Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Reign Remetio Dec 2016
Mga pangako **** nakakaakit,
Mga pangako **** nagpapangiti saakin.
Ang pangako mo saakin na "Hindi kita iiwan."
Ang pangako mo saakin na "Hindi kita kayang saktan."
Ang pangako mo saakin na "Tiwala lang sabay tayong tatanda."
Ang pangako mo saakin na "Tayo'y magpapakasal pa at bubuo ng masayang pamilya."
Ang pangako mo saakin na "Ikaw lang at wala ng iba."
Ngunit bakit? Bakit lahat ng pangako mo ay napako? Nasaan ka nung mga panahong nahihirapan na ako? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng atensyon mo? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ng iyong oras? Pasensya na kung maraming tanong na sumasagi sa aking isipan. Pagkagising ko may iba ka na pala di mo manlang nabanggit saakin sobra akong nalungkot nung mga panahong iyon.

Napakatanga ko dahil ako'y naniwala sa mga matatamis **** salita.
Napakatanga ko dahil minahal pa kita.
Napakatanga ko talaga! Bakit pa kasi kita nakilala?
Ang hirap kalimutan ng mga masayang ala-ala nating dalawa, Napakasakit! Sobra parang tumigil ang aking mundo simula ng ika'y nawala.

Naalala ko pa noon lagi mo akong pinapangiti sa tuwing ako'y malungkot.
Lagi mo akong dinadamayan sa aking mga problema.
Lagi mo akong kinukulit at nilalambing.
Miss ko na ang mga panahong iyon, Yung mga panahon na napakasaya nating dalawa para bang wala na tayong pakealam sa mundo.

Bakit ganon? Bakit sa isang iglap bigla nalang itong nawasak?
Bigla ka nalang nawala ng parang bula.
Bakit naging kabaliktaran ang lahat?
Bakit bigla mo nalang ako iniwan ng walang dahilan?

Hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mga mata.
Bakit kasi iniisip pa kita?
Bakit hindi ko parin matanggap ang nakaraan?
Bakit hindi parin kita makalimutan?
Ang hirap hirap **** kalimutan! Bakit?
Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon nagpapakatanga parin ako sayo!
Masaya ka na sa piling ng iba diba? Hindi ko na guguluhin pa.

Kitang-kita ko sa iyong mata kung gaano ka kasaya sa piling niya,
Kung gaano mo siya kamahal,
Kung gaano mo sya iniingatan.
Katulad ng pagtrato mo saakin dati.
Bakit kasi ikaw parin?
Ikaw parin yung taong mahal ko?
Diba dapat na kitang kalimutan katulad ng paglimot mo saakin?
Kelan ba kasi ako mamumulat sa katotohanan na wala na tayo?
Kelan ba ako makakalimot?

Hanggang ala-ala nalang ba ang lahat?
Euphrosyne Mar 2020
Madami na akong nabasang libro
Ngunit ikaw parin ang hinahanap kong kwento na nais balik balikan
Na hindi magsasawang basahin muli
Mga pahinang ikaw lamang nagbigay sa mga labi ko ng ngiti.

Bawat kabanata nitong libro bawat pagbasa ko ng mga pahina, pinapangiti mo ako muli,
Na para bang andiyan ka lang sa aking tabi.
Pinapa ulan mo ang aking mga mata tuwing....
binabasa ko ang kahapon.

doon ko lang natuklasan na kaya ko palang magmahal ng tapat sa mundong ibabaw na puro kalokohan lang ang inaatupag ko.

Hindi ka ba masaya? Na binabalik balikan ko angĀ  hindi makatotohanang kwento,
Na hanggang pahina at kabanata nalamang sila magiging totoo.

Masakit, pero kailangan natin tanggapin, ako, ako lang pala, ika'y lumisan na
Napunta ka na sa ibang pahina
Ako, ako andito pa
Iniwan mo sa alaala nating dalawa

Pwede ba magsabi ng totoo?
Kahit na sobrang gulo,
sasabihin ko sayo
Ikaw ang nag-iisang tahanan ng naliligaw kong pagkatao.

Etong mga pahina... nagiwan ng bakas sa puso kong bukas
Na inalay ko sayo gamit pa ang aking mga kamay na kitang kita ang bakas,
Bakas ng kahapon na sinaktan ako
Sinugatan ako ng taong minahal ko
Na pinalitan lamang ng saksak sa puso.

Itong mga pahina't kabanata
Na nagpapakita
Na mahal parin kita
Subalit nasa ibang libro ka na.

Alam kong tapos na
Wala nang tyansa
Kaya't ibabalik nalamang kita
Sa aking istante
Na madaling hanapin
Kapag nais ko muling basahin
Ang kahapon na sinulat natin.

Mga pahinang babalik balikan,
Mga kabanatang hindi makakalimutan,
Librong tayong dalawa na ako nalamang
Ang gagawa ng paraan para protektahan
Konting comeback lang sa tagalog. Spoken word poetry talaga siya pero nahihiya ako magsalita kaya hanggang dito lang hahaha.
Isinulat ko ito hindi para mabasa mo
Ito ay paalala sa sarili ko
Kung anong meron tayo
Na hanggang dito lamang ako

Ipinagdarasal ko na sana ikaw na nga
Ang sa akin ay nilikha at nakatadhana
Hanggang sa pagtanda ay makakasama
Kabiyak sa Hirap at ginhawa

Ngunit sa kabilang banda
Realidad ay sa aki'y bumabangga
Ako ay kaibigan lang pala
At hindi maaaring lumagpas sa linya

Hindi ko alam kung bakit ikaw
Ang sa atensiyon ko ay pumukaw
Sa puso ko ay umagaw
At sa buong pagkatao ko'y sumaklaw

Sinusubukan kong sayo ay lumayo
Ngunit Ako'y pinapangiti mo
Mabigat na araw ko ay humahayo
Araw ko'y muli **** kinumpleto

At heto nanaman ako
Gusto ko tayo pero mukhang malayo
Imposibleng maging Ikaw at ako
Iyong mga mata'y nasa kabilang dako

Hanggang dito lamang at aking lilimitahan
Upang Hindi masaktan
Sa sampal ng katotohanan
At magising na lamang kinabukasan

Makita kang masaya at masigla
At sa akin ay ibinabalita
Ang natagpuang pagibig sa iba
At makita kung gaano kayo kaligaya

Wala na akong ibang hiling pa
Na tunay na pagibig ay iyong makamit na
Ating pagkakaibigan ay manatili sa tuwina
Dahil ito lamang ang sa aki'y matitira
Zg Mar 2019
laging andyan pag kailangan ng kasama
pinapatawa,pinapangiti na parang walang nakakakita
pinapasaya dahil ayaw makitang malungkot **** mga mata
ngutin hirap **** pasiyahin pag sya na ang iyong problema

minahal kita ng palihim
habang ikaw ang may ibang kapiling
nakikitikim ng kaunting saya at lambing
dahil sa huli, di kita matawag na "akin"

pero andito lang ako pag kailangan mo
handang pasiyahin ka hangat kaya ko
kahit umulan o bumagyo
pupuntahan ka kahit hangang sa huling hinga ko

mahal kita, yan lang ang masasabi ko,
kahit na kaibigan lang ako para sayo...

— The End —