Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"preskong" poems
Oh magandang binibini, ako’y lubos na nagagalak dahil sa ating mga mumunting palitan ng mga mensahe. Kahit na ito’y di masyadong impormatibo, ako’y lubos na nasisiyahan sa ating mga pinag-uusapan. Oh binibini, ang bawat ngiti na iyong pinapakita ang siyang nagbibigay sigla sa matamlay kong araw. Ang iyong mga tawa ang siyang nagsisilbing musika sa aking mga tenga, na walang kapantay sa tinig at ganda. Kahit na sa kakaunting panahon na tayo’y nagkilala, para na kitang kaibigan na kay tagal nang kilala. Ang bawat palitan ng mga letra’t salita ay may kasamang pagmamahal at tuwa. Kaya ang mga salitang ito’y kusang lumalabas sa aking dila. Oh binibini, nawa’y mapansin mo ang mga problema na dulot mo, sa pagka’t gabi-gabi nalang ako’y di makatulog pag na-aalala ang mga ngiti **** sintamis ng preskong bino at ng mga titig **** kasing init ng siling labuyo. Nawa’y sa pag idlip mo’y mapaghinipan mo ako, ng ako rin ay makadayo sa mundong tayo lang dalawa ang nandoon. Kung saan malayo tayo sa mga mata ng di nakakaintindi, at sa mga salita ng di nakaka-alam. Oh binibini, lagi mo sanang tandaan, na kahit saankaman ay laging nasa sayo ang puso ko. Na kahit bagyo ma’y dumaan at mga lindol ay maranasan, na ang pagtingin ko ay laging sayo lamang.
0
May 12, 2019
May 12, 2019 at 1:58 PM UTC
Binibini
I hope nga sama sa coke og tubig, Piliion mo ako nga tubig, Dili man tam.is ug lamion, Basta bisag unsay mahitabo, dle ka pwedeng mo dle nako, Kay ako nga tubig makaayo ug makatambal, Di lang sa tutunlan  asta pod sa imong kauhaw, Kauhaw sa gugma ug pagamoma. Dili sama sa soft drinks, Nga imong pilion ug pangitaon, Kung ikaw makakaon ug lamion pero bidli na pagkaon, Apan ikaw maga duhaduha, Basta ang lawas may gipamati na, Mga sakit ug balatian nga tandgunon, Sa gugma, mao ni sila ang atong mga hinigugma kaniadto, Mas gipili ang kalami  sa karon, Wala ga lantaw sa possibling sakit, Sakit nga maabot ig mata sa  kaugmaon, Maong unta ako nga tubig imong pilion, Bisag dle tam.is ug lamion, Mahimo mo man sad ako nga gamiton, Sa imong pag hunad ug paglimpyo , Sa mga preskong samad sa imong kagahapon, Isaad kong dughan mo pagahugasan, Pad.on ang tanang kasakit ug kabalaka, Dughan mo panggaon, higugmaon ug paga ampingan, Mga kasakit kong alid.an  ug pagpangga ug paghigugma, Maong ako nga tubig intawn pagapilia. Tubig man ko para kanila, Labaw pa ni sa soft drinks ang katam.is kung mahigugma. Unta inday kong shiela pilia Kining Tubig ko nga paghigugma
0
Jun 20, 2020
Jun 20, 2020 at 2:05 PM UTC
Tubig ko nga paghigugma
Tahimik na kalangitan Buo ang mga ulap Maaliwas, o kay sarap pagmasdan Maliwanag, walang dilim na maaninag Mga ibong humuhuni malaya't maligaya Linilibot ang kalangitan punong puno ng kalayaan, sinasariwa ang preskong hangin'g bigay ng kalikasan. Sanay inyo ring marinig ang mga huni ng mga ibong nawalan ng tirahan, Sa pagputol nyo sa kanilang pinapangalagaang tahanan. Na sa bawat pagbuka ng bibig ay ramdam ang bigat na kanilang dinadala't, dinaranas Sana'y pagbigyan kahit minsan lamang Ang hiling ng bawat nilalang. Ang buhay ng tao ay tulad din ng mga ibon sa kapaligiran, malayang pumili,malayang maglakbay, malayang piliin ang gustong tahakin sa kani-kanilang buhay. ngunit may ibang ipinagkaitan labag man sa kanilang kalooban tuloy padin ang laban tungo sa magandang kinabusan. Sana'y imulat nyo ang inyong mga mata Pakingan ang mga hinaing ng mga taong pi'lit makamtan ang magandang umaga. Ngunit may narinig ka ba? Hindi ba't wala?! Hirap man, pagod, at walang makain. Pero ito ba ang basihan? upang sila'y pagkaitan ng pag-asa. Tulad din ng mga ibon sa malawak ng karagatan, gaano man ito kalawak, gaano man sila katagal maghanap, Magtyaga't, maghintay, magtiwala ka lang dahil ang bukas ay hindi natatapos ngayon, kundi magsisimula pa lang ulit bukas. Humayo ka't ipagaspas ang iyong pak-pak, lumipad ka't abotin ang iyong mga pangarap. Lipad munting ibon huwag kang huminto't ibangon muli, ang minsan mo ng nasirang tahanan Tulad din ng isang ibon, maging malaya ka't maging masaya.
0
Mar 12, 2021
Mar 12, 2021 at 12:47 PM UTC
Malaya

Continue reading...
18
Lumalalim na ang gabi Malamig ang simoy ng hangin Ikaw lamang ang nais kong makatabi At ang aking gustong makapiling Oh, paligaw-ligaw tingin Ikaw lamang ang tanging minimithi Ayoko munang umuwi Dito ka muna sa aking tabi Ayoko nang sa iyo ay mawalay pa Huwag mo na akong iwan pa Huwag muna tayong umuwi Kay sarap pagmasdan ng buwan ngayong gabi Hawak ang iyong kamay at lasap ang preskong hangin Ngayo'y nadinig na aking panalangin Kay sarap pagmasdan ng mga tala Singkislap ng iyong mga mata Hawakan mo lamang ang aking kamay At tayo ay nakatingala sa alapaap Ikaw lamang ang aking sinisinta, aking pinapangarap Ang aking minahal ng tunay Sapagkat hanap ng puso ko'y ikaw At wala nang iba pa Dahil mahal kang talaga Ibubuhos lahat ng pagmamahal at oras sa iyo Habang ako ay nandito pa sa mundong ibabaw Ako ay nangungulila sa tuwing tayo ay magkalayo Sa iyo lamang ako uuwi Sa iyo lamang ako mananatili Ikaw lamang ang aking nag-iisang, sinisinta
0
Aug 29, 2023
Aug 29, 2023 at 12:00 AM UTC
Sinisinta (11-8-2022)