaan Umaga, tanghali, hapon, gabi habang naghahapunan Ay laman ka na lagi nang aking isipan Hep hep hep! Sinabi nang saglit! Masyado kang makulit Hindi ka na bata na dapat pang paluin sa puwit! Pero eto, seryoso na ulit. . . Bakit ba kasi umaasa pa nang paulit-ulit? Eh nasa harapan na nga yung sagot na wala ka naman ngang **** Kahit sa totoo lang may konti nang sakit Nakakatawa lang din minsan, ano? Hindi ko lang sigurado kung yung tadhana lang o pati ako Na alam namang mapaglaro Pero sinasabayan yung agos kahit alam na hindi sigurado't [minsan] delikado Risk taker nga ako, hindi ba? Pero may kaduwagan sa aking kalooban at ayaw ko pang bumigay Kasi hindi ko pa kayang mapalayo ka't baka magpaalam na nang tuluyan Kaya dito na muna ako sa isang tabi, Na muli nalang maghihintay sa iyong susunod na mensahe. • • •
0
Oct 4, 2020
Oct 4, 2020 at 5:55 PM UTC
"Nakakangiti pa naman Ako"
Ilang dekada na ba ang lumipas mula nang huling namúti ng mga labong sa kawayanan sa dulo ng kapirasong lupang minana sa kanunuan ng angkan? May bakas pa sa daanan ang dug-out na tinabunan na ng mga naputol na sanga at mga winalis na dahon, naputol na sanga at bubot na bunga ng mga chico, caimito at mangga, na palaging inaakyat ng mga kuya at nang-iinggit pa kunwari tuwina at pagkababa’y mamimigay rin pala - dug-out na tagapagligtas, taguan noong panahong tila baga’y kani-kanina lamang, sa mga mababangis na kempeitai, sa malupit na pandaigdigang giyera. Halos nalipol ang angkang bansag ay bisero, umangat sa buhay dulot ng mga alagang kabayo pagkatapos ng Liberation naging kaminero mga kabayo’y kinatay ng mga bakero na sila ring nambayoneta ng maraming tao pagsaksak patulák sa balong igiban ng baryo pati mga musmos at mga inang nagpapasuso kulóng sa kamalig, sinunog nang buhay, at naabó. Tila nakalimutan na ang madilim na nakaraan at walang napulot na aral sa kasaysayan ngunit natakpan man ng ningning ng mga ilaw-neon at malawak na highway ang dating batalan at tuklong Ang lansa ng dugong namuo sa balon sa sinturisan, palaging nagpapaala-ala ng damdaming kinukuyom. At ngayon, wala nang mananakop na Hapon. pero may pumapasok na bagong panginoon - Handa nang himurin ang puwit ng mga Tsinong maton.
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 7:28 AM UTC
Kapeng Barako XI
Bumalikwas ang madaling araw Mapula ang sinag ng malamlam na ilaw Mula sa pagkagupiling ng iniwang gabi Isang paos na tilaok pinilit magsabi Tila inutil na tuod ang unan at papag Walang tugon ni tikhim man lang para sa likod at ulong lumapat Mapagkunwari ang kulambo Lamok pala’y kalaguyo Akala ng balana’y karamay Sa magdamag na paglalamay Batang ipinaglihi sa Sto Niño Ibebenta pala sa demonyo Naglaga ng kape ang among kapre Butil daw ay hinirang ng musang na tumae Galapong pala’y napanis na sapal Nilagyan ng dagta ng nilinlang na bangkal Bang-aw na ang panatikong tagasunod Lublob na sa pusali, puwit pa rin ang hinihimod:           Sayang ang kita, mamaya’y bayaran na!           Copy-paste-post - sige pa!           Ang perang kikitain ay mas mahalaga           May paburger pa sina konsi at mayora           O e 'no kung nasa poso ***** tanang kaluluwa? Bayaning tangan ay tabak, tila nakanganga Kinain na ng anay ang papel at pluma.
0
Nov 29, 2020
Nov 29, 2020 at 4:41 PM UTC
Kapeng Barako XII