Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"palalayain" poems
Palalayain na kita Mahal. Malaya ka na mula sa hawlang magkasabay nating binuo noong mga panahong ako pa ang kasama mo. Palalayain na kita, mula sa mga ala-alang matagal ding nanahan sa aking isipan. Nakulong. Nakulong ako sa mga pangako **** akong lang. Ako lang ang mahal mo at wala ng iba. Kinulong. Kinulong ko ang sarili ko sa iyo. Sinarado ang pintuan ng puso upang walang makapasok na iba sapagkat ang tanging kagustuhan ko lamang ay tayong dalawa. Ngunit tila ang pintuan ng iyong puso ay naiwang nakabukas dahilan kung bakit may nakapasok na iba. Lumaban, Lumaban ka ngunit sa huli ay sumuko ka rin. Nilabanan ko ang lahat ng sakit para sa iyo sa kagustuhang maibalik ang dati sa atin resulta ng pagkakakulong mo sa puso kong punong puno ng sakit at pait. Pinapalaya na kita dahil sa bawat araw na wala ka sa aking tabi kahit sa aking ang iyong pag uwi ay ramdam kong ayaw mo na. Hindi ka na masaya. Matagal rin akong nanahimik kahit masakit. Pero, huli na ito. Tama na. Nasasaktan ka na. Pero mas nasasaktan mo na ako. Hindi ko na kaya. Sobra na. Sobra na ang sakit ng ginawa **** pag papalaya sa mga pangako **** parang ibon mo lang ay kung paliparin. Ayoko na. Masakit na. Kaya Mahal, palalayain na kita. Hindi dahil hindi kita mahal, kundi  kailangan kong mahalin ang sarili ko dahil ubos na ubos na ako. Mahal na mahal kita, pero tama na. Ang sakit sakit na. Malaya ka na.
0
Feb 28, 2016
Feb 28, 2016 at 11:52 PM UTC
Malaya Ka Na
Aanhin pa ang tula kung tuyo na ang tinta? Sa hangin pakakawalan, palalayain sa Hangganan Handog ng ulirat na wala mang tinig, sumisigaw Nakabalot sa liwanag ng itim na araw Isinilid sa baul na pinalubog sa dagat Balang-araw, lulutang dala ang luhang may alat. Para saan ba ang tula kung walang nakaririnig? Marahil... para sa mga dahong sumasayaw sa tubig Mga bangkang naghihintay ng kahit kaunting ihip Mga kamay na kumakawala mula sa gumagapos na lubid. Aanhin pa ang tulang nakakulong na sa bibig? Aanhin pa ang tulang iwinagli na ng isip? Paalam sa mga tulang tinangay na sa himpapawid Paalam, mga saranggolang inari na ng langit.
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 4:46 AM UTC
EKLIPSE
Tangan ko ang pag-ibig **** pangako Tangan ko ang durog kong puso Tangan ko ang basang panyo Tangan ko ang nawawalang ako Tangan ko ang sirang pangarap Tangan ko, ngayon sadyang kay hirap Tangan ko ang pag-asang ikaw Tangan ko, pag-ibig kong uhaw Bibitaw na ako, siguro nga, tama na Bibitaw na ako, wala ng saysay pa Bibitaw na ako, ayaw ko ng talaga Bibitaw na ako, sana kaya ko nga... Bibitawan na ang pag-ibig sa iyo Bibitawan na ang mga tangan ko Bibitawan na at palalayain ka Bibitawan upang maging ako, lumaya na...
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:58 AM UTC
Tangan Ko't Bibitiwan Na
PAALAM By: Lovely Joy / 26th October 2020 Paalam sa mga pangakong napako, Mga pangakong naglakbay na sa malayo. Sa mga katagang "walang magbabago," "At tayo hanggang dulo." Sa mga salita **** binitawan Ngunit hindi mo napanindigan. Paalam sa mga nagdaang araw at buwan Pero salamat pa rin sa mga masasayang alaala na naranasan.   Paalam sa mga alaalang masasakit akin ng ibabaon Iiwan na kita sa aking nakaraan At palalayain ko na ang aking sarili sa nagdaan. Yayakapin ko na ang hinaharap at ang aking  kasalukuyan. Sa pagiging estranghero tayo nagsimula noon Kaya magpapaalam din ako na bilang estranghero ngayon. At para sa iyong malawak na kaalaman, Minahal kita, OO, at minsan naging parte ka ng aking mundo At isa kang karakter na maisusulat sa kwento ng buhay ko Yun nga lang, matatapos ang kuwento na di ka kasama hanggang dulo.
0
Oct 27, 2020
Oct 27, 2020 at 6:34 AM UTC
PAALAM (EX MAHAL)
Sinabi ko noon,di na ako magsusulat pa Ngunit iba pala ang nagagawa ng lungkot at pag-iisa Kaya heto ako ngayon,muling nagda-drama Ginigising ang plumang natulog sa mahabang panahon At bumubuong muli ng tula—na sayo lang nakatuon, Sinungaling ako— Tanda ko pa nang aking sabihin Di na kita gusto't nagbago na ang damdamin Pero ang Totoo,Hindi ko lang maaamin Ayokong aminin! Na hanggang ngayon? Walang iba't ikaw pa rin. Oo,Sinungaling ako— Kahit ipagsigawan pa sa buong mundo Sinu— Sinungaling ako? Ang tangi ko lang namang ginawa'y itago ang pag-ibig ko, Ilihim ang pag tingin sayo Dahil alam kong mali at wala pa sa panahon Pero,ang gusto ko lang naman ay ang iyong atensiyon Magkano ba ang isang sulyap? ang isang tingin? Ituro mo naman sakin kung san ko yan pwedeng bilhin, Kahit gaano yan kamahal susubukan kong bumili Gusto ko kasing masilayan muli ang iyong mga ngiti Hindi ko na kasi magawang mahuli pa ang iyong kiliti— Lagi tayong nag-aaway Magbabati ng saglit at sa isang kumpas lang ng kamay Hayun at tila may pader na bumaba at humarang Sa pagitan nating dalawa, Hindi ko namalayan na sa tabi ko, wala ka na pala! Masakit isipin na ang bilis **** bumitaw, Pero wala naman akong magagawa pagkat ikaw ang umayaw Hindi ko lubos maisip kung bakit ang lumilitaw Ako ang masama? Kahit na sa ating dalawa ikaw ang nagpabaya? Minahal kita ng higit sa kaibigan—alam mo yan! Pero kung wala talagang pag-asa Handa na akong palayain ka, Kahit wala naman talagang TAYO KAHIT HINDI KO ALAM ANG ATING ESTADO Palalayain kita. Palalayain kita para ako naman ang sumaya.
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:16 PM UTC
S I N U N G A L I N G A K O"
Sinabi ko noon,di na ako magsusulat pa Ngunit iba pala ang nagagawa ng lungkot at pag-iisa Kaya heto ako ngayon,muling nagda-drama Ginigising ang plumang natulog sa mahabang panahon At bumubuong muli ng tula—na sayo lang nakatuon, Sinungaling ako— Tanda ko pa nang aking sabihin Di na kita gusto't nagbago na ang damdamin Pero ang Totoo,Hindi ko lang maaamin Ayokong aminin! Na hanggang ngayon? Walang iba't ikaw pa rin. Oo,Sinungaling ako— Kahit ipagsigawan pa sa buong mundo Sinu— Sinungaling ako? Ang tangi ko lang namang ginawa'y itago ang pag-ibig ko, Ilihim ang pag tingin sayo Dahil alam kong mali at wala pa sa panahon Pero,ang gusto ko lang naman ay ang iyong atensiyon Magkano ba ang isang sulyap? ang isang tingin? Ituro mo naman sakin kung san ko yan pwedeng bilhin, Kahit gaano yan kamahal susubukan kong bumili Gusto ko kasing masilayan muli ang iyong mga ngiti Hindi ko na kasi magawang mahuli pa ang iyong kiliti— Lagi tayong nag-aaway Magbabati ng saglit at sa isang kumpas lang ng kamay Hayun at tila may pader na bumaba at humarang Sa pagitan nating dalawa, Hindi ko namalayan na sa tabi ko, wala ka na pala! Masakit isipin na ang bilis **** bumitaw, Pero wala naman akong magagawa pagkat ikaw ang umayaw Hindi ko lubos maisip kung bakit ang lumilitaw Ako ang masama? Kahit na sa ating dalawa ikaw ang nagpabaya? Minahal kita ng higit sa kaibigan—alam mo yan! Pero kung wala talagang pag-asa Handa na akong palayain ka, Kahit wala naman talagang TAYO KAHIT HINDI KO ALAM ANG ATING ESTADO Palalayain kita. Palalayain kita para ako naman ang sumaya.
Continue reading...
41
Noon gumagawa ng tula Tungkol sayo at saking pangungulila Sabi ko, andito ako at hihintayin kita Kahit pa masaktan basta sabi ko, mahal na mahal kita Parepareho lang ang tema Laging tungkol doon ang nalalathala Yung paghihintay na muli'y mapasaakin ka Sabi ko, sige na, pagbigyan mo na Pagbigyan mo na na tayo ay maulit pa Ngayon sabi ko, Tama na muna siguro Wala naman kasing nangyayari sa lahat ng sinasabi ng mga tula na 'to Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako Yung isip ko lalo lang gumugulo Siya pa rin naman ang hawak mo Tapos satin wala namang nagbabago Di ako napapagod magmahal at maghintay sayo Pero naisip ko, sa susunod na lang aasa sa "tayo" Bukas, malay mo magkatagpo na naman Dito, doon o saanman Malay mo baka pwede nang muling simulan Yung naputol na pagmamahalan Kung kaya nang ipaglaban Kung kaya nang panindigan Kung kaya nang kalimutan Yung masasakit na nagdaan Kung nanaisin nang muling balikan Saka na lang ulit natin pagbiyan Mahal, gusto ko lang sabihin Laman nitong puso't isip ay ikaw pa rin Habambuhay nang nakatatak sa paningin Ngunit akin munang palalayain Sa malayo na lang kita hihintayin Sa malayo na lang muna kita mamahalin Hindi na muna kita pipilitin Hayaan na lang muna natin Kung saan tayo dalhin ng hangin Dun na lang muna aasa, sa tayo ay muling pagtagpuin
0
Aug 5, 2017
Aug 5, 2017 at 9:27 AM UTC
12:30 am thoughts
Papalapit na ang tren Katulad ng pagdating mo Mabilis, marahas at walang pasabi Umuusok, tahimik at maingay Kasabay ng pagdating nito Ay pagdating ng bagong bagon Katulad mo rin Katulad mo Kasabay ng pag-alis nito Ay ang paglaho ng pag-ibig ko sa'yo Kasama lahat, punong-puno Walang ititira Palalayain ka na
0
Jun 26, 2016
Jun 26, 2016 at 9:06 AM UTC
Bagong Bagon
Atras. Abante. Mga paang hindi makampante. 
Atras. Natakot, nahiya. Nangangapa mula sa paglaya. Iniipon ang lahat ng lakas para tuluyang iwan ang bakas ng nakaraang namaalam na sa lungkot, pait at sakit na dulot ng patuloy na pagkapit. 
 Abante. Uusad, lalayo. Uunahan ang damdamin sa pagbugso. Isang libo’t isang daang duda. Animnapu’t isang segundo ng pag-asa. Imumulat ang mga mata Nangagapa ma'y unti-unting hahakbang Patungo sa ‘di alam kung saan. 
 Urong. Sulong. Palalayain ang damdaming nakakulong.
 Urong. Nag-iisip, nagmumuni. Tinatantyang muli ang sarili kung ilalatag na ang lahat ng sandata at ibubunyag ang mga stratehiya sa laban ng buhay. Handa ka na nga ba? Natuto? Hanggang saan ka dadalhin ng takot mo?
 Sulong. Lalaban, susugod. Hindi alintana kung mapagod, manalo o matalo. Alinma’y hindi susuko. Hindi maliligaw ipikit man ang mga mata sapagka't alam na kung saan pupunta. Bawat hakbang ay kabisado Patungo sa kinaroroonan mo.
 At ako’y mananatili na... sa’yo.
0
Apr 26, 2018
Apr 26, 2018 at 10:54 PM UTC
APAT NA HAKBANG SA PANANATILI
Sakaling ito na ang huli kong tula Hahayaan na, mga luha'y tumila Palalayain, namumugtong mata Hanggang sa muli natin na pagkikita Tuwing gabi'y nalulunod ang isipan Mula sa karagatan ng kamalian Kung mabubuting binhi ang tinamnan Hindi na ganito, aking kapalaran Mga lihim kong hindi pa nasasabi Pansamantala munang isasantabi Ang panahon na ang kusang maghahabi Ako'y hindi na titiklop at tutupi Kaytagal na ang puso'y mananahimik Sa pag-usbong nalang ng araw papanhik Bagamat patutunguhan ay matarik Maghahanda na sa iyong pagbabalik Sakali mang ito na ang huling tula Huwag sanang lumungkot ang mata Ulan ay hihintayin pa ring tumila Para sa muli natin na pagkikita
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 3:37 AM UTC
Huling Tula (?)