Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paglalapit" poems
ALDUB, isang loveteam na hinahangaan ng sambayanan Lalaki, babae, o kung anumang kasarian man yan. Siguradong kikiligin ka sa tambalan ng banyan. Syempre ALDUB yan, sigaw ng taongbayan. Dalawang taong may pinag-aralan Naging isa sa EAT BULAGA; programa ng bayan. Walang halong kaartehan o kaplastikan ang pagtitinginan Inyo itong makikita sa kanilang mga tinginan. Si ALDEN na handang tumupad sa pangako, At si MAINE na handang maghintay sa mangingibig nito. Ang pag-iibigan nila minsan magulo, Pero madalas nagiging wasto. Mga mata nila'y nagtugma na, Ngunit kamay nila'y hindi pa naging isa. PLYWOOD, ALARM CLOCK, LONG TALBE Nidora, humarang sa kanila, Paglalapit nila'y naging HOPIA pa. Kailan kaya magiging isa ang mga ito? Kung ang layo nila'y magkabilang dulo ng mundo. Ang mga tao'y nagtatanong, Kailan nga ba ang tamang panahon? Ito'y huling hirit na ng mga tao. Lola Nidora tuluyang buksan ang iyong puso. Paglapitin landas ng dalawang ito. Upang ang mga tao'y kiligin mula BATANES hanggang JOLO.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 4:35 PM UTC
ALDUB
Sa bawat araw na lumilipas Simula ng nagtagpo ang ating landas Hindi ko inakalang Ang paglalapit ng ating mga mata Magiging daan sa hindi inaasahang Pagkakakilala at pagkakaibigan Sa isang ihip ng hangin Agad kang napansin Hindi man natin aminin Sa isa't isa'y tayo'y may pagtingin Pilit nating nililihim Ngunit nadarama'y Ating diningin Sa paglapit ng tadhana Ikaw pala'y mamahalin Ng totoo at labis Lahat kayang gawin Dumating man ang alitan Tayo man ay magkasakitan Mawala man ang kasiyahan Sa piling mo ako'y laging andiyan Pipiliin ka, kahit ano pa man Pipiliin ka, kahit nasan ka man Pipiliin ka, sa dulo ng hangganan Pipiliin ka, kahit man masaktan Pipiliin ka, sa gitna ng kalungkutan Pipiliin ka, dahil ikaw lang ang nais Nais mahalin at alagaan Pipiliin ka, sa araw araw
0
Sep 28, 2019
Sep 28, 2019 at 1:37 AM UTC
Pinipili
Dalawang barkong Magkasalubong Lulubog? Lalayag? O di kaya'y lulutang Mananatili kung nasaan Walang ibang rason kundi Nandito
0
Jul 30, 2022
Jul 30, 2022 at 4:10 AM UTC
Paglalapit