Sa tulang aking naisulat,
Sanay may mamulat ,
Sa kasalana at problemang lagging naiuulat,
Sa telebesyon at radyo ikaw ay magugulat.
Mundong puno ng karahasan,
Mga taong makasalanan,
Walang paninindigan,
Mga taong nang iiwan,
Pamilyang nasira sa isang kasalanan,
Kasalanang Patuloy na ginagawat patuloy na nariyan.
Mga problemang hindi masulusyonan,
Mga batang sa kalsaday naiwan ,
Mga taong naiwan ng kanilang pangarap at kinabukasan,
Ito’y opinion lamang,
Sa aking naririnig bilang isang mang mang.
Ang suliraning laging nariyan,
Kawalan ng kapayapaan,
Kakulangan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan,
Walang sawang Kahirapan,
Kawalan ng sapat na pantustos ng kalusugan ng mga mamamayan.
Pagkagumon ng mga kabataan sa bawal na droga,
Patuloy na pagtaas ng populasyon na di naaalintana,
Nasaan ang hustisya ?,
Bakit ang inosente ang nasa rehas na bakla?, Nasaan ang tunay na may sala?
Maging sa eleksyon ay may daya,
Pagbabagot pag unlad ang gusto natin,
Kaya simulan natin sa mismong pamamahay natin.
Bakit ganito nasaan ang pagbabago?
Laging naririnig ko pag bukas palang ng radio,
Bilang isang kabataan, bilang isang mamamayan ,
Ang pagbabago ay laging naririyan,
Ito’y nasa iyo ung pupulutin mo o itatamabak lamang.
#WantedPeace