Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
NadPoet Mar 2018
bayan kong mahal sayo'y ibibigay ang aking buhay
ipaglalaban ang aking katwiran at karapatan
ipagsisigawan ang salitang pagkakaisa at kapayapaan
ngunit bakit sa lahat ang may hadlang?
tuluyan na bang nabaon sa nakaraan ang kapatiran?
mas nanaisin ng karamihan ang kaginhawaan para sa sariling kapakanan
ang paggiging  makabayan ay bibitawan nalang kapalit ay maging sa sariling alipin sa bayan
magbibingi bingihan na lamang sa mga maling nasaksihan sa mga taong naka upo sa mataas na upuan
ang mali ang nagiging tama ang tama ay mailap ng makita
anung silbi ng mga pinaglalaban kung ang lahat ayaw makipag laban?
sakim sa sarili at sarili lang ang mahalaga
wala na ang mga bayani patay na!
kailan may walang tunay na kalayaan sa ating bayan
dahil ang lahat ay ang nais lang ang sariling interes at kapakanan
nasayang lang ang watawat na hinabi ng ating mga bayani
hindi pagkakaisa ang nasa ang nasa isipan kundi paano maka isa sa lahat
bayani ba ay isang nalang alamat?
wala na bang mag aangat at magsasabing dapat ipaglaban ang karapatan?
nagiging mahirap ang mahirap at sa pera silay salat
ang mayaman ay nagtataas ng bakuran upang di makita ang tunay na kalagayan
iiyak na lamang ang mga tunay na nagmamahal sa bayan
wala na nga ang tunay na kahulugan ng kapatiran
di na isa ang bawat kulay ng watawat kundi ito'y kulay kung saan ka dapat mabilang
naging pangkat ang kulay, naging simbolo na ng watak watak na paniniwala
di na siguro magiging buo ang kulay ng watawat ang kapayapaan ay di magiging sapat
wala na! hindi na magiging isa ang mga pulo ng bayan
nagiging paligsahan na lang kung sino ang magiging una at tatawanan ang talunan
sa inaakalang laban ng pinaka magaling, di man lang maiisip na pagkakaisa sana
bayan kung magiliw paanu na? di na ba magkakaisa?
o sadyang mailap na talaga ang tinatawag na pagkakaisa.
patulong sa pag ayos ng letra. salamat
cleann98 Mar 2019
Hindi biro ang apat na taong ibinuhos sa iisang paaralan. Lalo na kung sa halos bawat pumapanaw na araw sa apatnapung buwan ay iisa lang ang itinatahanan ko't parang nakakulong pa sa iisang bahay sa tuktok ng iisang bundok.

Hindi birong sa haba pa lang ng apat na taon naging lipunan ko na ang Regional Science High School III. Tahanan. Mundo.

Hindi rin biro na sa pagbukhang liwayway sa akin ng ikalimang taon ay saka pa nagbago ang ikot ng mundo ko.

Sabi ng isang dating sikat na makatang si William Shakespeare noon na ang buong daigdig natin ay tila isang tanghalan at lahat ng lalaki't babae dito ay mistulang mga manananghal lamang. Sila'y umaalis at lumalahok ng walang pasinaya, madalas wala ring paalam...

Totoo nga, pabara-bara lang.

Bago ko pa man namalayan naging dayuhan agad ako sa sarili kong tahanan. Sa unang pagkakataon matapos ng apat na taon na umalis ang mga ilaw at tala na nakasanayan kong tingalain, pagmasdan, nakabibigla.

O baka matagal lang kasi talaga akong malapit sa gitna bago ko naranasang maitulak sa bandang dulo.

Sa tuwing itinatanong sa akin ng mga kaibigan ko sa Junior High School kung ano ang masasabi ko sa nakaraang dalawang taon ko sa RS bilang mag-aaral sa Senior High School; madalas sinasabi ko lang ay nakabibigla. Para akong namalinguyngóy sa wika na halos buong buhay ko nang sinasalita.

Lalong lalo na dahil palagi pang ipinaaalala sa akin ng mga taong nasa paligid ko na matagal na dapat akong umalis sa paaralan na ito. Ang pagpili ko sa STEM education o Science, Technology, Engineering, at Mathematics strand sa Akademikong trak ay isang pagkakamali at aminado ako dito. Kung tutuusin hindi talaga biro na ako ang tunay na 'alien' sa SHS ng RSHS.

Kaya mahirap ang Calculus at Physics at Chemistry para sa akin. Hindi ko ipagkakaila. Mahirap ring makitungo sa mga tipon-tipon ng mga nagsisikap maging bihasa sa larangan ng medisina kung ang gusto ko lang naman ay maging bihasa sa pisara. Higit din sa minsan ay nakahihiya na rin ipaliwanag pa kung bakit hindi ako nagtataas ng kamay tuwing tinatanong kung sino ang nangangarap maging doktor sa kinabukasan. Uulitin ko, nakahihiya.

Nakababalinguyngóy patagal ng patagal, habang lalong nagiging dayuhan ako sa paaralan na ito... Umabot ako ng hanggang ikalabindalawang baitang bago mapansin na masyado nang malaki ang distansya ko sa mga bagong bituin na dapat nasa paligid ko pa rin.

Maging tapat lang din, nakahahanga talaga ang pagniningning nila. Ang mga kaklase ko, bihira ko lang pinupuri pero tunay ang hiwaga nila, kahit sa mata ko lang.

Oo, dati inisip ko rin na habulin ko ang mga sinag ng aking mga kamagaral, pero kung nasaan ako ngayon, siguro nga mas pipiliin ko na ang kinalalagyan ko.

Itinanong na rin sa akin dati ng isa kong kaibigan ito, may advantage ba talaga ang pagpili ko na magaral sa STEM ng RSHS?

Ngayon, sobrang dali ko lang masasabi na kahit wala ako sa gitna ng mga tala napagmasdan ko naman ang mas malaking kalawakan. Kaya sobra rin, may isang napakalaking nagawa sa akin ng SHS ng lipunan ko.

Sabi nga ng mga Astrologo, pinakamalinaw na mapagmamasdan ang kalangitan mula sa pinakamadilim na kapaligiran; at yun ang kinalalagyan ko ngayon. Gaya ng nasa larawan ng isang concert kung saan nasa dulo ako ng coliseum ay nakita ko ang pinakamagandang view na hinding hindi ko makikita kung nasa gitna lamang ako at malapit sa pinakamasinag na hiwaga na meron. Tanging sa gilid lang, kung saan halos wala na akong makita sa inaapakan ko, doon ko lang nakita kung gaano karikit ang dami ng mga ilaw na hindi ko pa naisip lingunin noon.

Saka ko lang napagalaman na mayroon pa palang ningning na malilingon ko sa larangan ng pagsulat ng lathalain. Paniguradong kung hindi ko sinubukan muli na lumaban sa presscon nitong taon hindi ko na ulit mararanasan ang journalism, muntik na akong hindi makalaban sa DSPC at lumaban sa RSPC. Muntik ko nang hindi makilala si Rizzaine at ang ibang mga naging kaibigan ko sa laban na ito. Siguro nga hindi ko rin makakahalubilo ang mga naging kasamahan ko sa the Eagle at ang Sanghaya kung hindi dito.

Hindi ko rin inasahan na mapapalapit ako sa kislap na tanging sa SDRRM at Red Cross Youth ko lamang mararanasan. Nakakapagpabagabag. Matagal na akong lider pero hindi kahit kailan pa man ay nasagi na sa isip ko na mangunguna ako sa isang napakalaking lipunan  na kasing gulo at kasing dehado ng katipunan na iyon. At higit pa rito ay sino ba naman ang magaakala na sasabihin kong naging isang malaki at masayang bahagi ng SHS ko ang ubod ng labong pangkat na ito.

Ang mga kaibigan ko pa. Mga parol sa madalim na sansinukob na hindi ko magawang talikuran at hindi ko rin kayang masyadong malayuan.

Mahirap silang isa-isahin pero silang mga bituin na natulak rin palayo sa gitna ng mundo namin, para silang Polaris, na naging pahayag ng daanan tatahakin ko sa karimlang katakot-takot lakaran. Alam ko na lalayo at lalayo pa sila habang patuloy na lumalaki at lumalaki ang kalawakan ko pero ang hiwaga ng ilaw nila, yun ang hiwaga na hindi mawawala sa mundo ko.

Mahirap maligaw sa tahanang kay tagal-tagal mo nang ginawang mundo. Mahirap madapa sa daanang ilang taon mo nang nilalakad. Nakababahala. Nakababaliw. Nakababalinguyngóy. Pero ang sukdulan lang ng karanasan ko ay gaya lang ng isang simpleng kasabihan 'we do not go there for the hike, we go there for the view.' at tunay nga, sobrang ganda ng tanawin sa gilid ng pagiging estudyante ng SHS.
kingjay Jan 2019
Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan
Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang
Nagtapos sa elementarya na  kabilang sa mataas na seksyon
-Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong

Sa paaralang sekondarya ay namayagpag
Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak
Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na  katalinuhan

Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso
Puno ng mga tala ang mga kwaderno
Di man pala - kaibigan,
Kaklase sa nakaraan ay natatandaan

Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon
Agila naman ang kinabibilangan
Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon
Malapad na balawis, sa pagkumpay sa
dagat ay dumadaluyong

Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin
Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula
Dahil ba kay Dessa o di kaya
talento na Kanyang biniyaya
solEmn oaSis Dec 2015
nang ako na ang nakasalang sa sampu ng aking pangkat
tatatlo nga lamang sa kanila ang nakaka-angat,,,,sapagkat
ako ang pang-apat na nakaupo sa kanilang lahat,,,,,at bagamat
ang bawat isa sa anim ay alamat,sa ika-lima *ako'y nagpasalamat


di man ako lumingon sa tagiliran,,merong gigil ang aninag
di kalayuan,,,ramdam ko-malinaw ko siyang nababanaag
nagmumula iyon sa aking likuran,,, *may puwersa ang kamao ng silay

halos mag-agaw sa pag-alingawngaw yaring tanglaw at panglaw

hanggang sa bumukol ang nauukol
dalawang pugad sa iisang pagpukol
sa tawag ng pagsubok,,di na ako"muli pang pasusukol"
sa aking pagtayo,,di ako aayaw sa lunas na patungkol




[4 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
less than 9 DAYS until Christmas
intuition ~~~ intwisyon
" 9 letter-word "
© copyright 2015 - All Rights Reserved
matapos ang naturang pagbibigayan,,
higit pa sa agenda ang aming napagkasunduan!
" ang umaayaw hindi nagwawagi!
ang nagwawagi hindi umaayaw! "
JOJO C PINCA Nov 2017
Kahapon pagdaan ko sa Angeles City sa Mabalacat, Pampangga nakita ko sila. Sandali kong pinagmasdan ang kanilang pangkat na nagpapahinga sa may gasolinahan. Hindi ko maiwasan na malungkot.

Mahirap talagang maging mahirap, alam mo yung buhay ng isang kahig, isang-tuka, yung kakalam-kalam ang sikmura tapos hampas lupa? Yung hindi nakaka pag-almusal dahil walang pambili ng pandesal, na madalas ay nililipasan ng pananghalian at malimit na nakakatulog sa gabi ng walang hapunan.

Yung dalagitang nanggigitata may sanggol sa tagiliran, nagpapalimos sa gitna ng kalsada, kumakatok sa mga kotse, tinitiis ang nakakapasong init ng tanghaling-tapat. Nakaka-awa ang sanggol walang malay, walang muang, hindi n’ya pa naiintindihan ang kalupitan na kanyang dinaranas.

Ang maka-diyos na lipunan at makabayang mga pulitiko alam kaya nila ito? Ramdam kaya nila ang hapdi ng sikmura ng mga pulubi? Bakit ganito? Ewan ko, hindi ko rin alam ang puno’t dulo, hindi ko rin maintindihan ang lahat. Ang alam ko lang hindi sila nababawasan sa halip lalo silang dumadami habang sinasabi ng mga pulitiko na mahal nila at handang tulungan ang mga mahihirap.
solEmn oaSis Jan 2022
sa paglikha ng tuwina kong katha
madama mo din sana ang kakatwa
ngunit nakasanayan ko nang pagtatwa
hinggil sa himpilan ng tagong lubha

naririnig kahit di man pakinggan
nahihilig saglit kundi man tanggihan
inaaliw pilit ang sarili sa kundiman
bumibitiw singkit kong ngiti panandalian

dahil sa dingding lang ang pagitan
hilahil ng singsing dagliang pasakitan
walang pasakalye kang papanigan
humarang pa sa kalye silang marasigan

sapagkat ang magtengang-kawali
sa pangkat ay sadyang balewala rin
kapit sa patalim talagang tatanggapin
kahit pa maitim pawang palipad-hangin

wala kasing malaking nakapupuwing
ika nga nitong napipintong
pagsalubong
niyong yaong paimbulog na daluyong
tila halinghing, pakiwaring
may naduduling

dagundong ng kulog kung maihahambing
ang gulat na sumilay sa mga mata mo
sa halip ang kalakip yaring halukipkip
namulaga't humimlay di nais matamo

yun bang sa kabila ng pagka tulog-mantika
nakuha pang magbuhat ng silya-elektrika
tagos sa buto ang hiwa ng pahiwatig
halos tanto ang tugatog na matigatig

may tainga ang lupa, may pakpak ang balita
ganyan ko maikukumpara Ang Mala - Palara
na sistema ng isang walang muwang na puwang
pag sa sandaling mag-pasaring ang ingay ng kulay

mala-abokado ang sapak' na mau-uLinigan
mansanas sa pagkapula sa kabalintunaan!
mga paksa na may pasak natutunghayan,
tuwing ang kapas ay sawing masasaksihan

" Ang dapat ay isang Wika sa Magandang ibubunga "
pambihira naman ang mga dalahira ,
wari bagang mapupunong inuugatan !
Martes pakatapos ng Lunes ! Linggo lang ba ang pahinga ?
I was suppose to say that
precious or not
misuse or important
I always neglect the fact
of those direct track
coming from the back
of my splitting spit of my pen
symbolically every now and then
Jun Lit Dec 2018
Nais kong humimlay
ang tibok ng puso
sa saliw ng taludturan
Subalit pipi ang mga daliri
sa pagdiin sa tipaan.
Mga hikbi’y nalulunod
sa naiwang bakas
naghihingalong daing
kalungkutang di-matawaran

Para na kitang anak, at maraming salamat
Itinuring mo akong tila pangalawang tatay mo rin
At sa wika ng sabong, sa lalawigan nating alamat
hindi ka na tatyaw, kundi mahusay na talisayin

Narating mo ang rurok
At iyong hinawakan ang mga alapaap
ng iyong malaon nang pangarap
Sa musmos **** puso
namulaklak ang maliwanag
Sa isip na pinagpala
nagbunga ng pang-unawa,
karunungan at syensya’y para sa madla,
ipamahaging parang kawanggawa.  

Hinahanap ka ng mga kabag
na kinatakutan ng iba
ngunit iyong kinilala’t niyakap:
“Nasaan na si Kuya namin?
Bakit di pa dumarating?
Tutubusin niya kaming pawa
sa panganib ng pagkasira.”

Naghihintay mga bundok at gubat
May luklukan pa sa yungib
kung saan namamahinga ang malayang pangkat.
Subalit tahimik, walang sumasagot . . .
Puyat ka sa magdamag
ng buhay **** makulay at tampok.
Hindi ka sumasagot -
Naabot mo na pala ang tugatog.

          Magkaganun man, malayo pa ang layunin
          Kami’y tutuloy pa sa ating lakbayin
          Paalam kasama, kaibigan namin.
          Mga aral na naiwan, laging aalalahanin.
Dedicated to the memory of James de Villa Alvarez, 21 April 1991-08 December 2018, who perished while on fieldwork as a wildlife biologist on Mount Apo in Mindanao, The Philippines. The poem summarizes my appreciation for him as well as my feelings of sadness and great loss, he being a protege who we expected to continue our science and advocacies.

— The End —