Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinatibok" poems
Minsan ako'y napapaisip kung ako'y mamahalin mo, At lalo na't nararamdaman ko sayo'y labis na totoo. Higit pa nga ito sa iniisip mo. Ano man ang mangyari masasabing 'di ako susuko. Lalo na't nalaman ang kahulugan ng pag-ibig sa ngalan mo. Kahit gumuho ang mundo, masira man ang daigdig, Ipinapangako sayo ako'y mananatili. Tignang maigi unang letra ng  mga taludtod At nang makita ang mensahe nitong pusong iyong pinatibok.
0
Jul 20, 2017
Jul 20, 2017 at 8:09 AM UTC
Unang Letra
Tanong nila bakit daw ako nagpupuyat. Sabi nila masama daw ang magpuyat. Nakakadami daw ng pimple. Magkakasakit ka, at kung ano-ano pa. Pero may tanong din ako sa kanila. Masama pa din ba magpuyat, magkaroon ng madaming pimple at magkasakit kung Ang dahilan naman ng pagpupuyat mo ay para makausap ang taong mahal mo? May mga bagay pala talaga na kahit masama ay nakakabuti din pala sayo minsan. Lumalalim na ang gabi, lumalalim na din ang koneksyon nating dalawa. Mga bagay na napagkekwentuhan ay dumarami. Mga ngiti na sa aking labi ay dumadampi. Mga lungkot na sa pagpapatawa mo ay napapawi. Mga ilusyon ng nakalipas ay sa akin dumadalaw. Mga ka-abnormalan mo na nakakahawa. Pinatibok mo pati ang puso kong kawawa. Mga pusa sa labas na ngawa ng ngawa. Mga daga sa aking dibdib na kinikilig at nagwawala. Kasabay ang ating walang humpay na pagtawa. Mga araw na hindi nakakakain para lang ikaw ay makausap ng matagal. Ngunit pinupuno mo naman ang aking tiyan ng mga paru-paro ng walang angal. Mga senyales na sana ito na ang sagot sa aking mga dasal. Ipupusta na lahat kasama ang aking dangal. Na ikaw at ako ay hanggang kasal. Hindi ko namalayan na ako'y nahuhulog na pala sayo sa sobrang daldal. Na tanging bukhambibig ko na lamang ay ang mga salitang balbal. Sa sobrang kakaisip sayo habang naglalakad ay muntik pang mahulog sa kanal. Nakakatawa pero wag sana ako masiraan ng bait at dalhin sa mental ospital. Nagmamakaawa at nananampalataya sa nag-iisang banal. Madaming bagay na magkapareho tayo. Sa pagkain, sa kalokohan, sa musika, sa mga bagay na kinaiinisan. Kahit mismo sa pananalita ay gayang gaya. Tadhana na nga ba ito? Maniniwala na ba ako sa mga kathang-isip na iyong dulot? Hindi ko alam, hahayaan ko na lamang na ako ang dalhin ng nararamdaman ko kung saan nito ako gustong dalhin. At mas sigurado pa ako sa sigurado na walang ibang pupuntahan kundi palapit Sayo. Sayo na siyang dahilan kung bakit ako nagpupuyat.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:38 PM UTC
iBags

Continue reading...
31
Leron, leron sinta Kay tagal kong hinanap Sa lahat ng sulok, sa lahat ng kanto. Bawat bulong, bawat banggit Baka sakaling maituro sa akin Ang pangalan mo. Buko ng papaya Natatangi sa 'king paningin Ikaw ang dahilan Kung bakit may kaba sa dibdib May tamis ang ngiti May kislap ang mga mata. Dala-dala'y buslo Nilalaman nito'y puso Pusong minsan nang nabigo Ngunit pinatibok **** muli Tangan ng aking mga kamay Nanganganib na ibigay Sa 'yo. Sisidlan ng bunga Duyan ng mga pangarap Mga alaalang ipipinta pa lamang Sa hinaharap na sana'y Sasalubungin ko Na kasama ka. Pagdating sa dulo Matapos ang lahat ng dasal Pananalangin sa Maykapal Nakabitin sa gilid ng bangin Handa nang mahulog O matagal nang nahulog? Nabali ang sanga Pumutok ang bula Natunaw ang tuwa Nabasag ang pag-asang Pinanghawakan At iningat-ingatan. Kapos kapalaran Minalas lang ba O sadyang malas na talaga? Malupit ang tadhana. Sa gulong ng palad Parang laging nasa ibaba. Humanap ng iba Hindi ngayon, hindi bukas O kahit sa susunod na linggo Pero balang araw Magtatapos din Sa masayang wakas.
0
May 8, 2015
May 8, 2015 at 1:20 PM UTC
In Other Words: Leron, leron sinta