Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagkahulog" poems
Si Jamaeda: Isa siyang matrona na ang pangarap ay ang wagas na kagandahan. Palagi siyang nilalait ng kanyang mga kaeskwela. Maging mga kapatid niya ay nilalayuan siya. Samantala, ang mga magulang niya ay ikinahihiya ang kanyang kakatwang presensiya. Isang araw, kanyang natuklasan isang natatanging pormula upang makamtan pinakamimithing kagandahan. Mula sa laboratoryo lumabas ang isang mestisang diyosa na siyang nagdulot nang tiyak na pagkahulog ng bawat panga na nilalampasan niya. Puri dito, puri doon. Ang tainga niya ay pumapalakpak. Kaway rito, kaway doon, hindi siya matigil sa kahahalakhak. “Sa wakas,” ika niya, kagandaha'y napasakanya. Subalit, ngunit, datapwat, langit biglang kumulog, kumidlat. Habang ang diyosa'y pauwing mahinhing naglalakad, nakasalubong niya ang isang matrona na siyang nagpaalala ng mapait na nakaraan niya. Itsura ng matrona sadyang kasuka-suka mas masahol pa sa dating muka ng diyosa, wika ng marami pinagsukluban ng langit at lupa maging impyerno ay nakialam pa. Hiling nito sa diyosa ibahagi ang sikreto niya sa pagbabago ng uling at naging isang ginto, ngunit ang kagandahan ng diyosa'y panlabas lang sapagkat kanyang budhi lubos-lubos ang kaitiman. Itinaas ang kilay at saka pumanhik, hindi niya namalayan ang nagbabadyang panganib. Plok! Plak! Inay ko po'y kaysakit! Ang diyosang marikit, napasubsob sa putik. Ngunit sa halip na malambot ang lupang hahagip 'yon pala'y sa ilalim may nakatagong talim. Matigas niyang mukha ginuhitan ng pait ang maladiyosang matrona nasiraan ng bait. Lahat ng tao'y naengganyong lumapit, sa lakas ng kanyang sigaw dahil sa sobrang sakit. Imbis na tulunga'y pinagtawanan, nilait. “Hahaha! Buti nga sa 'yo, mayabang ka kasi,” ang kanilang sambit. Luha niya'y nangingilid, ngunit walang pasubali, ang kutya nila'y sumasabay sa ulang masidhi. Sa hindi niya inaasahan, dinamayan siya ng isa. Isang pamilyar na mukhang hindi rin naman naiiba sa kanya. Magbuhat noon, natutunan niya ang isang malaking leksiyon: “Mas masarap ang maging duryan, kaysa maging isang mamon.”
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 3:46 AM UTC
Jamaedurian

Continue reading...
103
Alam kong mali ito Kahit ang nasa itaas di sasang-ayon Pero ano nga bang magagawa ko? Pakiramdam ko’y lalong nahuhulog sayo. Nung una at pangalawa di ako sigurado Ngunit sa pangatlong beses? Di ko na mawari ang nadarama Pag-ibig ko sayo’y lalong lumalalim Ang hirap! mali kasi talaga to, minsan iniiwasan kitang kausapin, dumidistansya Hindi dahil sa maygalit ako Subalit yun lang ang paraan ko, Paraan na mabawasan ang pagkahulog sayo Minabuti kong di magpakita ng ilang araw’ “And it’s been weeks” Subalit, lalo lang kitang namimiss. Pag ika’y aking kaharap Hindi ko alam ang sasabihin Hindi ko alam saan ako mag uumpisa Ni hindi nga makatingin ng deretso sayo Oo! Single naman tayong pareho Ngunit sa kabila ng lahat Alam kong hindi pwedeng pilitin Alam kong hindi ka itinadhana sa akin Kung hindi lang ito mali Bakit pa kita pakakawalan? Bakit pa kita iiwasan? Bakit ko pa patatagalin? Ngunit may dahilan ang lahat May ibang plano ang Diyos Plano niya'y ikakabuti nating dalawa Kaya di ako manghihinayang! Dalangin ko sa maykapal Maibsan ang aking nadarama Pagkat tanging ito lamang ang solusyon, Sa puso kong di na dapat  umaasa sayo.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 2:08 AM UTC
SIDE B
ngayon ko lang napansin. sobrang dami ko palang isinulat para sa'yo. ngayon ko lang napansin na lahat sila galing sa mga katabi kong diksyonaryo at tesauro. malay ko ba kung ano ang ibig sabihin ng mga isinulat ko. lumalaki pa lamang ako. ngayon pa lang natututong makipagtalastasan, makipagbalagtasan, makipagsagutan, makipag-away. ngayon pa lang akong natututong maghintay at ngayon pa lang nasusugatan. ngayon ko lang nalaman ang tunay na ibig sabihin ng paniniwala. paniniwala sa pagkahulog, paniniwala sa kung anumang gusto kong paniwalaan. paniniwala na meron ka pang mapapaniwalaan dito sa mundo. kapit ka, subukan mo. ngayon pa lang akong nagtitiwalang muli. ngayon pa lang nagpapatawad. ngayon pa lang nakakapagsabi ng 'mahal kita', nang walang pagdududa at walang pagsisisi. mahal ko talaga sila. ngayon ko pa lang nararamdaman ang tunay na pag-ibig. ngayon ko pa lang nakikita kung paano magmahal ang isang taong nasasaktan. ngayon pa lang ako nakakita ng taong durog at winasak ng panahon — marahil dati puro sa teleserye ko lang ito napapanood. noong pumunta kami sa isang museo, napakaraming uri ng sining na maaari **** makita. may mga head busts, paintings, sculptures, pati mga ginamit ng mga pintador na brushes at pati na rin mga natuyong pintura nila. tinignan ko lahat iyon. umabot ng halos labindalawang oras ang pag-iikot ko. walang kain-kain. kinailangan kong makita lahat. ngunit ngayon ko lang napagtanto na iisa lang naman 'yung gusto ko talagang makita. ('yung spolarium.) ngayon lang ako nakarinig ng mga taong wala talagang kamuang-muang sa mundo. 'yung tipo ng taong nakaupo sa ginto ngunit talagang lumaking tanga. nakakaawa sila. ngayon ko pa lang pinapangaralan 'yung sarili ko. kanina nga lang ako nagsabi sa sarili na hindi na ako kakain ng fast food at processed food. (seryoso. nakakamatay talaga sila.) sa pagkamatay ng nakaraan, noon ko lang nasabi sa sarili ko na gusto ko pa talagang mabuhay. gusto ko pang makakita. gusto ko pang makaramdam. ngayon pa lang ako natututong magsulat.
0
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 11:43 PM UTC
2017

2
Kung sakaling mapadpad Dito ang balahibo ng pakpak Ni Icarus, huwag **** hayaang Mawaglit sa iyong isip ang bilin Ko ukol sa ika-10 ng Enero. Ito ang araw kung kailan nagpasya Ang buwan na yakapin ang araw, Hindi dahil sa tiyak na liwanag, Kundi dahil sa katiyakan ng hiwaga. Kasabay ng metapisikal na pagniniig Na ito ang huling hatol ng Daruanak Sa Binibining nabighani sa binistay Na luha ng makata. Makikita pa sa panganorin ang unang Sulyap sa huling alapaap ng dilim. Ngunit wala na ang kulog, maging Ang pagkahulog sa bitag ng ligalig. Alalahanin mo na lang ang dagat at Ang pangako nitong kapahingahan Kung sakaling sa paghahanap natin Sa bahag-hari ay wala na sa ating Maiwan kundi mga guho, mga mumo Ng mga musmos na puso. Ang Mahalaga lahat ng ito'y nakatalá na Sa mga tála.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:47 AM UTC
MGA TALÁ NG TÁLA
Dalawang Haiku ng Pagkahulog Halimuyak mo Sumasabog sa puso Hinto ang mundo **** Kalat sa daan Gaya ng 'king pag-ibig Tuyo at pisak
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 6:27 AM UTC
dalawang haiku ng pagkahulog
Bawat huling yakap mo'y katumbas ng sampal, mga huling halik ng labi mo'y tila latigo ang lapat 'Di alintana ang tawanan nila't pangungutya; Walang higit na sasakit pa kaysa pagtalikod mo't palayong paglakad. Bawat hakbang mo'y nadarama ang pagbigat nitong puso, mga yapak **** dahilan ng makailang dapa at pagkahulog. 'Di na pinapakinggan mga sigaw nila't 'di mapunasan kanilang mga dura; Walang higit na nakakahiya pa kaysa pagtanggi mo sa akin sa harap nila. Bawat kasinungalingan mo'y pako sa aking kamay, mga kasakiman mo'y pako sa paa naman. 'Di na alintana ang hapdi at uhaw, 'di na hihintayin pa aking huling hininga. Walang higit na kamatayan kaysa paglayo mo't paglisan.
0
Mar 29, 2024
Mar 29, 2024 at 7:58 AM UTC
Viernes Santo
Alam ko namang ito ang magiging kamatayan ko. Alam ko namang may hangganan din itong mayroon tayo. Ang puso kong pasan-pasan ko, at hila hila ko rin pati na ang sa'yo. Ang pagkahulog ko ay akin lamang, ang pagkakadapa ko'y sariling pagkakasala. Ano ang sasabihin ng aking ina, ang luha pag nakita ang duguang mukha? Abutin mo ang aking kamay, at tulungan mo akong tumayo sa aking paa. At ang mukha ko'y punasan mo, ang labi ko'y dampihan mo ng labi mo. Ang aking ikalawang pagkakahulog, alam kong wala nang sasaklolo. At wag kang iiyak sa ngalan ko ang luha mo'y para lamang sa'yo. Ang ikatlong pagkakahulog, ang iyong kapatawaran ay ibigay mo. Aking kasuotan ay tanggalin mo, aking kabayaran ay tanggapin mo. Ang mga braso ko'y pigilan mo, ang mga binti ko ay isunod. Alisin mo ang paghihirap ko sinta, ang paghinga ko'y wakasan na. Alisin ang katawan ko't ilayo sa aking puso, ang isip ko'y isunod mo pagkatapos. At ipahinga mo ang bangkay ko sa tabi mo, hanggang kamatayan sa'yo lang gagapos. At hintayin mo aking muling pagbabalik, sapagkat ang aking ikalawang pagdating  ay ang paraisong di mo pa nararating.
0
Mar 27, 2024
Mar 27, 2024 at 7:04 AM UTC
Estaciones de la Cruz