Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pumapalupot" poems
Ang buhay ng  tao'y kay daming hugot Mga problemang sayo'y pumapalupot. Ang sarap ibaon at wag nang ihugot. Mga ala-alang saakin na lang ay isang bangungot. Sobrang saya na sana natin Naka guhit na ang mga pangarap na sana'y tutuparin Nasusuka na ako sa salitang sana, gusto sana kitang yakapin Pero kailanman hindi mo ginustong mapasaakin. Sayang lang yung mga perang hinugot ko sa bulsa Oo nga pala, ang lahat nang ito'y nakakabit na sa salitang sana. Pero hayaan mo na, nabusog ka naman yata. Kahit 'wag na ako, ganon naman talaga 'diba? Patapos na yung aking kadramahan. Iyon naman ang bukambibig mo 'pag gusto ko sanang maramdaman Mapait na pagmamahal sana sa iba mo na lang inilaan Tatakpan ko na yung butas sa puso, para hindi mo na mahawaan Masiyado ka na kasing maraming hinugot saakin Na akala ko ikaw ang makikinabang.
0
Oct 21, 2018
Oct 21, 2018 at 12:10 PM UTC
Hugot
dinggin ang lagaslas ng tubig na pumapalupot sa bisig. handa na ang bukana. kasabay ng pag-alon ng damdamin ang p a g b a g s a k ng lamig na dala ng pag-lisan o ang init na lulan ng pag-dating papalapit ng papalapit sa nagngungusap na mga mata, sinasalamin nang iyong banta ang aking bibig. bilugan, hubad, tahimik.
0
Nov 4, 2015
Nov 4, 2015 at 4:38 AM UTC
Baso