Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
theivanger Jun 2019
Hindi naman ako galit
Sayo'y hindi naman inis
Katapatan ganon parin
Kaibiga'y maramdamin

Patawad unang sambit
Nitong kaibigan ay hibik
Paumanhin nawa'y kamtin
Siyang aking panalangin

Sama ng loob ang dulot
Kaibigang aking nilimot
Ngunit hindi nayayamot
Mawala ka'y aking takot

Tawanan laging naaalala
Biruan nating masasaya
Payo mo'y pumapayapa
Ng pusong lagi lumuluha

Sanay 'wag akong limutin
Kaibigan nagtatampo din
Gaya mo rin, may suliranin
Araw-araw aking pasanin.

Patawad kung nahirapan
na ako ay pakisamahan
Patawad kung di masiyahan
na ako ay pakitunguhan

Sanay huwag magsawa
Laging may laan na unawa
Kahit minsan nagagawa
Sayo'y hindi na nakatutuwa

Mga salitang akin nabitawan
Pawang totoong kahulugan
Subalit kaaway pinipigilan
Ang pagbabagong inaasam

Ngunit iyong laging tandaan
Oh aking mahal na kaibigan
Ikaw siyang kinasangkapan
Upang tungkuli'y masumpungan

Salamat sa Dios sa tulad mo
Sa mabubuting aral at payo
Ako'y walang kabuluhang tao
Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
Mahirap talaga akong pakitunghan, sana huwag **** bitawan, hiling ko sa Dios akoy alalayan, patawad sa aking pagkukulang at sa sama ng loob na naidulot. Kung sakaling mabasa mo ang tula, sana wag mayamot. Salamat sa Dios sa pagkasangkapan sa pagbibigay ng inspiration at pagasa na sa kabila ng mga pagkukulang at kasalanang nagawa ay maari pang magpatuloy sa buhay at malakaran ang tungkuling pinapangarap. Salamat sa Dios sayo mahal at tapat na kaibigan.
Matias Feb 2018
mahirap labanan ang pakiramdam
mahirap ipilit ang isang bagay
mahirap pigilan ang mga mangyayari sa paligid mo
hanggang saan ba ang kaya **** ibigay?
hanggang kailan ka magiging matatag?
hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo?
hindi ka ba susuko?
hindi ka ba napapagod?
natanong mo ba siya KUNG mahal ka pa niya?
at mas masakit kung hindi mo natanong na minahal ka ba niya?
mga hiling na gustong maabot
mga taong nayayamot sa mundong kulot-kulot
mga noong nakakunot
mga buhok na napapanot
kakaisip sa mamaya bukas at sa susunod pang mga gabi
wala na siya at di mo katabi
mata mo'y may luha
dahil sa gusto **** di mo makuha
ikaw ay sobrang ng napapagal
pagod na pagod na kakahabol kaya ikaw ay hinihingal
pilitin **** maging masaya
kahit wala na siya
hindi sa lahat ng pagkakataon
hindi sa lahat ng direksyon
kasunod, kabuntot mo siya
o ikaw ang nakabuntot sa kanya
bawat tao ay may kanya kanyang landas
at sa bawat landas ay mayroong hudas
sa iyong pagtakbo
bawat pagtapak mo ay titignan mo
wag kang tumingin sa isang direksyon
imulat mo yung mga mata mo
dahil hindi mo alam may ahas na kakagat sayo
at dala nito ay lason
lason na magpapahina
lason na papatay
at tatapos sa iyong buhay.
Mister J May 2019
Gabi-gabing tinitiis ang lamig
Ng pusong binibigo ng pag-ibig
Unti-unting bumibitaw ang mga kamay
Sa relasyong unti-unti na ring namamatay

Sa bawat bitaw ng buntong-hininga
Kalakip ang malaking panghihinayang
Sa bawat luha na tumulo mula sa mata
Kalakip ang mga alaalang puno ng lumbay at ligaya

Pilit mang itulog na lang ang lahat
Pilit mang ibaon ang sakit sa limot
Pilit mang magpakalunod sa nadaramang lungkot
Sadyang hindi magawa ng pusong nayayamot

Kailan kaya gigising sa umaga
Na kayang tanggaping wala ka na?
Kailan kaya gagalaw muli ang oras
Na tumigil nung bigla kang nawala?

Kailan maghihilom ang mga sugat
Na dulot ng mga hinagpis ng kahapon?
Kailan kaya ako makakalimot ng lubos
Para puso'y matutunang umibig muli?

Bathalang Maykapal na sa langit ay nagmamasid
Dinggin ang aking mga panalangin ng hinagpis
Ako po'y nagsusumamo't dumudulog sa inyo
Pawiin ang lungkot na pinagdurusahan ko

O Pag-ibig na mahirap mahagilap
Na hanggang ngayo'y nananatiling mailap
Sana'y ang susunod siya na ang huli
Ang babaeng makatatagal sa aking mga bisig
Late night writing.
Can't sleep.

Night!

-J
solEmn oaSis Mar 2023
Aking Buhay ay langit sa piling mo,
dahil Nag-aalab sa iyong silay,,
aking sinta ang apoy ng pag-ibig ko.
Tila mga bara ng ginto na ibinaon sa hukay...
itong kaluluwa ko na dinalisay para sa iyo !
hanggang matagpoan mo ang liwanag na alay,,
na di ko masumpungan kung di pa sa tulong mo !

Wala akong masabi kapag kapwa tayo masaya,
Halos maubo ako sa kakatawa
Walang pagsidlan kasi ang aking saya,
Sa sandaling nagigisnan ko ang kislap ng 'yong mga mata...
Kaya naman ganun din akuh kalungkot..
Kapag ikaw ay nakasimangot,
Sa bawat oras ng paalaman natin ay yakap ang gamot !
Hilom sa ating mga damdamin kapag nayayamot...
Para bang papalubog na araw na di malalagot ,,,,
At tila banda na ang musika ay hindi mapapagot...
Ganyan ko lagi tayo tinatandaan sa paraang ikaw lang at ako ang sagot

Magkasuyo buong gabi
Kapwa mga makatang humahabi
Mga tugma natin ay hindi namumutawi
Ngunit pilit binibigkas ng ating mga labi
Pagkat ang gusto ko ay lagi sa iyong tabi
Ikaw ang buhay ko at lagi kitang kabahagi....

Oh wuoooh hoooohh oha
Napapaawit na itong tula
Ayokong maging isang nakaraang lumala
katulad na lamang ng isang Lumilisang Alaala

Gaya halimbawa
nating d a l a w a
Para bang papalubog na araw na di malalagot,
o magunaw man ang buong mundo...
Ganyan ko lagi tayo tinatandaan sa paraang ikaw lang at ako ang sagot..
Sa aking mga pangambang baka hindi ito innuendo,
paano kung sa aking paggising
totoo na pala ang mga pasaring
doon Sa Kama ng aking paghihintay
Hindi na pala tayo magtatanday,
sana sa susunod na muli kang magpapakita sa akin
sana naman ay hindi na sa panaginip at iyong tiyakin
na isa kang buhay na katangian sa riyalidad...
at hihintayin kita hanggang dun sa aking pag-edad...
Dumalaw ka man o hindi sa pagsapit ng bukas sa aking piling...
Patuloy akong mangangarap  habang nananaginip ng gising!!!

Gaano man ikaw ka-TARAY
Habang ako ay nasa RATAY
my Love
My darling
hanggang ang gabi ko ay araw
Ang araw ko ay palaging ikaw
85 Dumating na ang bisperas ng kasalan
Abalang-abala ang buong kaharian

86 Gayundin ang mga kawal na nagbabantay
Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay

87 Buong araw nakatalukbong ng kumot
Ayaw kumain, sa lahat nayayamot

88 Sa parang bata na may sumpong
Nakaantabay ang nilalang na buhong

89 Sa may tsimineya
‘Di randam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita

90 Lumitaw, lumubog ang buwan
Paggising ng lahat kinabukasan

91 Wala na ang prinsipe! Wala na!
Walang nakapansin! Naglahong parang bula!

-06/21/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 139

— The End —