Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pogi" poems
Ang gusto ko yung lalaking matipuno Yung pagbubuksan ako ng pinto Yung umaga pa lang pumupunta na rito Tsaka dapat binabati niya magulang ko Isama mo na rin buong pamilya’t kamag anak ko Grabe ang lakas maka pogi non Lalo na kapag binibilhan ako ng wanton Yun kasi yung paborito ko Kaya nakakakilig pag kilala ka ng lalaki nang todo Ganun yung tipo ko Simple lang at magalang Madasalin at mapagmahal sa magulang Isa lang Isa lang ang hinihintay ko at alam kong ikaw yun. Yung taong bubuo ng mga pangarap natin At tutupad sa mga binitawang salita sakin Ikaw yun Ang yayakap sakin kapag malungkot ako At pag kailangan ko ng makikinig sa mga problema ko. Ikaw yun. Nung una. Akala ko nung una ikaw na yun. Isang malaking pagkakamali lang pala. Imahinasyon lang pala lahat ng ito Ang lala Nabiktima lang pala ako ng maling akala At nadala sa pagbabago **** lagi akong umaasa Kaya ayoko na Ayoko nang pagbuksan ka ng pinto sa tuwing lalabas tayo Ayoko nang habulin ka pag nauuna kang maglakad at ikaw pa yung may ganang magalit Ayoko nang paulit ulit ipaalala sayo na batiin mo mga magulang ko pag nakikita mo Ayoko nang magtiis pa diyan sa katamaran mo dahil pagod na ako. Nagsasawa na ako sa paulit ulit na salitang binibigkas mo pero di naman totoo. Dahil ang totoo, hindi naman tumutugma sa mga kilos mo. Ikaw na ang sentro ng relasyong to. Sa halip na ako ang yakapin mo dahil malungkot ako, ako ang yumayakap sayo. Hindi ako makapagsabi ng problema mo dahil sinisingitan mo nang mas malala yung problema mo. Lagi ka na lang nagagalit kapag may kausap ako. Pero pag ikaw yung may kausap, nagagalit ba ako? Wala na sa lugar yung pagseselos mo. Lahat na lang ng makausap ko pinaghihinalaan mo. Ang toxic na ng relationship na to. Kaya gusto ko na tapusin kung ano man ang meron tayo. Natauhan ako na ako na pala ang gusto ko. Ako pala yung hinahanap ko. Pero kailangan ko ng taong parang ako. Yung mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. Saan ba ako makakahanap ng taong katulad ko?
0
May 10, 2018
May 10, 2018 at 11:23 AM UTC
Ang Gusto Ko

Continue reading...
46
Niccolo di bernardo di Machiavelli Ang taong may pera ngunit di makabili Ng mga bagay para sa kanyang sarili Inuuna parati ang bisyong pambababae Ngunit kelan ba ang araw na nagkaroon ka ng ***** Akoy nagtataka dahil Pogi ka naman di lang halata Nakikita kitang laging sawi, Ang sagot mo “sa susunod nalang babawi” Paulit ulit at parati, di ka nagsasawa laging may pili Niccolo, Niccolo, ang buhay mo man ay magulo May makapagbagbagbagbag damdaming kwento Tagus sa balat at sagad buto Hanep ang yong liriko, liriko Niccolo, Niccolo, ang isipan **** magulo Sa larangang paborito Kakaibang istilo mo, Niccolò Babangon Ilang beses man madapa, Ang pangarap mo ay makukuwa Pagkat ang sipag moy di matutumbasan Apak apakan ka man ng sino man, Walang kang pake alam, bastat deretso kalang At sa iyong pananaw, prinsipyong di maagaw Isip Di mababaw, pagkat ayaw mo ng hilaw Dahil.... Niccolo, Niccolo, ang buhay mo man ay magulo May makapagbagbagbagbag damdaming kwento Tagus sa balat at sagad buto Hanep ang yong liriko, liriko Niccolo, Niccolo, ang isipan **** magulo Sa larangang paborito Kakaibang istilo mo, Niccolò
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 9:02 AM UTC
Niccolo di Bernardo di Machiavelli
Gusto kita, ilang ulit ko ng binigkas ang mga salitang paulit ulit sa isipan ko tuwing umaga sa pagdilat ng aking mga mata, tuwing sasapit ang gabi kayakap ang unan habang iniisip ka Pinipilit itali at ikulong itong pakiramdam Na walang ulit ang pagsabog pero pahapyaw lang. Dahan dahan lang sabi ng puso pero pag hindi na ginamitan ng utak ito’y bigla na lamang titibok ng walang humpay at sa pagtibok nito kasabay ang pagbigkas ulit sayo - gusto kita. Sobra. Ang dami kong tanong, araw araw ako nagtatanong, nagiisip ng bakit, pano, ano? Ano ba talagang tama ko sayo? Pogi ka pero di naman ako mahilig sa pogi. Pangit ba ko, anong mali sakin bakit hindi ko makuha ang iyong pagibig? Hindi ba may mga bagay naman na ayaw natin nung una pero nagugustuhan din sa huli. Ako kaya? Kelan yung oras na ako naman yung gustuhin mo. Gusto ko na malaman, ibigay mo na sakin kasi nababaliw na ko.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 7:01 AM UTC
Gusto Kita
Naranasan nyo na bang ma fall sa kaibigan? Tipong di mo inaasahan, Tapos bigla mo na lang naramdaman Yung mapapasabi ka na lang na, ay shet! Mahal ko na si Fren! Hindi mo naman talaga ginusto Pero humantong ka sa ganito Sabi mo pa nga, "Never akong mai in love kahit gaano pa to ka gwapo" Eh halos buong araw sya palagi bukang bibig mo Yung totoo? Kaya't wag ka nang magkaila Nakita kayo ng aking mga mata Doon sa may eskinita Ang sweet nyo pa ngang dalawa Pero minsan naisip mo ba? Na magkagusto sayo ang tulad nya? Mukhang imposible talaga yata Maganda ka naman, pero sabi nya sakin, pogi din daw hanap nya
0
Dec 7, 2018
Dec 7, 2018 at 8:20 AM UTC
CARLOS MIGUEL