Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nasasabi" poems
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.” Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.” Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko” Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.” Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko  ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa.. Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko “Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin Yung mga titig mo Yung mga titig mo Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo Yung ikaw Yung ako Pero… Yung akala kong may “tayo” Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema? Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
ALAK

Continue reading...
72
Nasasabi mo pa ba na "Kamusta ka?" Sa dami ng mga kung anong bagay na iyong ginagawa? Nasasabi mo rin ba na "Kailangan kita" O hindi na dahil sa makasarili ka? Nasasabi mo pa ba na "Masaya akong kasama ka" Sa kabila ng mga problema **** karamay kita? Nasasabi mo rin ba na "Ingat ka ha" Sa araw araw ng pamumuhay mo, ako kaya'y naaalala pa? Mahirap intindihin at masakit isipin At sadyang nakakabobong unawain Na ang taong minahal mo Ay siya pang mananakit sayo
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 12:46 AM UTC
Masambit mo pa kaya?
Paanong napapasaya niya ako? Kahit ang ginagawa niya lang naman ay mag exist sa mundo Sa usapang hindi tumatagal ng tatlumpung segundo Madalas ay "hi" o "hello" lang ang nasasabi ko Ang tatlumpung segundo ay naging ilang minuto Ang "hi" o "hello" ay naging maikling kuwento Samahan mo pa ng ngiti niyang nakakatunaw At mga mata niyang bubuo ng iyong araw Dati ay nangungupahan lang siya sa isip ko Ngayon ay malapit na ata siyang manatili ng permanente dito Kapag nagtagal pa siya bahay na ito Posibleng i-offer ko sa kanya ang mas magandang bahay sa aking puso Sa loob ng bahay sa aking puso Ay may hagdan na gawa sa aking binti patungo sa alapaap Mga silya na may sandalang gawa sa aking balikat At kama na gawa sa aking mahigpit na yakap
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 6:16 AM UTC
Untitled
Napakatamis ng mga umaga na ang bumubungad sayo ay ang kaniyang magagandang ginawa, at sa gabi baon-baon mo ito hanggang sa paghimbing. Nang natutunan ko ang tunay na halaga ng pagsamba, natuto din ako puso na tumibok at magmahal ng totoo. Nagmamahal ako kaya ako nakatayo ngayon sa inyong harapan, pero bago ang lahat ng ito, may nagmahal muna sakin kaya ko nakayanang tumayo rito. Sa paglipas ng buhay, ng dahil sa pagmamahal na nag uumapaw at hindi mapantayan, lahat ng salita, kilos, gawa o akda hatid ko ito sakaniya bilang pagsamba. Hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pagsayaw, hindi lang sa pag tayo rito sa kinatatayuan ko ang tunay na pagsamba, dahil ang tunay na pagsamba ay mula sa ating ginagawa na ating isinasapuso para sakaniya. Maraming paraan para ang Diyos ay ating mapasaya, kaya huwag kang mag alala, malambot ang puso niya basta’t lumapit ka lang ng may pusong mapagkumbaba. Magtiwala ka, dahil nakikita niya ang bawat galaw, naririnig niya at bawal salitang iyong sinasambit kapag ika’y nagdarasal o kahit umaawit. Minsan tayo’y nahihirapan sumamba lalo na kung ang ating puso ay punong puno ng galit, sakit at mga tanong na bakit na dahilan ng ating paglayo sakaniyang piling pero mali, bakit tayo lalayo sakaniya kung alam nating siya lang ang makapag pa paalis ng galit, makapag pa pagaling sa sakit, at makaka sagot sa mga tanong na bakit, pero kung hindi mo alam to, sinasabi ko sayo, totoo, huwag kang mahiyang lumapit sakaniya dahil nakikita niya ang lahat ng ito. Alam mo, tatanggapin ka parin niya kahit minsan inisip **** tumalikod sakaniya, kahit minsan, mas pinili mo pang makasama ang barkada, buhat buhat ang mabigat na problema diyan sa iyong puso, iniisip mo ito ang sagot sa problema mo pero hindi. Mas dapat piliing lumapit sa pinagmulan ng iyong liwanag sa buhay dahil siya lang ang makagbibigay ng ilaw kapag ang iyong buhay ay nagdidilim na. Ang lahat ng ito’y nararapat lamang para sakaniya, dahil inalay niya ang kaniyang buhay, naglakad ng duguan, ipinako sa krus kahit walang kasalanan. Hindi siya sumuko, hindi siya huminto, ipinagpatuloy niya ang lahat ng ito para ilagtas ka, ako, tayo. Ang pagsamba, hindi lang sa ginagawa ko sainyong harapan, ito rin ay ang pagtitiwala sa Panginoon na siya’y magbibigay ng kasagutan sa ating mga kahilingan. Nasasabi ko lahat ng ito dahil binuksan ko ang aking puso’t isipan sa bagong kaalaman, hindi tungkol sa matematika, dahil pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo ...... namulat sa katotohanan at nagkaroon ng pagbabago sa buhay, ang Diyos ay nakilala, at binigyan ng kulay ang aking buhay.
0
Apr 30, 2020
Apr 30, 2020 at 8:35 AM UTC
Pagsamba

12
Bakit pa kaya ako na buhay? Bakit pa ako nanatili dito sa mundo? Tingin ng iba sa akin ay walang halaga, Siya namang katotohanan... Ang totoo ay wala naman talaga akong kwenta. Ipinagtataka ko, Bakit binigyan pa ako ng pangalawang buhay? Para saan ito? Minsan naisip ko, na sana dati natuluyan na lang ako. Ano pa bang silbi ko? Ang bigyan ng pasanin ang mga magulang ko? Ang bigyan ng cancer ang lipunang ito? Ang bigyan ko ng karagdagang problema ang mundo? Minsan napapatanong ako, Ano pang silbi ng pangalawang buhay ko Kung hindi naman ako masaya? Bakit hindi nalang ako hinayaang mahimlay na lamang? Paulit-ulit na akong nasaktan at umiyak, Hindi pa ba sapat para pagbayaran ko lahat? Paulit-ulit na pinaramdam sa akin na wala akong kwentang nilalang, Hindi pa ba iyon sapat para magdusa ako ng tuluyan? Paulit-ulit akong napahiya at siniraan, Hindi pa ba iyon sapat para magpahinga na? Kailangan ko pa bang pagdaanan ang ganito kasakit na bagay? Paulit-ulit nalang ba? Wala na bang bago? Hindi na ba magbabago ang kapalaran ko? Ganito na ba talaga? Pagod na ako Pagod na pagod na ako sa totoo lang. Ano bang nagawa ko sa mundo para magdusa ng ganito? Nung mawala ako ng ilang minuto grabe raw ang iyak nila, Nung bumalik ako, abot-langit ang saya nila... Paano ako? Natatanong niyo ba kung masaya rin ako? Minsan nasasabi ko- Wala nang magmamahal sa akin, Wala nang tatanggap sa akin maliban sa pamilya ko. Wala naman talagang makakaintindi sa akin kundi sila... Kaya hindi na ako magtataka kung pati kayo ay mawawala. Nasanay na ako, Ano pa bang bago? Sige, magsilisan na kayo. Gusto niyo ako pa ang maghahatid sa inyo? Ikagagalak ko.
0
Jun 23, 2019
Jun 23, 2019 at 4:00 AM UTC

45
Sakaling ito na ang huli kong tula Hahayaan na, mga luha'y tumila Palalayain, namumugtong mata Hanggang sa muli natin na pagkikita Tuwing gabi'y nalulunod ang isipan Mula sa karagatan ng kamalian Kung mabubuting binhi ang tinamnan Hindi na ganito, aking kapalaran Mga lihim kong hindi pa nasasabi Pansamantala munang isasantabi Ang panahon na ang kusang maghahabi Ako'y hindi na titiklop at tutupi Kaytagal na ang puso'y mananahimik Sa pag-usbong nalang ng araw papanhik Bagamat patutunguhan ay matarik Maghahanda na sa iyong pagbabalik Sakali mang ito na ang huling tula Huwag sanang lumungkot ang mata Ulan ay hihintayin pa ring tumila Para sa muli natin na pagkikita
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 3:37 AM UTC
Huling Tula (?)