Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"papahalagahan" poems
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang ating kwento. Hindi ko din alam kung kaya ko bang ikwento. Pero eto ako kahit ayaw ko sige pa din sa pagsulat, inilalabas lahat nang nakatagong kwento, mga alaala mga pagkakataon na pilit kinakalimutan ng utak pero ayaw lumimot ng puso. Ganun na lang ba palagi? Tila lagi na lang nagtatalo yung puso at isip pagdating sayo? Ang swerte mo naman puso’t utak ko gumugulo pero ako ba sa’yo ay ano? Tatlong taon. Tatlong taon na ginugulo ng pangalan mo ang mundo ko. Na tila ba parang ayaw kang bitawan ng sistema ko. Siguro ay dahil nasanay na ako. Ano pa bang magagawa ko? Eto talaga yung totoong nararamdaman ko. Pero ano? Tatlong taon din na binabalewala mo. Baliw na yata ako. Ayaw ko na. Pagod na ako. Dahan dahanin ko na yung paglayo ko sayo. Oo. Lalayo ako at pipilitin kong umahon mula sayo. Ang pagmamahal kong ‘to nagpapalubog sa sarili ko. Kailangan kong bumangon at sa pagkakataong ito hindi na ako iiyak. At kailanman hindi na bibisitahin ang mga alaala mo. Tama na. Sa pagkakataong ito ay ako naman. Papahalagahan ko na yung sarili ko na sinayang ng ilang taon sayo. Babawiin yung mga luha sa pamamagitan ng pagngiti sa paparating na mga araw na ito. At unti unting kakalimutan ang pag ibig na binasura mo. Mahirap sa simula. Pero pipilitin ko. Lahat ng puyat ko sayo babawiin ko sa pagtulog sa darating na mga gabing din ito. Eto na yung huli. Eto na din ang bagong simula. Nang bagong ako.
0
Jun 11, 2019
Jun 11, 2019 at 1:14 AM UTC
Ikaw, at ang bagong Ako
Simula ng makilala ka, Buhay ko'y sumisigla, Lagi akong masaya, Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng tuwa at ligaya, Aking pagsinta, Bakit nga ba? Naranasan ko ang mga pambihirang bagay, Ang mundo ko'y naging makulay, Binuhay mo ang diwa kong matamlay, Ikaw ang aking lakas, Pinakita mo ang aking magandang bukas, Mula sa simula, gitna, dulo at wakas, Ang isip at puso ko'y iyong pinatalas, Madapa man ako'y iyong hinawakan, Binangon mo ako mula sa lupang aking kinasasadlakan, Napuntahan ko ang dulo ng kalawakan, Ang mga puno't halaman, Ang berdeng kagubatan, Ang ganda ng kabundukan, Lahat ng ito'y aking nasisilayan, Daan ka nga ng pakikipag-ugnayan, Ika'y gamit sa pakikipagtalastasan, Daan tungo sa kaunlaran, Ngunit ako'y nanghihinayang, Dahil ika'y di kilala ng maraming kabataan, Sabi nga nila hindi ka magandang pagmasdan, Di nila namamalayan, Ika'y maaari nilang maging kaibigan, Taglay mo ang naiibang kapangyarihan, Ika'y iniregalo ni Rizal sa kanyang buthing may bahay, Kay Josephine Bracken ika'y ibinigay, "Kempis "ka kung tawagin, Ika'y,"Tagalog Christ" naman para kay Ferdinand Blumentritt. Alam kung di matatawaran, Ang iyong kasiyahan, Kapag ang mga pahina mo'y binubuksan, Mabuti kang sandigan! Sayo nagmumula ang di matatawarang panindigan, at di-natitinag na katwiran, Mabuti kang larawan, Nagsisilbing huwaran, Magpakailanman! Maipagmamalaki kahit saan, Pangako ko ika'y aking dadalhin, Pupurihin, I-ingatan at papahalagahan, Hanggang sa aking huling hantungan, Sayo lamang...... Minamahal kong----aklat!
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 12:10 AM UTC
Sa'yo Lamang

Continue reading...
47
Espesyal ang tula na ito kasi para 'to sa taong gusto ko,pero 'di ko alam kung tulad ko rin ba'y gusto niya ko. Para 'to sa mga taong minsan nang umasa sa taong mahal nila, minsan na naging tanga at minsan na naging hibang sa kanya. Noong una ka pa lang nakita 'Dii pa sumagi sa isip ko na isipin na gustohin ka Hanggang isang araw,nagulat ako dahil lumapit at kinausap mo. Bigla-bigla ka nalang nagkwento at sobrang nanibago ako sayo. Ang daldal mo rin pala! Sigurado magiging magkasundo tayong dalawa Hanggang sa mga sumunod na araw at buwan Dun ko lang na pagtanto na magiging kuntento na pala ako Magiging kuntento na pala ako sayo. Ang dami nating gusto Pero ang pinaka paborito talaga natin ay ang sabay mag-timpla sa anumang oras ng "Kape" Wala tayong iniintindi basta may ikaw at ako at ang mainit nating kape na pilit nating itinatanong Kung bakit nga natin ito naging paborito? Kung bakit nga ba kita gusto? Sabay mag kape at nag-kukwentuhan ng kung ano-ano lang para humaba lang ang ating usapan habang nakatingin sa kalangitan. Hanggang isang araw nagbago nalang ang ihip ng hangin at mayroong 'di maipaliwanag na kadahilan at bigla nalang ako sayo'y tumabang Bigla-biglaan na may dumating na iba at gumambala sa anumang mayroon sa ating dalawa. Yung dating ikaw at ako lang,napalitan ng siya at ikaw nalang Kaya ako nalang ang nagparaya at dumistansiya Para maging masaya ka na. Kahit ang totoo,mas masaya ka naman sa akin talaga. Pero 'diko na pipilitin pa Na mapasa akin ka pa Diko na iisipin pa kung sa paanong paraan kita mababawi sa kanya At kung paano ka babalik sa piling ko habang nasa piling ka pa niya. Diko alam kung pa'no? Hirap maki-pag sabayan at makipag unahan sa taong sa iba nakalaan Hirap maki-pag agawan ng oras at atensiyon mo habang may nagmamay-ari na sayo. Siguro nga natakot lang akong sabihin sayo ang totoo Na gusto kita! Kahit alam ko may gusto kang iba! Na alam ko iba ang hanap mo at hindi 'yun ako Hindi mo ko makita kasi kahit kailan 'di mo ko magugustuhan Kahit kailan 'di mo ko papahalagahan Kahit kailan 'di mo ko kayang mahalin kasi ako'y kaibigan lang At kahit kailan 'di mo kayang mahalin ako tulad ng pagmamahal na napapadama ko sayo Pero ok lang. Sumusuko na nga rin ako sa kakahintay Pero itong puso pilit paring umaasa na baka pag nalaman mo ang totoo baka magustuhan mo rin ako Baka bumalik ang oras na para bang may "Tayo" Kahit ang totoo ang turing mo lang naman sa akin ay kaibigan mo Kaibigan mo na patago na umiibig sayo Na hanggang ngayon wala ka parin ka alam-alam na ito'y seryoso. Walang biro. Kaibigan mo na laging nandyan sa tabi mo, Pero iba ang hinahanap mo. Iba ang gusto mo. Sana ako nalang! Sana tayo nalang! Sana magkaroon ako ng pagkakataong maging tayo Nang sa ganun ay 'di na mahirapan pa na umasa pa sayo Umasa na mamahalin mo Umasa na magiging ikaw at ako Pero salamat nalang dahil naging parte ka ng masayang ala-ala ko Salamat kasi naging maganda kang inspirasyon ko Dahil kung wala ka at kundi dahil sayo Di ko mabubuo ang ako sa pagkawala mo Sa piling ko.
0
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 7:54 AM UTC
" Sana Ako Nalang "

60
Ang pag ibig ko sayo ay hindi magbabago hanggat andito ako ikaw lang ang mamahalin ng ganito dahil ikaw lang din ang nagiisang babae sa puso ko, Hindi sadyang akalain ang tadhana pinagtagpo sa atin At ang pagkakataong ito ay aking papahalagahan hanggang dulo, Wala ng hangad pa kundi ikaw ay makasama At dahil sayo ikaw ang nagbigay saya at buhay sa puso ko,
0
Jun 5, 2016
Jun 5, 2016 at 4:37 AM UTC
Umiibig
Mali ba ako? Ang salitang palaging gumugulo sa isip ko. Ang katagang paulit ulit namumutawi sa akin kahit hindi manggaling sa bibig ko Mali ba ako? Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko? Pagkakamali ba lahat ng nagawa at naging desisyon ko Mali nga ba ang mga bagay na sinabi at pinadama ko sa isang tao Mali ba ako? Mali nga ba sabhin ang laman ng puso at isipan ko Dapat nga bang di ko na inamin ang totoong nararamdaman ko Dapat bang iniwasan ko na ang mahulog at pahalagahan siya sa maikling panahon Dapat bang hindi na ako ngtiwala at umasa na mamahalin at papahalagahan din ako Mali ba ako? Mali ba na magalit ako sa mga salitang binitawan mo Na ang maikling panahon na kasama ako ay ako lamang ang may gusto Na napilitan ka lang pakisamahan ako Na ang pilit **** ipinadama sa akin ay pawanag kasinungalingan lahat Mali nga ba? Mali naman tlgang nakilala kita ang pilit kong sinasabi sa sarili ko Na tayo ay hindi pwede at ng panahon na yun ay kailangan mo lng ako Na ngayon maayos kana at basta mo nalang ako iniwan sa isang tabi. Mali lahat ng bagay na naramdaman na pilit tinatanong ang madaming bakit sa sarili ko Na bakit ikaw pa ang pinili ng puso na mahalin Kaya ngayon kay hirap mabuo ang sarili ko na pilit na sinira ng taong binigyan ko ng importansya Mali talaga. I admit it. Its my mistake to assume things are meant and we have the same feelings as what couple usually do. It’s my mistake to fall for you when all you want is just a friend who will understand everything and will remove all the sadness your feeling right now.
0
Aug 29, 2018
Aug 29, 2018 at 11:33 AM UTC
Mistake

25
Takipsilim na pala Lilisan na ang araw. Sa pag palit ng dilim. Ikay patuloy papanuorin Hindi mangangawit ang aking mga mata. At Hindi magsasawang pag masdan ka. Sa iyong paglaho kelangan ko na din sumuko. Hanggang sa huling sinag mo. ikay papahalagahan ko. Poem#22
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:51 PM UTC
Takipsilim