Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Oct 2021
Lilisan na muna sandali
Iidlip lang ng maikli
Para sa bukas na papakli
Makayanan ko muli

Ayos lang ang aking lagay
Heto't sabay sa tangay
Sa mga nakabibinging ingay
Sa mundong patay na ang kulay

Umiiwas na mag alala
Nagpapanggap na abala
At kahit walang napapala
Gagawin upang makawala

Magaling na mandaraya
Sarili ang dinadaya
At sa tuwing tinutuya
Buhay ang tinataya

Tumawa ng malakas
Na waring wala ng bukas
Hala! piliting pumiglas
At sa sarili ay tumakas

Ang araw ay natapos na muli
Paalam muna sandali
At ang aking minimithi
Ang bukas ay di na papakli

-JGA
aiya Apr 2021
ilang taon na ang nakalipas at wala akong naisulat na kahit na ano
sa lahat ng nangyari, sa lungkot, sa ligaya,
hindi ko magawan ng kahit simple lang na tula.
parang naubusan ako, para bang naubos ako.

pilit kong sinusubukan,
ngunit napagod lamang ako.
napagod piliting may maramdamang malalim,
sa mga panahong pakiramdam ko hindi ako karapatdapat makaramdam ng kahit ano.

ngayong sa aking pagbalik, nais kong makasalubong ang dating ako.
sana sa panahong ito, mahanap ko muli ang sarili ko.
04012021 / 0438
Wick Jan 2023
Wag piliting magmahal ng iba
Pag sarili ay di pa kayang mahalin
Bigyang kahulugan ang sariling talata
Ito’y sa iba huwag hanapin
Pagkat ang malabong imahe
pag binigyan **** kulay,
sadyang malabo parin.

.
Louise May 2024
Kumain ka na ba?
Anong oras na.
Oras na para kumain.
Umupo ka na, 'wag mahiya.
Para sa'yo lahat itong nakahain.
Isang oras lang.
Pero busog ka na ba?
Isang oras pa.
Merienda lang, mahal.
Kahit pa hanggang almusal.
Pasensya ka na, ito lang ang hiling.
Hindi na nanaisin pa na ito'y patagalin.
Pwede na ba akong umalis?
Hindi na aasamin na lalong magkamali.
Boses mo ang siyang multo at baon ko.
Ang mga mata ko'y suki ng alaala mo.
Mali ang ito'y piliting maging tama.
Tama na siguro ang muntik na.
Plato at kubyertos ay iligpit na.
At ang basura ay aking susunugin na.
Kutsara at baso ay itago na.
At ang alaala natin ay kalimutan na.
Merienda cena, hindi na sana.

— The End —