Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinadala" poems
margaret Langit ang nagbigay biyaya nang ambon ay dinilig Ang aking hiling sa panginoon ay biglang nadinig Pinadala ang anghel na sa mundo ko’y yayanig Tinawag ng ng kanyang tinig, at Napatulala sa mga Titig Maari bang malaman ang yong pakay sa akin Kung ikaw ba ay pasakit at tuluyan na akong wawasakin? Laging kong tanong kung ano ba ang dapat kong gawin Kung ang kahulugan mo ay kabiguan patuloy pa ba kitang iibigin? Nagtatanong kay Bathala, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga Nitong pagmamahal na kung bakit sa puso kumapit ka ng kusa Ako’y nagtataka’t di maka paniwala Bakit ito ang yong ginawa Sa bigay **** biyaya, Ano ba ang kasalanan ko  para isinumpa Gaano ba kita pinapahalagahan? Alam mo ba ang dahilan? Hiling ko lang ay sanay iyong maunawaan itong nararamdaman Kaya ang paliwanag ko ay simple nalang Masikip dito sa loob ko, kaya ang kasya ay ikaw lang Alaalang bitbit pano ko makakalimutan Kung Sa puso koy nakaukit  ang yong pangalan Ibinalot ng tatag ng loob para ika’y ipaglalaban Di kita hahayaang lumuha lagi kang aalagaan. Nagaabang ng sasakyan para dalhin sa langit, iwan ang mundo Nakikiusap Pagbigyan sana Hiling makamit, Anghel na sundo Saan nga ba tayo patungo? Byaheng langit sa impyerno, Sa isipan kong magulo, Kasinungalingan ka ba o Totoo? Linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyo Tuluyang Hinamon Ang matapang na puso Sayo napalapit at ayaw nang lumayo Ang silakbo ay di na kaya, kayang isuko kahit ano dito sa lupain ay handa kong ialay Pagkat ang langit sa akin ay una mo nang binigay Ang halaga mo sa akin ay Walang katumbas na materyal Dahil Di kayang sukatin kung gano kita kamahal
0
Sep 25, 2018
Sep 25, 2018 at 12:04 AM UTC
Margaret (Anghel Ko)

Continue reading...
33
Maganda ka pa rin. Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipin at pilas ang maganda **** pisngi. Maganda ka pa rin. Kahit hirap na kitang makilala. Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin. Maganda ka pa rin, aking asawa. Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin, mahal kong asawa. Bigla ko tuloy naaalala, noong hindi pa tayo magkakilala. Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo. Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner. Parang stalker. Tinitignan kita. Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligayahan nang ikaw ay magpasyang mag-fulltime. Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig, At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA. Pero, mahal na kasama, ngayong gabi, ibig sana kitang sarilinin. Tayo lang sana ng mga anak natin. Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin? Pwede bang dito ka muna sa amin? Oo, alam ko, di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado. Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama. Kaya't kasama nila, bubuhayin ko ang iyong alaala. Bubuhayin namin ang iyong mga alaala. Ang huling araw na ikaw ay nakasama. Ang huling text message na iyong pinadala. Ang iyong mga aral at mga hamon. At batid naming lahat saan ka man naroroon. Tiyak namin san ka man naroroon. Tumatawa ka nang malakas, tinatawanan mo ang mga ungas. Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila. Nabigo silang ika'y patahimikin. Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain. Akala nila nagwakas, Pero tumutupok pa rin ang sinindihan **** ningas. At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas. I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 1:00 PM UTC
Maganda Ka Pa Rin, Kasama

43
Sabi nila ngayon ay buwan ng mga makata, mga matatalinhagang salita, mga boses na nilikha Ako ay umaasang batiin mo, sapagkat ang aking mga tula ay bakas ng iyong paglaho Wakas. Maraming sulat na pinadala, sa mga taong hindi kilala, nagbabakasakali lamang ako, na magkamaling sulatan ka 1700 Alala ko pa ang mga araw, na ikay pinagmamasdan, sapagkat ika'y isang gantimpala na hindi ko makakamtan Marahil ako lamang ang naniwala, marahil ako lamang ang saksi, marahil nga'y binuo ka lamang sa aking guni guni Sabi na nga ba! Ako ay kulang, tila rosas na binili lamang sa daan, mula sa batang walang mapagbigyan, ako'y napagdiskitahan *lilipas ang araw matutulog ang gabi* Dahan dahan akong inikot, binuhol nang binuhol, magaantay na lamang sa aking pagsibol bukas, makalawa Ako ngayo'y rosas na sa iba
0
Apr 6, 2016
Apr 6, 2016 at 11:21 PM UTC
Tinik
BY; ELVIN ADO SIMULA PAGKAMUS-MOS PAGKAKAALAM KO AY SA LANGIT LANG MAKIKITA, PERO SA LUPA’Y PWEDE RIN PALANG MAKITA, KAYA HALINAT BASAHIN ANG AKING TULA, TUNGKOL SA ISANG ANGEL NA PINADALA NI BATHALA SA LUPA. DAPIT HAPON, NAGLALAKAD MAG-ISA SA LUGAR KUNG SAAN PURO KAHOY ANG MAKIKITA, TAHIMIK , LUNTIANG PALIGID ,MGA IBONG NAGSASAYAWAN SA SANGA NA NAKAKABIGHANI SA MGA BILOGAN KONG MATA, MGA HUNI NG IBON NAGPAPAIGTING NG TAINGA, PERPEKTONG LUGAR PARA ILABAS ANG MGA PROBLEMA. TINGIN SA KANAN ,TINGIN SA KALIWA, HANGGANG SA NAHAGIP ANG HINDI PAMILYAR NA MUKHA, NAPAKA-AMONG MUKHA NA TILA BA ISANG DIWATA, NAPAKO ANG MGA MATA MULA ULO HANGGANG PAA, KARIKTAN NA SA BUONG BUHAY NGAYON LANG NAKITA, MAGULONG ISIP AY NAPALITAN NANG KUNG ANONG SAYA, PAA’Y DI MAPIGILAN LUMAKAD MAGISA, PATUNGO SA ISANG PRINSESA NA NGAYO’Y NASA HARAP KO NA, SARILI’Y DI MAPALAGAY KUNG BAKIT IBA ANG NADARAMA, KABOG SA DIBDIB AY IBANG-IBA. NGAYON AY KAYLAPIT NA NAMING DALAWA, BIBIG AY BIGLANG NAGSALITA , AT LUMABAS ANG KATAGANG ANGHEL KABA? SIYA’Y NAPATINGIN AT NAKITA KO ANG MAPUPUNGAY NIYANG MATA. MALA ANGHEL NA TINIG NA LALONG  NAGPAANTIG NG KABA, ANO BA TONG NADARAMA PAGIBIG NABA, TILA BA SILI NA KAY BILIS MADAMA, MGA LUNGKOT AY NAPALITAN NANG  SAYA. SA UNANG PAGKAKATAON UMIBIG ANG MAKATA, PERO ISANG SAGLIT DUMILAT ANG MATA, NAPAGTANTONG LAHAT AY PANAGINIP LANG PALA, AKALA’Y  LAHAT AY TOTOO NA SA ISANG IGLAP AY NATAPOS NA.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 6:16 AM UTC
" ANGHEL"