Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagtinging" poems
Sino ba naman ako para magpakitang muli sa'yo at sabihing sorry sa lahat ng aking nagawa? Sino ba naman ako para humingi ng pagkakataong maibalik pang muli ang mga nangagdaang panahon? Sino ba naman ako para magparamdam muli at sabihin sa'yo, na miss na miss din kita? Sino ba naman ako para mahalin kang muli at susubugang ibalik ang 'yong pagtinging nawala? Sino kaya ako? Sino ba naman ako? Ayos lang na magalit ka sa'kin, okay lang talaga! Promise 'yan. Sapakin mo 'ko kung gusto mo, wala akong imik pa rin, wala akong pakialam, kasi ang alam ko pinaghintay kita ng matagal, sinaktan kita ng matagal, iniwan kita ng matagal, matagal na matagal, kasi mali lahat ng inakala ko. Sabi ko, "You're too good for me", tama! Oo, kaya nga siguro mahirap lumapit at sabihin lahat ng nararamdaman ko noon. Pero sino ba naman ako para humingi pa ng isa pang pagkakataon na ibigin mo? sino ba naman ako? Kundi isang tao lang na wala ng silbi na sa'yo. Okay, tanggap ko na, tanggap ko na lahat, pero tanong lang, May chance pa ba ta'yo? May chance pa ba na maibalik ko ang nakaraang inukit natin sa isang bato? I think it's too early pa para magparamdam muli. Pero teka lang, wait..... tanong ko muna, bago matapos 'tong tula, mahal mo pa rin ba ako? O kaya'y, hanggang ngayon ba'y may gusto ka pa rin sa isang pahamak na katulad ko? At sinasabi mo lang ba na wala na para masaktan mo rin ako? Please lang naman o, try to answer lang. Kahit anong isasagot mo, I will accept it naman.
0
Sep 18, 2012
Sep 18, 2012 at 5:29 PM UTC
Sino Ba Naman Ako?
#052716 Sining ang hampas, kumpas ng sandali. Artikulo ng Langit, kristal ang pagbahagi. Luha ni Katipan, sasayuri't iigibin. Sisikat ang Araw, Pagsusumamo, kanyang babawiin. Kanyang pagbango'y Siya ring pagkitil ng mga buhay. Siya'y saklob ng bughaw na kumot, Sinta'y haharanain ng paglimot. Aakmaan ng tono ang pagtinging hindi lihim, Maglalaro ng bangka't eroplano, Magsasabuyan ng tubig na kumikislap, Maghihintay bagkus hindi magtatagpo.
0
May 27, 2016
May 27, 2016 at 7:25 AM UTC
Ocean-Sky Love Affair
Ang binuo nating samahan Mga pasimple kong tawa sa banat **** linyahan Ang titig **** Hindi ko maipaliwanag Lahat iyan ay aking iingatan Hindi na nagpapansinan Wala na rin ang matamis na titigan Huwag kang Mag alala, ikaw ay tumahan Ang mga iyan ay hindi ko pahihintulutan Hindi ko hahayaang ang makinang **** mga Mata Ay mapalitan ng pagtinging naiilang Sa oras na marinig mo na ikaw ang nilalaman Mga titik na bumubuo ng iyong pangalan Hindi kailanman mangyayari Na sa iyo ay aking masabi Ikaw ang nais makatabi Ikaw lang ang sambit ng mga labi Hindi ko alam Kung kailan nagsimula Bakit ikaw na ang hanap ng mga mata? Nagpapanggap sa sarili, Hindi ikaw Hindi ikaw Paano mangyayaring sa kapit mo'y di bibitaw? Tuksuhan dito, tuksuhan doon Tila ba sang-ayon sa atin ang panahon Isang araw sa aki'y may nagtanong "Paano Kung kayo sa dulo ?" paano nga kung umabot tayo doon? Naisasala ng imahinasyon Pinapangarap subalit di lubos maisip Umabot tayo sa bangin ng limitasyon Mayakap ka, hanggang dito na lamang ba sa panaginip?
0
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 9:02 PM UTC
Kulungan
Ang lungkot at pakiramdang kay pait, pilit itinatago sa pagkibit balikat at ngiting pilit Na sa kabila ng panandaliang sayang naidudulot ng mga kasamang pumapawi ng iyong lungkot, mga masasayang sandaling kasama ka'y hindi pa rin malimot Ilan man ang nagtanong ng “KUMUSTA?” Ilan man ang dumaan at nakilala, Ikaw at ikaw pa rin ang siyang iniisip oh aking sinta. Puso ko'y parang tinatarakan ng patalim pag nakikita kang sa kanya'y may pagtinging malalim mga matang panandaliang sumaya nang ikaw'y masilayan, biglang napalitan ng bahagyang selos at kalungkutan. NALULUNGKOT mang ngayon na hindi na ako ang sa iyo'y nagpapasaya, na ang mga pangako mo noon na sa aki'y ipinadama, ngayo’y iyo nang ibinibigay sa kanya, patuloy pa ring iibigin ka, kahit sa iyong piling ako’y wala na. At kung siya man ang sa iyo'y itinadhana, ang tanging hangad ko lang ay makita kang MALIGAYA.
0
Nov 12, 2019
Nov 12, 2019 at 11:36 AM UTC
Unreal Smile